| C H A P T E R O N E |

317 14 3
                                    

retrograde | hemmings + chapter one
| ALEXIS OHANA ALCANTARA |
| JUNE 6, 2014 |

Ngayon'g araw namin kailangan sunduin ang pinsan ko'ng si Kirsten, boyfriend nya, pati mommy nya. Masasabi ko'ng si Kirsten ang pinaka-close ko na pinsan bukod kay Faye.

And I'm glad that she finally found someone to make her happy kahit eleven months younger pa sya sakin.

Kung sino man yon, nakakagulat na na-t-tolerate nya sarili nya sapakin si Kirsten kasi nung bata kami lagi ko syang napapaiyak kasi inis na inis ako sa kaartehan nya. "Gusto mo?" Tanong ni Ben sakin sabay alok ng chips.

Kaming tatlo ni Ben at Jack nasa dulo ng van habang si tita Liz and si mommy nasa harap naman namin.

Si mommy magisa lang nag-alaga sakin, namatay daw kasi daddy ko nung bata pa ako. 'Di ko na tuloy naabutan. Si tita Liz naman may happy family since si tito Andrew - yung husband nya, nagt-trabaho abroad at medyo higit sa average ang sweldo. May tatlo syang anak, si Ben, si Jack, and si... Luke.

Luke Hemmings?

Hindi ko ma-explain kung ano nararamdaman ko tuwing naririnig ko pangalan nya, lahat ng mga alaala bumabalik at paulit-ulit lang ako nasasaktan.

Masaya kasi kami pero one day bigla syang nawala.

Tinanong ko kay tita Liz kung saan nagpunta si Luke at bakit bigla nalang umalis ng hindi nagpapaalam sakin pero ang sabi nya lang lumipad daw papuntang US para tumira kasama ang dad nya, wala akong kaalam-alam na ayos na pala VISA nya at lahat lahat.

Ganon ba kadali mangiwan ng taong alam mo'ng mahal na mahal ka pero hindi maibalik yung nararamdaman mo? Ganon siguro naramdaman nya, 'di nya ko minahal.

Wala akong narinig na balita kay tita Liz kundi ang dahilan kung bakit sya pumunta dun, yon lang. Walang kahit ano. Walang text messages, facebook message, pati na rin sa iba pa'ng social media site.

Anyways, kakadating lang namin sa airport at siguro na-delay yung flight nila Kirsten.

After an hour or so, nakita na namin kumakaway si tita Kris, sa likod nya si Kirsten na may ka-holding hands na may hawak hawak teddy bear na nakaharang sa kanyang mukha kaya hindi ko makita kung sino.

Agad agad silang tumakbo palapit samin at nung kinuha ni Kirsten yung teddy bear para ibigay sakin, natulala lang ako. Not because of the teddy bear pero dahil dun sa lalakeng may hawak ng teddy bear kanina.

I couldn't move.

I couldn't even breathe for fuck's sake.

Natulala lang ako dun at nakatingin although hindi ko man lang naisip kung ano ang iisipin ng pamilya ko kapag nakita akong nakatingin lang sa kanya ng walang imik. Mukha din syang nagulat sa pagkakita sakin pero pinalitan nya agad yon ng ngiti at humarap sa pinsan ko.

Hindi sya nagsalita, wala man lang 'hi' at I swallowed back to forming bile on my throat. Ngiting-ngiti sya nang tumingin sya kay Kirsten, and to be honest, hindi ko ma-explain kung ano nararamdaman ko. Envy, anger, o sadness ba? Kasama na din dun yung thoughts na nagsasabing bagay sila, I should be happy for them because I knew from the start Luke didn't deserve someone like me, he deserved the best. At nasa tabi nya lang yon, pero bakit hindi ko magawa maging masaya?

Sinubukan ko na hindi isipin yun at ngumiti kay Kirsten bago ko sya yinakap.

"I missed you, thank you sa teddy bear!" Pinilit ko magbigay ng malaking ngiti kahit feeling ko isang tapik lang sakin babagsak na yung mga luha na nangingilid sa mga mata ko. "Welcome, ano? May lovelife ka na?"

Nasabi ko na ba sa inyo na walang nakaalam sa mutual understanding  namin ni Luke nung Grade 7 pa kami?

Oo, Grade 7. Kaya inisip namin na ilihim nalang dahil hindi maganda ang patutunguhan kapag nalaman ni mommy o ni tita Liz kahat nakatatak noon sa isip nila ang pagpapantasya na maging kami ni Luke when we're 'older'.

Ngayon'g mag-g-grade 9 na kami, fresh parin yung mga sugat sa puso ko dahil sa pagalis ni Luke. Tinapos nya lang yung school year at bigla syang nawala, just like that. Hindi namin masyadong tinago sa school dahil wala naman sigurong magsusumbong dun. Kahit andun yung pinsan ko'ng si Faye, Ivan, Zeke, at Vince.

Si Faye yung pinaka-close ko. Anak sya ni tita Dove at si Ivan anak naman ni tito Rick. Yung dalawang magkapatid naman na si Zeke at Vince ay anak ni tito Axel.

Si Faye at Vince classmate ko, si Ivan, Grade 6 palang sa pasukan, habang si Zeke naman ay Grade 10 na.

Hindi naman kami sobrang sweet ni Luke noon dahil medyo tago parin naman kami kahit papaano. Better be safe than sorry. Habang pabalik kami sa sasakyan, dumikit agad si Kirsten sakin and gushed about how Luke could possibly be the sweetest boyfriend she'd ever have. Hindi ko mapigilan magselos dahil based sa sinabi nya, he treats her like a queen pero ako? Getting there na kami pero he treated me na parang magkatropa lang, unlike sa treatment nya kay Kirsten. He never surprised me with anything. He never showed any effort. Pero kahit ganon, naramdaman ko kahit saglit na importante ako sa kanya.

Nasa likod ng driver's at front seat si mommy, tita, Liz, at ako. Sa likod naman namin si Kirsten, Luke, Ben, at Jack. Great. Buti naman at malayo ako kay Luke at Kirsten, 'di ko kailangan makita yung mga ginagawa nila at ka-sweetan. Ano pa ba ginagawa ng mga pamilya kapag may balikbayan na dumadating? Syempre pumapasyal at kakain, so obviously ganon din ginawa namin.

"Bakit ganyan kaiksi suot mo?"

Napalingon ako sa taong nagsalita sa likod ko. Si Luke. Hindi naman maiksi yung suot ko ah? Naka tucked in yung black and white striped top ko at high waisted shorts. Tsaka ano ba pake nya sa suot ko? Kala mo naman naka-bikini ako kung maistorbo sya. "Kala mo lang yun." I said coldly habang tumutulong parin sa pagkuha ng luggages ni Kirsten. Mags-stay sila dito sa Pinas for the whole year pero 'di na nila kinailangan maki-stay samin kasi may bahay naman sila.

"Ako na dyan."

"Hawak ko na kukunin mo pa?" Umirap ako at pumasok na sa loob ng bahay nila Kirsten.

Buungad sakin yung ganda - at the same time gulo ng bahay dahil sa mga inuwi nilang gamit. "Lexi, lika dito! Marami akong uwi sayo!"

Nasa stairs na si Kirsten habang tinatawag ako, pagkaakyat ko hinila nya na agad sa room nya at nakita ko sa kama ko ang isang gift card from Forever 21, crop tops, hologram bag, at kung ano-ano pa, yung iba kasama pa sa birthday wishlist ko. Oo mayaman sila pero yung bigyan ako ng ganito karaming gifts para lang makabawi sa birthdays ko? Sobra na 'to!

"Kirs ano ba yan! Mukha ka nang nagtitinda sa room ko sa rami yan. Ang -"

"Ano ba ginusto ko'ng bilhin yan sayo! Alam ko naman yung mga -"

"Hindi ko tatanggapin yan." I crossed my arms dahil ngayon na-g-guilty na ko sa masasamang ginawa ko kay Kirsten nung bata kami lalo na't lagi ko syang pinapaiyak kahit close kami. "Tatanggapin mo and that's final, wala ka nang magagawa nabili ko na!"

Hindi nalang ako nagsalita at hinug ko nalang sya, babawi nalang ako next time. "Thank youuu!"

"No problem, anyways, gusto ko sanang mag-sleepover tayo dito sa inyo kaya lang pupunta mga kapag-anak namin sa side ni daddy, next time ah! Bonding tayo! 'Di na ako makaka-stay dito sa bahay kasi may pupuntahan pa kami." Nagpout si Kirs at tumawa ako. "Sige sige, gala tayo!"

"Oo, tapos next nun magd-double date tayo. Maghahanap kami ni Luke ng bagay sayo." She winked kaya hinampas ko sya, what the hell? 'Di ko ma-imagine ang pag-t-third wheel sa date ng ex ka-mu at pinsan ko. "Ewan ko sayo! Mauuna na nga kami." Sabi ko at hinug sya ulit bago tuluyang sumakay ulit sa van.

Dumiretso kami sa bahay namin, dito na din tuloy magd-dinner ang Hemmings. Just wow.

retrograde | 5SOS, 1D, The Vamps |Where stories live. Discover now