Chapter 4

2K 45 2
                                    

"Good morning po, Manang." bati ko kay Manang Linda na naghihiwa ng sibuyas, siguro ihahalo sa itlog.

"Magandang umaga rin, hija. Ikaw ba'y nakatulog nang maayos? Okay ka na ba?"

Ako na ang nagprito ng bacon.

"Opo, manang. Salamat po ah."

"Nako! Kung hindi pa ako tinanong ni Aysen ay nakalimutan ko nang hinabilin nga pala sa akin ni Anne na dalhan ka ng pagkain at gamot. Mabuti at hindi pa ako nakakaalis noong nagkatanong si Aysen kaya ako na ang naghati—"

Pinatay ko ang stove bago hinarap si Manang. Kunot ang noo ko.

"Sino po si Aysen at Anne?" Medyo lito kong tanong.

Sasagot sana si Manang kaso may pumasok sa kusina kaya nabitin sa ere ang sagot niya.

"Oh Aysen, may hangover ka ba, hijo? May gamot doon sa first aid kit, uminom ka kung masakit ang ulo mo." Puna ni manang nang kumuha si Draisen ng malamig na tubig sa ref.

Medyo nanlaki ang mata ko at napatitig sa mga sibuyas.

Ayaw magprocess sa utak ko ang sinabi sa akin ni Manang kanina at ang narinig ko ngayon.

Siguro nagkamali lang ako nang dinig. Tama. Nagkamali lang nang dinig. Imposibleng gagawin 'yon nitong masungit na medyo may katandaan sa akin na lalaki, kulang na lang palayasin ako rito sa bahay sa sobrang kasupladuhan. Hindi ko naman alam kung anong nagawa kong mali sa kanya, I'm didn't even do anything wrong to him. Kaya hindi ko alam saan niya hinuhugot ang inis niya sa akin.

"I didn't drink yesterday, Manang." Simpleng sagot niya at umalis na ng kusina. Napatingin ako kay Manang.

Hindi siya lasing? Eh 'di hindi dahil sa kalasingan kaya niya ako kinausap kahapon, tama? Tama.

"Oh siya, maglagay ka na ng mga plato at kubyertos kung tutulong ka, Loira." Bahagyang tumawa si Manang dahil sa tinonong pagsasalita, istrikta kuno. Tumawa ako at napailing-iling na lang.

Bitbit ang plato ay nilapag ko iyon sa bawat pwesto nila.

Kagabi ay ako lang mag-isa ang kumain dahil late na akong bumaba.

Bumalik ako sa kusina at kumuha ng mga baso. Sumunod ay mga kubyertos.

"Naku Loira, ako na riyan. Baka makagalitan kami nila Sir." biglang humina ang kaninang puna sa akin ni Tara habang binabawi ang mga kubyertos.

Inagaw ko ito at malumanay na hinawakan ang isa niyang kamay.

"Tara naman, parang hindi ako laging ganito. Ang pagbabago lang ay iba na ang andito at hindi si Tita. 'Wag kang mataranta." Tumawa pa ako.

Nawala sa akin ang paningin ni Tara.

"Let her do her job." Malamig na sabi ng lalaking umupo sa dulo nang mahabang mesa.

Napayuko ako at dahan-dahang inabot kay Tara ang natirang ilalagay pa lang na mga kubyertos.

"Sabi ko sa 'yo eh. Dumulog ka na, pababa na ang kambal at si Miss Vianne."

Nginusuan ko si Tara na ikinatawa niya ng mahina. Malay ko bang mahuhuli ako ni Draisen at tumutulong lang naman ako ah.

Eh ano naman kasi kung kikilos ako sa gawaing bahay? Magaan lang naman iyon? At hindi naman ako 'yong tipong maghihintay na lang na sandukan!

"Woah!" Agad na tumabi sa akin si Isaac at inamoy-amoy ang mga nakahain. Simpleng agahan lang naman ito pero kung makaasta si Isaac ay parang ngayon lang makakakain ng ganito.

"Isaac, you're infront of the food." Seryosong saway ni Draisen.

Natahimik si Isaac, bahagya itong lumapit sa akin at sumenyas na lumapit ako sa kanya. Inilapit ko ang tenga ko para marinig ang sasabihin niya. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Draisen bago uminom ng tubig.

Let's Meet Again (Saldaviga Series #1) Complete-UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon