"Woah woah! Ako muna ang aakyat, Loira. Your short is loose." Presinta ni Isaac at kumindat sa akin. Dahan-dahan pa ang pag-akyat niya.
"Wow, gentlemen ah?" Nanunuyang sabi ni Vianne at natawa.
Narinig ko ang pagtawa ni Isaac bago sumenyas na umakyat na si Vianne, nakatunghay ito at nakaabot ang isang kamay.
"I can climb, Kuya! Hindi ako lumpo, okay?" Mataray na sabi ni Vianne at umakyat na. Natatawa rin akong umakyat at tumabi sa kanilang dalawa.
"Uy uy! Si kambal!" Sigaw ni Isaac kaya napatingin kami sa lalaking nakabusangot ang mukha habang may dalang prutas! Seryoso ba siya? Akala ko ay hindi siya sasama? Bakit andito siya?
"You bastard! Bumaba ka riyan at kunin mo itong mansanas at saging mo!" Inis na sigaw nito at pilit inaabot sa amin ang dalang isang kumpol ng saging at dalawang mansanas. Paano namin maabot iyan? Halos ilang metro ang layo namin sa kanya.
"Umakyat ka!" Nanunuyang sigaw ni Isaac at umupo sa swing ko.
Napanguso ako. Ako riyan eh! Pero sige, ikaw muna ngayon.
"Kuya Bry! You can climb naman, 'di ba? Come on, come on!" Sigaw naman ni Vianne at kinaway-kawayan pa ang kapatid sa baba.
"Aish!" Reklamo ni Bryce at tumalikod.
"Bryce! Matibay naman siguro itong tree house ko! Halika na!"
"Hayaan mo na. May menstruation 'yan eh." Natatawang sabi ni Isaac sakin at bumaba na.
Kinuha niya ang mansanas at saging, ginawang lalagyan ang damit niya at umakyat.
Nakita ko kung paano ngumuso si Bryce at pinasadahan ng tingin ang tree house. Napangiti ako, kunwari pa itong supladong Bryce na 'to! Gusto namang umakyat.
Nakita siguro ni Bryce na nakangiti kaya tumaas ang isang kilay niya at umirap. Tumalikod na at mabibigat ang hakbang na pumasok ng bahay.
Napangisi ako. Iiling-iling na lang akong sumalampak sa sahig dahil nakaupo si Isaac sa duyan ko. Katabi ko si Vianne at busy sa pagpipicture-picture. Nilabas ko rin ang cellphone ko at panakaw ko silang pinicturan. Natawa pa ako sa nakangusong si Isaac dahil puno ang bibig nito, kumakain ng saging.
Nagkakwentuhan at tuwaan kaming tatlo, nagpicture at kung ano ano pa. Nagkwento sila tungkol sa naging buhay nila sa South Korea.
"And do you know what?" Nakangiti ngunit nakangusong tanong ni Vianne.
Aktibo kong kinurap-kurap ang mga mata at nakinig sa sasabihin niya. Mukhang nakakaantig ng kuryosidad lalo na sa boses at naging reaksyon niya. Napunta kasi ang usapan namin sa kompanya nila.
"Ayaw ni kuya Draisen na siya ang maghandle ng kompanya namin."
Napatitig ako sa kanya, masaya naman ang mukha niya pero may bahid na lungkot.
"Bakit naman? 'Di ba ang panganay na lalaki talaga dapat ang sasalo sa Company? Bakit ayaw niya?"
Nagkatinginan silang dalawa, nagkibit balikat si Isaac at sinubo ang mansanas.
"May sarili rin siyang company eh. Gusto niyang si Kuya Isaac at Kuya Bryce ang mamahala, pero ayaw naman nitong dalawa kong kuyang kambal. Si Kuya Isaac, puro pagkain ang gusto at wala talaga siyang hilig sa negosyo." Nginuso niya ang kapatid na parang batang nakangisi at kumakain ng apple. "Si Kuya Bryce naman ay masyadong suplado at ayaw rin manghimasok sa pagpapatakbo ng negosyo namin. Ako naman?" Nag-isip pa siya bago bumungisngis. "Wala rin akong hilig...kung marami lang papables doon ay go! Go ako—"
"Vianne!" May pagbabanta sa boses ni Isaac. Napanguso ang bunso at tumawa ng peke, lumapit sa akin at bumulong.
"Kapag nag-grade 12 ka na...pupuntahan kita lagi! Grade 11 na ako sa pasukan kaya...hihi! Paniguradong maraming gwapo roon!"
BINABASA MO ANG
Let's Meet Again (Saldaviga Series #1) Complete-UNDER REVISION
RomanceSeries #1 [DRAISEN VONN SALDAVIGA] Started date: AUGUST 26, 2020 Finished date: OCTOBER 30, 2020