Chapter 6

1.8K 40 12
                                    

"Thank you, Kuya! Libre mo na rin ako sa mga dress ko, okay? Lulubos-lubusin ko na!" Masayang sabi ni Vianne at sinungkit ang mga braso sa kanang braso ko, halos makaladkad ako.

Ibig sabihin, kay Draisen ako may utang? Siya ang nagbayad kanina sa kinain ko! Namin! Magkano kaya 'yong nakain ko? Baka umabot ng fifteen thousand 'yon! Sobrang mahal pa naman ng pagkain kahit konti lang ang isang platito. Pati ata tubig isang libo.

"Just the foods, Vianne. Huwag kang kuripot, may pera ka." Rinig kong sabi ni Draisen.

"Ay taray! Ilibre mo na lang si Loira, total ay makapal naman ang bulsa mo." Biro nito at sinadya pang pumasok sa isa sa mga bilihan ng damit. Halos manlumo ako dahil sa mga damit, may mga katulad pa nang pasalubong sa akin ni Tita.

Sinipat ko ang mga presyo. Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa halaga n'on! Napalunok ako at sumunod kay Vianne na parang wala sa sarili. Sobrang taas nga nila...grabe, ni hindi ko maisip na magwaldas ng ganoon kalaking pera!

"Oh para kang nakakita ng multo? Ang daming dress na magaganda, ano? Pili ka na. Oh gosh, paniguradong babagay sa iyo ang mga dress dito!"

Paanong hindi magiging ganito ang itsura ko? Isang damit—thirty five thousand pesos! Butas ang bulsa ko kapag ako ang bumili.

Ilan ba ang mga pasalubong sa akin ni Tita kapag umuuwi siya? Siguro more than ten pieces? Hala—that's too much, ang mamahal tiyak ng mga iyon.

Pabalik-balik si Vianne sa fitting room. Ako naman ay nakatayo lang sa may gilid at tumitingin-tingin sa mga damit.

Nasaan kaya sina Bryce at Draisen? Nawala na sila noong pumasok kami eh. Baka umuwi na?

"Nakapili ka na?"

Nabaling kay Isaac ang paningin ko. Nakangiti ito habang hawak ang isang damit, sinusuri.

"W—wala akong bibilhin. Hindi naman ako sanay magsuot ng mga ganiyan at ganito, napilitan lang ako ngayon kasi akala ko kaming dalawa lang ni Vianne. Nakakahiya naman kung ganoon nga si Vianne, pupulupot na lang biglang ang mga braso sa akin tapos ang suot ko ay maluwang na damit at jeans? Baka maturn off sila kay Vianne ng dahil sak—"

"What?" Kunot noong tanong niya, hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Bakit mo naman nasasabi 'yan? Kahit anong suot mo maganda ka," Puri nito at inakbayan ako. Sinusundan namin si Vianne na may hawak ng apat na iba't-ibang dress. Napakunot noo ako at nag-multiply sa isip ng total ng mga damit na bitbit niya, pinagpalagay kong thirty five thousand ang bawat isa.

One hundred forty thousand lahat?! Hindi pa ko sigurado kung iyon nga, dahil baka mas mahal ang mga nakuha niya.

"Ubos ang pera," natatawang bulong ni Isaac at tinanggal ang pagkakaakbay sa akin.

"Mayaman naman kayo eh." Nagkibit balikat ako at sinundan si Vianne sa counter.

"Pagkatapos kong bayaran ito ay sa iyo naman tayo magfofocus. I'll choose for you hihi." Excited na sabi niya at pinakuha kay Isaac ang apat na paper bag. Nakabusangot ang mukha ni Isaac nang bitbitin iyon.

"Huwag na, Vianne. Ngayon lang ako maggaganito at may mga binili naman si Tita sa akin na mga dami—"

"Those are not as latest as these!" Medyo may bahid na arte sa pagkakabigkas niya.

"Ayos na sa akin 'yo—"

"Ano ba? Magagalit na ako, sige ka! And besides, si kuya Draisen ang magbabayad! 'Wag kang mahiya, makapal ang bulsa niya." binulong niya ang huli bago bumungisngis.

Hinatak na niya ako at paulit-ulit na tinatanong kung okay ba? Ang lagi ko namang sagot ay hindi. Kaya ang ending, kumuha siya ng limang dress at tinulak ako sa fitting room.

Let's Meet Again (Saldaviga Series #1) Complete-UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon