Chapter 10

1.8K 41 11
                                    

"Anong oras kayo uuwi?" Baritonong boses ni Draisen ang pumukaw sa aming dalawa ni Vianne. Hawak-hawak pa ni Vianne ang buhok ko at nilalagyan nang mumunting mga bulaklak sa bawat sulok ng tirintas na inayos niya. Ako naman ay naitikom ang labing mamula-mula dahil sa inilagay na lipstick ni Vianne.

Aniya'y aayusan daw niya ako dahil hanggang gabi raw kaming gagala sa mall. Mang-hahunting daw kami ng mga lalaki. Sinakyan ko na lang dahil baka magalit na naman sa akin. Usapan naman namin ito kahapon kaya okay lang.

Hindi ko nga alam kung bakit nakafitted na dress ako na walang strap ang isa at ang isa ay meron. Sobrang ikli rin, na halos kalahati lang ng hita ko ang natatakpan, e, sa mall lang naman kami. I don't think I can walk properly wearing this kind of dress. It's not even my taste.

"Before 8, I think?" bumungisngis si Vianne at pinasadahan ako ng tingin sa salamin. Napatayo ako nang hilahin niya ako para mapasadahan ang kabuuan. "Perfect!" She clapped and faced me with adoration in her eyes.

Napahawak ako sa laylayan ng dress at ibinaba nang bahagya. Napanguso ako nang masalubong ang pagtaas ng kilay ni Draisen at pagtagis ng mga bagang. Pinasadahan niya ako ng tingin na dumilim ang mukha, tinagilid ang ulo at binalik ulit sa akin.

"Saan ang punta niyo?"

Bakit ba andito siya sa kwarto ni Vianne? Hindi ba siya aalis? Bakit naman kasi sumulpot siya rito?

At...at...bakit ang gwapo niya sa suot na simpleng white V-neck at pants?

Hinawakan ako ni Vianne sa balikat kung saan walang saplot dahil sa style nito. Napaigtad tuloy ako at napanguso nang makitang nagtatagis ang bagang ni Draisen habang nakatingin doon. Pumikit siya nang mariin at hinilot ang sentido. Para bang nauubusan na siya ng pasensiya at konting kalabit na lang sasabog na siya.

"Kapag sinabi ko sa 'yo kuya. For sure susunod ka, may kikitain lang kami!" Bumungisngis siya kaya sinabayan ko siya ng hilaw na tawa.

Masama akong tiningnan ni Draisen at padabog na umupo sa couch ni Vianne sa kwarto niya. Humalukipkip at pinasadahan ulit ng tingin ang suot ko. Ano bang problema niya?

Hindi ba bagay sa akin? Confident pa naman ako dahil si Vianne ang nag-ayos sa akin. Maayos naman 'to kasi may taste si Vianne sa ganito, ako lang talaga 'tong hindi comfortable pero maganda naman 'to! For sure.

"Who?" Usisa niya. Hindi inaalis ang tingin sa akin, nakasimangot lang ako. Busangot din ang mukha niya.

"Basta! Don't worry, hindi ko ientertain-nin 'yon dahil kay Loira ko irereto 'yo—"

"What?" Mariing singit ni Draisen habang masama ang tingin na pinukol sa akin, hinihilot ang sentido at para bang problemadong-problemado.

Inaano ko ba 'to? I'm not even talking, tahimik lang ako, bakit sa akin siya galit? Wala akong ginagawang masama ah.

"Irereto ko kay Loira, Kuya. Ano ba paulit-ulit?! Hindi ko gagawing boyfriend iyon, para kay Loira 'yon!"

Mas lalong nagdilim ang paningin ni Draisen at mabibigat ang hakbang na lumapit sa amin.

"What the heck are you talking about, Vianne? I'm okay with you two going somewhere but you shouldn't go there looking for a guy, do you hear me? Walang may kikitain. O baka gusto niyong 'wag ko kayong paalisin?" Halos matulos kami ni Vianne dahil sa pagkakasabi ni Draisen noon, para bang napakama-awtoridad nang pagkakasabi niya noon. Na kahit hindi mo gustong gawin ay mapapasunod at magagawa mo nang sapilitan. It's like power.

"Masyado ka naman, Kuya.  Ang sabi nga ni Mommy, humanap daw ako nang maraming lalaki, para marami raw reserba! Para maraming napipili, hindi iyong iisa lang." Nakangusong sabi ni Vianne, halos matawa ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na kakagatin niya ganoong sinasabi ni Tita.

Let's Meet Again (Saldaviga Series #1) Complete-UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon