"Aalis ka na talaga, Kuya Drai?" there's a sadness written on Vianne's face.
I bit my lower lip when Isaac tapped the shoulder of his older brother, Draisen, who is packing his things.
"Yeah. Why are you sudden making that face, Vianne? You're acting strange. It's not like I am not coming back." He chuckled, giving a light mode for the situation.
Titig na titig lang ako sa kanila habang nag-aayos si Draisen, inaya kasi ako nina Isaac at Vianne dito nang makauwi galing kila Kian.
They forced me to go there, sabi kasi nila, gusto raw nilang pumunta roon, pasyal ko raw sila. We didn't know na pagbalik namin ay aalis na rin si Draisen, hindi naman niya nakwento sa mga kapatid niya.
"But—I'm gonna miss you, Kuya! Why didn't you even tell me—us?! Akala ko next day pa, kasi kinabukasan pa n'on ang klase namin? Bakit ngayon agad?"
"I just want to go back to Korea, Vianne. I'll be back right after I finish my business there." Inayos niya ang maleta at tumayo ng tuwid, sumulyap sa akin at seryoso akong tiningnan.
"But—Lolo wants to see us, too? Why can't we go, too? Kuya, I want to see Lolo." Naiiyak na sabi ni Vianne, nakagat ko ang dila ko dahil parang out of place ako? Dapat nga wala ako rito, but fine I'll just stand here stiff and quiet.
"I'll take care of Lolo, mommy will visit, too. At kaka-enroll mo lang, Vianne. Magpapasukan na, 'wag ka nang lumipat." Pang-aalo ng kuya at niyakap ang kapatid.
Napaiwas ako ng tingin dahil feeling ko naiiyak ako. Nakakatuwang tingnan na ganito sila kaclose at kakomportable sa isa't-isa. Nakikita kong mahal na mahal nila ang isa't-isa, sobra. Nakakainggit dahil hindi ko naranasang magkaroon ng kapatid, dito lang ang namulatan ko.
"Kuya, you'll be back, right?"
Tumingin sa 'kin si Draisen at dinilaan ang pang-ibabang labi niya.
"Yes." Titig niya sa akin. Napaawang ang labi ko dahil ramdam ko ang kaseryosohan niya at ramdam ko ang kabang idinulot niyon sa puso ko, na parang ako ang sinasabihan niya dahil sa lalim ng titig niya. "I'll be back. Take care of yourself." Nakatitig pa rin siya sa akin kaya ako na ang umiwas ng tingin at pinagdikit ang dalawang kamay sa likod. Ang awkward.
"Send my regards to Lolo and Mommy." Sabi ni Bryce at tinapik ang balikat ni Draisen bago lumabas ng kwarto ni Draisen.
"Send my kisses to Lolo and Mommy." Mabilis na hinalikan ni Isaac ang pisngi ni Draisen ng dalawang beses. Napamura nang malakas si Draisen dahil sa ginawa ng kapatid ngunit nakalabas na ito ng kwarto niya, halos ibalibag niya ang nahawakang lamp dahil sa galit.
Nagpigil ako ng tawa dahil sa kalokohan ni Isaac, aalis na nga lang ang kuya niya ay inaasar niya pa.
"Pakibatukan nang sobrang lakas ang kuya Isaac mo para sa akin, Vianne. Paniguradong nakatago na iyon sa lungga niya." Inis na sabi niya. "That motherfucker..." bulong pa niya.
Napangiti ako. "Ingat ka, Draisen."
Ang kaninang inis na mukha ni Draisen ay napalitan ng lambot, lumamlam ang mata niya at namula ang ilong.
What happened?
"T-thanks. Take care, too." Sabi niya nakatitig sa mga mata ko.
"Ehem!" Malakas na tikhim ni Vianne at lumapit sakin. "Excited na akong magpasukan!" She looks okay now than she was earlier.
Napangisi ako. "Ako rin!" Sigaw ko.
"Walang magboboyfriend. Susumbong ko kayo kay Mommy." Biglang sabi ni Draisen, para tuloy siyang bata, ang cute.
![](https://img.wattpad.com/cover/235237685-288-k843857.jpg)
BINABASA MO ANG
Let's Meet Again (Saldaviga Series #1) Complete-UNDER REVISION
RomansaSeries #1 [DRAISEN VONN SALDAVIGA] Started date: AUGUST 26, 2020 Finished date: OCTOBER 30, 2020