Pagkapasok ko sa bahay ay hindi magkanda-ugagang mga kasambahay ang naabutan ko. Mga nagsisipagpunas ng mga furniture kahit na nalinis ko na kahapon at mga naghihilahan ng mga maleta.
Napasinghap ako nang makitang may apat na mga taong nakaupo sa sofa. Nakatalikod sila kaya hindi ko makita. Paniguradong ito ang mga anak ni Tita. Babatiin ko sila, sabi naman ni Tita mababait daw ang mga ito. Sigurado raw na makakasundo ko sila. I hope so—matagal na akong nasasabik na magkaroon ng maraming kaibigan. Kung papalarin ay makakasundo ko pa silang lahat.
Nakangiti akong naglakad at tumayo sa gilid ng isang lalaki. Bahagya pang nanlaki ang mata ko nang makitang...ang gugwapo nila at ang ganda ng babae. Manang-mana kay Tita.
Nginitian ko sila isa-isa nang tumingin sila sa akin.
"Who are you?" tanong ng isang lalaki.
Isang pangungusap lang, nabaling agad sa kanya lahat ng atensyon ko.
Unti-unti kong naramdaman at kaba at pagkalito.
Napawi ang ngiti ko nang hindi makitang masaya ang mga mukha nila, maliban sa babaeng maaliwalas ang mukha ngunit hindi naman nakangiti. Inisip ko na baka napagod lang sila sa byahe pero iba ang nararamdaman ko sa presensiya nila. Masyado silang mabibigat.
Nabalik sa lalaki ang paningin ko. Isang nakakapanlamig na titig ang ginawad niya sakin, para bang nakatingin siya sa isang estrangherong hindi dapat makilala—at ako iyon. Napalunok ako at bahagyang nilihis sa isang lalaki—tapos sa isa.
"Hmm, ako si Loira. Kinupkop ako ni Tita noong 10 years old pa lang ak—"
"She did?" Parang 'di makapaniwalang tanong niya, isa sa mga kambal. Kumunot ang noo ko.
Akala ko ba mababait sila? Bakit parang—hindi naman?
At hindi ba nila alam na may kinupkop ang mommy nila?
"O-opo eh. Pitong taon na po akong dito nakatir—"
"Shut up," Mahinahon ngunit nagbabantang sabi ng isang lalaki, ito 'yong walang kakambal. Nakagat ko ang dila ko dahil sa pagkapahiya.
"Kuya!" Narinig kong sigaw ng babae bago tumayo, pagod itong tumingin sa akin. Napayuko ako. "I know you're rude, but please—respect her. I know her, kinwento sa akin ni mommy."
Napaangat ang tingin ko dahil sa nakitang kamay na nakalahad sa harapan ko. Isa iyon sa kambal, nakangiti ito kaya nakita ko ang isang dimple nito na malalim. Mabait din naman pala 'to, seryoso nga lang ang mukha kanina kaya akala ko suplado.
"I'm Isaac. Nice to meet you, Loira!" Magiliw na pagpapakilala niya at siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at nakipagkamay. Nakita ko ang pagtayo rin ng kambal niya. Magkamukang—magkamuka sila, maliban na lang sa nakabusangot na mukha nang nahuli.
"Bryce," Saglit lang ang kamayan namin dahil tumalikod na ito at umupo ulit sa kinauupuan niya kanina.
"He is my twin, pero mas lamang ako nang ilang paligo. 'Di ba?"
Kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko alam kung oo ako o hindi ang sagot. Hindi ko naman alam kung sa isang araw, tatlong beses siya naliligo kaya lamang siya nang paligo sa kakambal niya. Pero gwapo 'yong isa, 'yong walang kakambal. I thinks he's the older among them all. Mas matured ang feature niya at nanlalaban ang masungit nitong itsura. Manang-mana 'yong si Bryce sa Kuya niya. His broad shoulder—namumutok na biceps at ang hulmang-hulma na mukha ay nakaka-intimidate ngunit wala naman sa akin iyon, nakakatakot lang siyang tumingin dahilan para manginig ang labi ko at tuhod.
Nakita kong binatukan si Isaac ng babae kaya umalis itong nagkakamot ng batok at bumalik sa kinauupuan kanina.
"Hi, I am Vianne. Nice to meet you. Sorry for these Kuyas of mine, especially Kuya Bryce and Kuya Draisen. Ganyan lang talaga sila." Inabot niya ang kamay ko at ngumiti sa akin.
BINABASA MO ANG
Let's Meet Again (Saldaviga Series #1) Complete-UNDER REVISION
RomanceSeries #1 [DRAISEN VONN SALDAVIGA] Started date: AUGUST 26, 2020 Finished date: OCTOBER 30, 2020