Chapter XIII

6 1 0
                                    

Margaux's PoV
Inayos na ni papa ang lahat ng gagamitin ko at dadalhin ko papuntang Japan Kahit linggo pa lang ay ayos na ang lahat nagpadala nadin ng sulat si papa para sa school na 2 days kaming wala ni damon di ko alam kung paano nagawa ni papa na ayusin ang lahat kahit na may pasok pa ay nakagawa ng paraan si papa para makapagbakasyon ako ng dalawang araw.

2days lang ang usapan namin ni papa dahil delikado lalo na at dalawa lang kami ni Damon ang tutungo sa Japan nakaayos lang ang lahat ng pupuntahan namin at tutulugan sakaling makarating na kami sa Japan.

Sunday Night
Damon's PoV
Kasalukuyan akong nasa harap ng girl's Dorm inaantay bumaba si Margaux niyaya niya ko para lumabas alas 7 pa lang ng gabi kaya pwede pang lumabas ng Campus.
Naninibago na ko kay Margaux dati lang ayaw nya kong kasama o makita man lang pero ngayon siya na ang nagyaya ng gala.

"Kanina ka pa ba!?"
Natauhan ako ng magsalita si Margaux
"Ah hindi naman ang ganda mo talaga"
"Bolero"
Nagpatuloy na kami sapaglalakad
"Saan ba tayo pupunta love!?"
"Wag mo kong tatawagimg love Mahinang nilalang" sabat niya
"Hay nakaraan lang tinatawag mo kong love ah?"
"Ahmm sinabe ko ba talaga un?"
"Tsk bahala ka nga" pagtatampo ko
"HAHAHA wag ng magtampo ang bata Ay isip bata pala" saad niyang nang aasar
"Bahala ka wag mo kong kausapin!"
"Sige" malamig na pagsabi niya
Sandaling kaming nabalot ng katahimikan
"Hoy biro lang" saad ko
"Wala sabi mo wag kitang pansinin diba?"
"Ipapakilala kita kela mama pag uwi naten galing Japan ah"
"Ayaw ko nga!"
"Bakit naman?"
"Dapat ang una at huling ipapakilala mo sa magulang mo ay ang babaeng sigurado ka ng papakasalan mo"seryoso niyang sabi
"Sigurado naman akong ikaw na ang papakasalan ko e"
"Bata pa tayo madami ka pang makikilala, maaring magsilbi lang akong aral para sayo kaya wag mo muna akong ipakilala"
"Hay ayaw mo ba kong pakasalan!?"
"Bakit mo naman ako tinatanong ng kasal bata pa tayo kasal agad nasa isip mo"

Paikot ikot ay pagala gala lang kami ni Margaux habang kumakain ng street food na makita namin habang naglalakad sa kalye ay nag uusap kami tungkol sa mga pupuntahan namin at gagawin sa Japan bukas.

Sunday Midnight
Margaux's PoV
Alas dose na ng madaling araw nag aantay na si Damon at ang sasakyan namin papuntang airport dinala ko ang Locket na binigay ni papa at ang journal ko Konting damit lang ang dala ko.
Pagbaba ko ng dorm ay bumungad si Damon at ang driver ko madilim pa at tahimik
"Happy Birthday Love!" Saad ni damon na kinagulat ni mang fernan
"Pagpasensiyahan nyo na po siya mang fernan di ko po yan boyfriend baliw lang po" saad ko
Natawa naman si mang fernan at tumango

Kasalukuyan na kaming nakasakay Private plane ang sasakyan namin papuntang japan.

"Ngayon ko lang nakita yang kwintas na suot mo" saad ni Damon
Tinago ko naman ito sa loob ng damit ko
"Bakit mo tinago? Kanino galing yun?" Saad ni Damon
"Basta"
"Tsk galing siguro yan kay gab noh?"
"Ahmm bakit nagseselos ka?" Natatawa kong saad
"Akin na nga yan"akmang hahablutin niya natulala kaming ng mahawakan niya ang dibdib ko hindi parin inaalis ni damon ang kamay niya
"Anong ginagawa mo!?" Namumutla kong saad napabitaw naman siya at namumutla na den napuno ng katahimikan ang sasakyan nagkakailangan na kami ng dahil sa nangyare

Kasalukuyan na kaming nakaupo sa Eroplano magkalayo kami ng upuan lima lang ang sakay ng eroplano dalawang piloto isang flight attendant at dalawa kami ni damon.

"Sorry" mahinang sambit ni damon
"Ayos lang"
"Sana ayos lang sayo kung aaraw arawin ko"
Namutla naman ako sa sinabe ni damon
"Manyakis ka!" Sigaw ko sabay hampas tinawanan niya naman ako
"Aray masakit na! Gagawin din naman natin yun pag asawa na kita"

Natahimik ako sandale sa sinabe niya Wala talaga akong balak na sabihin sa kanya na malapit na akong mamatay
"Duh hindi ako magpapakasal sa Mahinang Nilalang!" Pagtataray ko
"Oo nga pala gusto kong pumunta sa Attack on Titan Theme park"
"Ah sige yun yung una nating pupuntahan!"
"Aabutin tayo ng gabi papuntang japan diba!?"
"Tanga! Apat na oras lang ang biyahe papuntang Japan"
"Ah ganun ba edi mga alas 6 nasa Japan na tayo! Mukhang masaya to ah" saad niya
"Tsk" sabay lagay ng headphones sa Tenga ko gusto kong matulog ala 1 pa lang mag aalas 2

Di ko na napansin ang oras ng magsalita ang piloto ng eroplano

"On behalf of This Airline, the flight crew would like to welcome you to This International Airport. We will be arriving at the gate momentarily. Please remain in your seats with your seat belt securely fastened until the aircraft has come to a complete stop at the terminal gate."

Nagising ako sa aking kinauupuan nakasandal sa balikat ko si damon
"Hoy! Gumising ka na"
Mabilis kong nagising si damon nasa harapan na namin ang Flight attendant na aalalayan kami kung ano na ang gagawin.

Ng makalapag na ng maayos ang eroplano ay tinanggal na namin ang seatbelt bukas na din ang pintuan ng eroplano nakatayo na sa harapan ng pintuan ang dalawang piloto at ang flight attendant
"Welcome to Japan the land of rising sun" saad ng flight attendant patuloy na kaming bumaba ni damon at may nakaparadang sasakyan at nagiintay ang driver namin.

Matapos ang mahigit 20 mins lang na biyahe nakarating kami sa hotel na tutuluyan namin
"Amanhoteru e yōkoso" saad ng isang babae na nag aantay sa amin
"Ano daw sabi niya?" Tanong ni damon
"Welcome to Aman Hotel" hinatid na agad kami sa kwarto nasa 35th floor ang kwarto namin isa sa pinakamalaking kwarto ang napili ni papa.

Umalis na ang naghatid sa amin may hawak akong credit card na gagamitin namin pang gastos ang laki ng kwartong ito pero bat isang Tulugan lang ang napili ni papa? Hahayaan niya ba kong makatabi sa higaan tong si damon hayy papa naman!!! Sigaw ko sa isip ko

Kasalukuyan kaming nasa loob ng theme park napakaganda at makatotohanan napanood ko na ang palabas na attack on TiTan kaya nakakarelate ako natutuwa sa nakikita ko puro kami picture ni damon na para bang walang pag aalinlangan alas 3 na ng hapon kami dito nakarating mahigit dalawang oras na din kaming umiikot at kumukuha ng picture sa isa't isa

"Hoy! Nagugutom na ko" reklamo ni damon
"Saan mo ba gusto kumain!?" Tanong ko habang kumukuha pa den ng larawan
"Doon!" Sabay turo ng isang Japanese Restaurant na nasa loob ng theme park.

#jai_wieee

Love in PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon