| C H A P T E R T W O |

196 14 8
                                    

retrograde | hemmings + chapter two

| ALEXIS OHANA ALCANTARA |

| JUNE 08, 2015 |

"Tapos ka na ba sa rice?" Tanong ko kay Luke kasi nasa kanya yung rice. Sya yung nasa left ko, si Jack sa right, si Ben sa harap ni Jack, si mommy sa right nya, at si tita Liz sa dulo. "Oo."


Aabot nya na yung rice sakin nang muntikan na mahulog, kaya hindi ko mapigilan magsabi ng snarky comment. "Ingatan mo kasi."

"Hindi ko naman inaakala na mahuhulog."


"Bat hinihintay mo pa mahulog yung rice, hindi mo nalang siguraduhin na nasa kamay mo 'to?" Sa ngayon nakatingin na kami ng masama sa isa't isa. Hindi siguro kami napapansin kasi may sari-sarili na din silang usapan. 


"Kapag binigyan ko ng pansin yung posibilidad na baka mahulog 'to edi hindi ko na mapapansin yung mga ibang bagay sa paligid ko."


"Ganyan ka ba talaga ka-selfish? Wala ka ba talagang pake sa kung anong pwedeng mangyari sa rice? kapag natapon naman yan ikaw parin may kasalanan." Hindi ko alam kung nakikinig na yung iba samin kasi napapalakas na din naman yung mga boses namin.


"Walang ginagawang masama pero hindi ma-protektahan yung sarili na baka mahulog. Hindi naman pwede sya nalang lagi ko'ng uunahin."


"Hindi ka ba nya napasaya kahit saglit? Hindi ba sya nagpakahirap sayo? Hindi ba nya inuna yung sarili nya para sayo?" Napatingin na samin si Ben, Jack, Tita Liz, and si mommy, pero wala kaming pakialam. May sarili kaming problema.


"Hindi ko naman sinabi sa kanya na unahin nya ko pero ginawa nya parin. Oo napasaya nya ako ng sobra sobra noon pero ngayon wala na syang pakialam sakin kaya sinusubukan ko na ganon din ang maramdaman ko."


Tumingin sakin at kay Luke si Ben bago magsalita dahil nahahalata nya na ata yung tension sa pagitan naming dalawa. "Guys."


"Paano mo nasabi na wala na syang pake sayo? Nababasa mo ba kung ano nasa isip nya? Ikaw nga yung walang pake dyan eh."


"Kung alam mo lang na nasasaktan parin ako hindi ka magsasalita ng ganyan. Pero wala ka naman talagang pake kung nasasaktan ako o hinde. Hindi lang ikaw nasasaktan dito, ako din." Ngayon ko lang napansin na hindi kami nagpapatamaan indirectly.
Hindi naman siguro mapapansin ng parents namin yung hidden meaning dito, malay nila diba? Baka rice lang talaga ang pinaguusapan.


"Kung nasasaktan ka bat ginawa mo pa? Wala naman akong ginawang mali pero sakin mo nalang lagi binibintang. Ikaw nga yung may kasalanan kung bakit tayo ganto ngayon."


"Tita excuse ko lang po sila." Tumayo si Jack sa upuan nya at hinila kami ni Luke papunta sa garden. "Ano bang problema nyo? Kung magaaway kayo wag nyo gawin sa loob. Nakain kami. Kakadating mo lang Luke tapos magaaway pa kayo, dahil lang sa rice?"

retrograde | 5SOS, 1D, The Vamps |Where stories live. Discover now