Chapter 11

1.6K 37 6
                                    

Sobrang sama nang tingin sa akin ni Draisen habang nakatayo kami sa may labas, malayo kay Josh, Vianne at sa ibang guard na kumakain. Pinapanood namin kung paano kulitin at harutin ni Vianne si Josh na naiilang sa kanya. Kitang-kita ang pag-iwas nang tingin at paglayo nito kapag lumalapit si Vianne at kung saan-saan siya hinahawakan.

"Kaya ba maaga kayo umuwi dahil diyan?" Nguso niya kay Vianne at Josh.

Napakagat labi ako. "Oo. Eh hindi na namin natuloy ang panghahunting na tinutukoy ni Vianne dahil may crush na ata siya riyan kay Jos—hala!" Natuptop ko ang bibig ko dahil sa pagkakadulas.

Kunot noo niya akong tiningnan at tinaasan ng kilay.

"Crush ni Vianne 'yan?" Turo niya kay Josh.

Umiwas ako nang tingin at ngumuso. Nginatngat ang hinlalaki at tinitigan siya bago tumango nang mabagal.

Inirapan niya ako at humalukipkip, nakita ko pang lumabas ang dimple niya. Nangiti siya?

"Kung hindi pala naging crush ni Vianne iyan ay manghahunting ka?"

Ngumuso ako at tumuwid ng tayo. "Kami." Pagtatama ko. "Ayaw ko naman talagang manghunting ng mga lalaki. Aanhin ko naman kasi, 'di ba? Sasamahan ko lang talaga si Vianne dahil baka magalit sa'kin."

"Tsk, you're too young for that." Mahinang sabi niya.

Napatitig ako sa mukha niya. Naaninag ko pa rin naman dahil medyo maliwanag pa at may ilaw naman sa labas at sa garden, abot ang liwanag dito kaya malaya kong natitingnan ang mukha ni Draisen.

Namula ako nang makita ang perpektong kurba ng panga at ang tangos ng ilong niya. Ang pilikmata na kahit na sa kalayuan ay mahahalata ang pamimilantik no'n at ang kapal no'n, lalo na ang kilay niyang makapal na bumagay sa kutis niya. Ang matangos niyang ilong na para bang inukit ng iskalptor. Ang labi niyang...mapupula na kahit hindi mo lagyan ng lipstick ay ganoon na talaga ang kulay, na kahit konting kagat lang ay mas lalong lilitaw ang pula.

"Loira." Seryosong sambit niya. Napaiwas ako ng tingin at hinabol ang hininga. Hala! Bakit ako kinakabahan? Bakit ako ang lakas nang tibok ng puso ko?

Ang puso ko...

"Uhh...b-bakit?" Kinakabahan ko na tugon.

Pinatunog niya ang dila sa loob ng bibig at bahagyang ngumuso.

"Did you hear what I've said?" Seryosong tanong niya.

Napatitig ako sa mukha niyang seryosong seryoso. Para bang kapag hindi ko siya sineryoso ay masusuntok niya ako dahil hindi ko sineryoso iyon. Napalunok ako at wala sa sariling tumango.
Kakatakot eh.

"Oh darn—" bulong niya. "Naririnig mo ba ako, Loira?" Inis na tanong niya. Mukhang hindi nakita ang marahan kong pagtango.

Ngumiwi ako at ngumiti ng hilaw sa kanya bago tumango nang mabagal.

Bumuntong hininga siya. "Anong grade ka na sa pasukan?"

"Grade–12." Mahinang sagot ko. Bumalik kina Josh at Vianne ang paningin ko. Tapos nang kumain si Josh at kinakausap na lang ni Vianne.

"Saan ka mag-aaral?"

"Dating school? Doon din mag-aaral si Vianne sabi niya." Nakanguso kong sabi, hindi ko alam ngunit may parte sa aking nalulungkot—dahil masasaksihan ni Vianne kung paano ako maging estudyante sa paaralan na iyon at kung paano ako tratuhin ng ibang mag-aaral. Natutuwa naman ako dahil magiging kaschoolmate ko si Vianne.

"Private?"

Tumango ako. "Gusto ko sanang sa public kaso mas malayo rito iyon, sa bayan pa. Kapag college na siguro ako ay roon ako mag-aaral, pero may college din kasi rito, dito na lang siguro." Kwento ko.

Let's Meet Again (Saldaviga Series #1) Complete-UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon