Chapter XII

7 1 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa loob ng basketball Court nakabihis at handa na sa liga pinapalibot ko ang mga mata ko para hanapin si Margaux pero wala siya hanggang sa nagsimula na ang liga.

First Quarter ng Laban ay lamang ang aming team pero nakabawi agad ang kalaban
Second Quarter na at tambakan na ang team namin kaya galit na galit na ang coach namin

"Ayusin nyo naman dala nyo ang pangalan ng eskwelahan isang kahihiyan pag natalo ang team naten na matagal ng naghahari sa Basketball" sigaw ni Coach
"Ikaw Alavado kanina ko pa napapansin na wala ka sa hulog ano bang problema mo? Ikaw ang star player ng team wala ka bang balak ilabas yang init mo?" Tanong ni coach na halatang naiinis na sa aken wala akong gana maglaro dahil di ko man lang makita si margaux at ilang Araw ko na siyang di nakikita
"Sorry coach aayusin ko na" saad ko
Tulala kong sabi hanggang sa natapos ang second quarter na 6 na puntos ang lamang ng kalaban

Kasalukuyang nagpapahinga ang team binangko ako ni coach dahil alam niyang wala akong gana maglaro ngayon nagsisimula na ang third Quarter at nakaupo lang ako sa bench habang nakabalot ng tuwalya biglang may lumapit na babae sa akin at nag abot ng Gatorade tiningala ko siya nagulat ako ng makita si margaux
"Oh bakit bangko ka lang? Sorry nahuli ako" saad niya napatayo naman ako at niyakap siya madaming tao pero wala ang atensyon samin kundi nasa laban

"Bakit di ka pumasok alam mo bang inaantay kita gabi gabi!? Grabe ka"
"HAHAHHA namiss mo ba ko!?"
"Ewan ko sayo nakuha mo pang tumawa"
"Oh pampalakas bangko ka lang ata e" umupo na siya at pinunasan ang pawis ko
"Yan uminom ka para naman lumakas ka"
Bigla akong naganahan sa presensya niya si margaux lang talaga ang kalakasan ko
Nag time out saglit kaya kinausap ko ang coach namin na ipasok ako gusto kong pakitaan si margaux baka sakaling mafall hehe

Di naman ako nabigo dahil ipapasok nga ako ni coach
"Wala man lang goodluck kiss jan love?"
"Wala, goodluck sapak na lang?"saad niyang halatang nangiinis
"Tsk" simangot ko nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa pisnge
"Ayan goodluck kiss galingan mo Goodluck Love"
saad niya na dahilan para mamula ako at mapangiti na parang baliw fuck it mukhang magiging MVP ako ah

Nagsimula na ang laban ang hirap umiskor dahil malalake ang kalaban malakas mang block. nakita ko si Margaux na kausap ni kiro nakangiti sakin si Margaux habang may sinasabe na hindi ko naman naririnig pero alam kong chinecheer niya ako .

Bawat tira ko ay lumilingon ako sa kanya dahil sure na papasok to pag nakita ko siya
Sunod nasunod ang pagpapaulan ko ng tres di pumapalya dahil dito ako malakas kaya nga star player e

Fourth Quarter na umiinit ang laban dahil lamang na ang team namin 8 di pa ito ganun ka kalake kaya madali lang mahahabol ng kalaban gumagamit na ng dahas ang kalaban at halatang sinasadya na akong pilayan alam nilang malakas ako sa tres na dahilan kung bakit di sila nakakalamang samin.

Last two mins na ng laban ng mabali ang daliri ko sa kanan na dahilan kung bakit gusto na kong ilabas ni coach
"Alavado, tama na maupo ka na baka kung ano pa ang mangyare sa daliri mo mahihirapan kang tumira kong may bali yan"

"Okay lang ako coach kaya ko gusto kong maglaro maliit na bali lang to" pamimilit ko
Gusto kong tapusin ang laban.

Matapos ang higit tatlong oras ng laban natapos din ito kami ang nanalo 104-97 ang iskor mainit init ang laban dahil sa hindi sports na ugali ng kalaban.
ako ang MVP may score na 37pts 12.5 reb.
Pero may bali ang daliri ko kaya nilapatan agad to ng lunas bago ako kasalukuyang pinagpahinga sinama ko si Margaux sa loob ng kwarto ng mga player

"Ang galing mo kanina nakaka proud" saad niya hindi ko akalaing dadating siya
"Syempre andito ka siguro kung wala ka talo kami"
"Tsk bolero"
"Nga pala wala man lang kiss??"
"Wala tama na yung isa lang"
"Hayy anu ba yan!"
"Oo nga pala dahil panalo kayo at MVP ka may ginawa ako para sayo Tadaaa" saad niya sabay labas ng mga stainless na baunan
"Niluto ko yan para sayo" sabay lagay sa lamesa na nasa gilid namin binuksan iya ito at inaayos sinirado ko naman ang pinto at tumabi sa kanya kami lang dalawa dito dahil nasa labas ang mga kasama ko may balak kasing mag inuman ang team dahil sa pagkapanalo pero di ako sumama kahit na ako ang MVP

Pagbukas niya ng baunan ay bumungad ang masasarap na Japanese Foods
"Mukhang masarap yan ah"
"Masarap talaga yan at espesyal dahil galing yan sa puso ko" pagmamalaki niya
Niyakap ko naman siya sa sobrang tuwa
"Patikim nga" sabay kuha ng isang sushi
"Teka wag mong kamayin"
Inabutan niya ko ng chopsticks
"Subuan mo ko pagod yung kamay ko love"
"Hayy ang arte! Oh eto" sinusubuan niya ako habang kumakain nagtatawanan kami na para bang matagal ng magkakilala.

"Teka saan ka ba galing at ilang araw kang wala??" Tanong ko
"Ah pumunta ako sa bahay ng parents ko e"
"Ah ganun ba nga pala gusto na kitang ipakilala kay mama"
"Ipakilala!?"
"Oo naman para naman legal tayo, tyaka kinekwento kita kay mama at papa gusto ka nilang makilala"
"Pero hindi naman tayo magjowa wag ka ngang assuming" pagtataray niya
"Oo nga pero mahal kita margaux at liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo"
"Sapilitan ka pala magmahal damon"

"Hindi kita pinipilit na mahalin ako ang akin lang gusto kitang ligawan kahit ayaw mo gusto kong ipakita ko sayo na mahal talaga kita dahil ang saysay ng panliligaw ay para mahulog ang loob ng babae sa lalake kaya sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita"

"Tsk kumain ka na nga ng madami mukhang pagod na pagod ka sa laban kanina"
"Paano ako mapapagod kong sa bawat bitaw ko ng bola ay nakikita ko ang lakas ko!?"
"Hayy alam mo ang bolero mo"
"Well basketbolero e"
Natawa naman siya sa sinabe ko

"Oo nga pala damon may sasabihin ako sayo"
"Ano yon?"
"Gusto mo bang pumunta ng japan!?"
"Oo naman bakit!?"
"Sa monday na yung Birthday ko gusto kong pumunta tayong Japan kung okay lang sayo alam ko namang di tayo ganun ka close pero gusto ko lang tupadin yung pangarap mo"
Saad niya
"Tsk close kaya tayo tyaka Girlfriend kita, Sige Birthday mo yun e debut mo ata ah" panghuhula ko
"Ahmm oo debut ko nga"
"Edi pwede ka ng mag asawa" natawa naman si margaux sa sinabe ko
"Asawa agad oh gutom lang yan"
Napuno ng tawanan at asaran ang pagsasama namin di ko akalaing ganito kami kasaya.

#jai_wieeeee

Love in PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon