Chapter XVI

8 1 0
                                    

Margaux's PoV

Kinuha na nila kuya ang lahat ng gamit ko sa dorm nandito na sa room ko ang mga picture namin ni damon sa buwan nirerecall ko lahat ng masasayang memories namin kahit sa maikling panahon naging masaya ako.
Naalala ko nga pala project to ni damon at ipapasa niya na ito sa friday kaya tinabi ko sa table ko ang mga pictures para ipadala ko sa kanya kung di man siya pumunta. Ayaw kong malaman niya na may sakit akong malala kaya kailangan kong gumaling agad para pumasok ulet ako.

Hawak ko ang kwintas na binigay niya.
"Kumain ka na muna margaux" hatid ni kuya ng pagkain sa table ko
"Kuya diba gagaling ako?"
"Oo naman gagaling ka ang lakas lakas ng prinsesa namin e"
"Kuya pano pag hindi na ko gumaling?"
"Wag mong iisipin yan masayang alaala lang diba? Gagaling ka Margaux"
Naluluha na ko pero pinpigilan ko lang sinimulan ko ng kumain pagtapos ay pumunta akong CR para mag ayos.

Nagulat ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin ang laki ng pinagbago ko pumayat agad ang mukha ko at namumutla ang mukha ko bakit ang ambilis dalawang araw palang naman bakit parang wala na akong dugo?
Naiiyak na ko ayaw kong makita ako ni damon ng ganito baka isipin niya na malala ang sakit ko kailangan kong gumaling

Di ko na namalayan ang sarili kong umiiyak sa loob ng banyo di na kaya ng puso ko sa pagkakataong ito hindi na malakas ang tibok ng puso ko.
Natauhan ako ng marinig ang boses ni kuya
"Margaux ayos ka lang ba?"nagpunas ako ng luha bago lumabas

Paglabas ko ay nakita ko si damon.

Kasalukuyan akong nakaupo sa kama ko at sa kaliwa ko naman si damon na nakaupo sa upuan kaming dalawa na lang ang nandito nagkekwentuhan at nagtatawanan hindi niya pinasok sa usapan ang sakit ko.

"Oo nga pala damon may ibibigay ako sayo"
"Ano iyon?"
Sabay abot ng locket na ibinigay ni papa sa aken
"Ito oh ang ganda hindi ba? Binigay to sa aken ni papa ibigay ko daw sa lalakeng gusto kong makasama habang buhay at sa susunod pang buhay"
"Napakaganda sa papa mo pala to galing"
"Itago mo yan ah"
" oo naman iingatan ko to"
"Huwag kang mag alala pag gumaling ako pupunta ulet tayo sa Rooftop at kakain ng madaming shawarma HAHAHA" pinipilit kong tumawa para ibsan ang pag aalala niya saken
"Ang lakas lakas mo e talagang gagaling ka"

Gabi na pero di paden umuuwi si damon kakatapos ko langkumain at turukan ng nurse kinausap ko na den kanina si papa naninibago ako hindi man lang ako nakaramdam ng sakit sa puso o ano tanging saya lang ang naramdaman ko mula kaninang umaga Dalawa na lang muli kami ni damon sa kwarto ko nakahiga siya at natutulog halatang pagod na siya naisip kong magsulat muli sa journal ko

November 7,2019
10:23 pm
Dear Journal,
Napakasaya ko ngayong araw tanging saya lang ang naramdaman ko mula umaga
Hindi ko akalaing magiging masaya ko sa 18th Birthday ko kahit tatlong araw na ang nakalipas matapos ng Birthday ko. Hinding hindi ko kakalimutan kailanman ang saya na naramdaman ko. Alam kong hindi na Ako gagaling at kung sakali mang hindi na talaga Sana maging masaya si damon.. Please dame maging masaya ka kahit na hindi na ako ang dahilan. Mahal na mahal kita hanggang sa huling sandali ng aking buhay.

Signed,
Margaux

Nilagay ko na lang ang journal sa ibabaw ng lamesa ko katabi ng mga pictures namin sa buwan na nakalagay sa sobre at isa pang sobre para naman sa mga pictures naming dalawa

Di pa den ako makatulog kaya tumayo ako at akmang aalis nagising si damon
"Saan ka pupunta? Tanong niya sa aken
"Gusto kong tignan ang buwan sa Rooftop ng ospital"
"Sasamahan kita"

Nakaupo kami ngayon sa Rooftop ng ospital habang nakatingin sa buwan inalalayan niya ako paakyat dahil di ko na kaya maglakad ng malayo pinagpag ko ang sahig at nahiga habang unan ang hita ni damon
"Ang lawak ng kalangitan" panimula ko
"At ang ganda ng buwan" saad niya
"Sana gunaling na ako para makita ko na ulet ang view sa MainBuilding"
"Wala namang pinagkaiba ang nakikita naten doon at dito"
"Meron kaya"
"Ano iyon?"
"Basta magkaiba"

Niyakap ako ni damon at bumulong sa akjng tainga
"Tatandaan mo Margaux na mahal na mahal kita kahit Anong mangyare ikaw lang ang mamahalin ko"
"Hindi pwede dapat magmahal ka din ng iba"
"Gusto ko ikaw lang"
"Alam mo ba sabi nila na may isang tao na mamahalin mo ng sobra yung tipong kahit na umibig ka pa ng iba may parte sa puso mo na para lang sa kanya ang tawag dun GREATEST LOVE"
"Kung ganun ikaw ang Greatest Love ko"
"Oo ako nga iyon dahil hindi naman ako ang Nakatadhanang pagibig para sayo"
Napatingin si damon sa akin niyakap niya ko ng mahigpit
"Wala ng mas Marahuyo pa sa gabing kayakap kita"

Niyakap niya lang ako ng mas mahigpit
"Ayaw kong bumitaw damon"
Saad ko sabay tayo ewan ko pero parang namamagnet ako pabalik ng kwarto ko

Bago pa kami makababa sumulyap muli ako sa buwan at bumulong
"Napaka marahuyo ng Buwan"

10:58 na at nakahiga na ako sa aking kama
Niyakap muli ako ni damon at naglalambing sa akin
"gusto ko ng matulog damon"
Ewan ko ba hindi naman ako inaantok pero nakakaramdam na ako ng pagod pumipikit na ang mata ko
"Ang hina ng tibok ng puso mo margaux ayos lka lang ba?"
"Oo naman"
"Tatawag ako ng Doctor"
"Wag ayos lang Ako please wag na"
Naluluha na si damon hanggang sa patuloy na siyang umiyak
"Please lumaban ka margaux Tatawag ako ng Doctor pleaseee ayaw kong huminto ang tibok ng puso mo ayaw ko margaux ayaw ko" naiiyak niyang sabi
"Hindi pa ako mamamatay ano ka ba" natatawa kong sabi pero nakakaramdam na ako ng kakaiba humihinto na ng dahan dahan ang tibok ng puso ko nawawalan na ako ng gana napapapikit na angmata ko

"Damon wag ka ng umiyak mahal kita" tinignan ko ang suot niyang locket at hinawakan ko naman ang kwintas na ibinigay niya sa aken.
"Mahal na mahal kita damon"
"Mahal na mahal din kita mula sa buwan pabalik dito" sabay turo sa puso niya
"Huwag mo na kong isipin at alalahanin pa, magmahal ka ng iba at piliin mo ung babaeng mananatili sa tabi mo habang buhay."

"Mamahalin kita kahit na wala ka na sa tabi ko kahit na hindi na kita nakikita kahit na malayo at nasaan ka man mamahalin kita hanggang sa susunod na buhay kahit na sa kabilang buhay hanggang sa anim pang mundo mahal kita"
"Hinde pwede, mali ang pagibig naten"

"Walang maling pag ibig, sadyang mali lang ang panahon, nasa mali tayong pagkakataon."

"Wag ka ng tunawag ng Doctor, yakapin mo na lang ako"
Pilit kong nilalabanan ang pagpikit ng mata ko hanggang sa di ko na kaya. Bumulong ako sa tenga ni damon sa huling pagkakataon
"Hahanapin kita sa susunod na buhay at sa kabilang buhay Mahal na mahal kita Damon Alavado I Love You"
Saka pumikit ang mata ko di ko na kaya pang imulat pero naririnig ko pa ren ang pagiyak ni damon narinig ko pa ang sinabe niya "I Love You too Margaux Miyazaki"
At yun na nga ang huli kong narinig patuloy ang pagbabalik ng lahat ng alaala ko mula ng araw na inampon ako ni mama sa bahay ampunan hanggang sa huling beses na sinulyapan ko ang buwan.

Damon's PoV
Hindi ko na alam ang gagawin ko tanging ang pintig na lamang ng puso ni margaux ang nararamdaman ko na dahan dahang nawawala nakahiga ako sa dibdib ni margaux hawak ko ang kamay niya
"Hahanapin kita sa susunod na buhay at sa kabilang buhay Mahal na mahal kita Damon Alavado I Love You" rinig kong sambit niya nararamdaman kong yun na ang huli niyang sasabihin
"I Love You to Margaux Miyazaki" tugon ko habang patuloy ang pagpatak ng luha ko
Tinignan ko ang oras sa aking relo 11:15 pm

Niyakap ko siya sa huling pagkakataon konti konti ng lumalamig ang katawan niya pinunasan ko ang luha sa mga mata niya
"Mahal na mahal kita Hinding hindi kita kalilimutan ikaw ang Una kong pag ibig madame pa kong gustong sabihin pero inangkin ka na sa akin ng langit. Patawarin mo ko Margaux, Mahal na mahal kita..

Lumabas ako at tinawag ang pamilya niya na nasa labas pumasok naman sila ngunit huli na ang lahat malamig na ang bangkay ni Margaux wala ng nagawa ang pamilya nya kundi ang umiyak naiiyak na den ako hindi ko na kaya
Lumapit ang Doctor sa malamig na katawan ni margaux
"Margaux Dela Fuerte Miyazaki time of death 11:23 pm" saad ng Doctor
"Mali," saad ko nagtinginan ang lahat sa akin lumapit ako kay margaux
"Margaux Dela Fuerte Miyazaki time of death 11:15 pm" saad ko habang patuloy na lumuluha hindi ko na alam ang gagawin tanging sakit nalang ang nararamdaman ko.

DYK?
About 75% of babies born with a critical CHD are expected to survive to one year of age. About 69% of babies born with critical CHDs are expected to survive to 18 years of age. Survival and medical care for babies with critical CHDs are improving.

#jai_wieeee

Love in PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon