Chapter Four
Tony's POV
Nag lalakad ako pauwi nang maramdaman ko na may sumusunod sakin.
Tumigil ako at lumingon, tama nga ako, tatlong mga lalaki ang sumusunod sa akin.
"Ikaw ba si tony?!" Tanong sakin ng mga lalaking hindi ko naman kilala.
"Oo bakit anong kailangan nyo sakin?"
Ang isa sa kanila ay hinawakan ako sanhi ng di ko pag galaw sinuntuk ako ng isa sa kanila at sinipa kaya ako natumba nang aatake ulet sila ay may humarang sa kanila, hinarangan ako na para bang prinoprotektahan ako.
Nagulat ako sa nakita ko isang babae, pamilyar ang likod nya sa akin.
Nang biglang humangin ay nakita ko ang mukha nya na...
"Teka si christine?" Tanong ko sa utak ko.
"Umalis kana dito bago ka pa mapahamak.."
Wala syang binigay na sagot na para bang diterminado sya sa gagawin nya.
Sumuntok ang isa sa kanila at nagulat ako dahil na sangga nya ito.
Tuloy tuloy ang pag atake nila at si christine ibang klase sya, hindi ko alam na kaya nya palang gawin yun, tahimik sya at umiiwas sa gulo kaya ang akala ko mahina sya pero hindi, nag kamali ako ang galing nya, subrang galing nya.
May mga bagay sya na ginagawa na sa pilikula ko lang nakikita at... Diko na natuloy dahil narinig ko ang boses nya na nag tatanong.
"Ayus ka lang ba?"
Tanong nya sakin."Huh? Ahhh oo ahh,, ayus lang ako. Hindi mo naman dapat gawin yun pano kung ikaw ang napahamak?"
Pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Nag lakad lang sya papalayo na animo'y walang nangyari.
"Teka san ka pupunta? Christine wait..."
Tumakbo ako at hinarap sya sa akin.
"Ano bang problema mo?!"
Iritang tanong nya."Gusto ko lang mag pasalamat sa ---
"Hindi mo na kailangan mag pasalamat, ginawa ko yun dahil ayoko na may makikita akong tao na sinasaktan" Dahil ayoko maramdaman nila ang sakit na pinagdaanan ko"
Natahimik ako bigla ng sinabi nya yun.
Nakaharap parin kami sa isat isa ng unti unti akong lumalapit dahil gusto ko sana syang bigyan ng yakap....
"Anong ginagawa mo?!" Tanong nya habang umaatras.
Dahan dahan akong lumalapit at dahan dahan din syang umaatras ng biglang muntik na syang matumba nagulat sya dahil bigla kong nahawakan ang kamay nya.
"Christine ayus ka lang ba?" Muntik ka nang mabalian?
Bumitaw na sya at nag lakad papalayo. Hindi ko alam .. pero ang saya ko ng mahawakan ko ang kamay nya. At ang mga mata nya parang unti unting nag babago?
Simula nun lagi na akong napapaisip di na ako mapakali. Hanggang sa napag disisyonan ko na ayusin na namin ang di namin pag kakaintindihan, kami nila jane.
The bell rang
Nagulat ako dahil bigla syang nawala...
"Nandito lang sya kanina ahh... Hayst.
"Jane mag usap tayo""Sige ano ba yun?"
"Nang tayong dalawa lang sana".
"Ahh sige".