Chapter Seven
Tony's POV
Lahat kami ay nan lumo sa narinig sa phone call. Na para bang may nahulog na anghel sa harap namen.
Nag madali kaming umalis at pumunta sa crime scene kung saan natagpuan ang bangkay.
Sakto lang ang dating namin dahil inaalis na sya sa damuhan kung saan sya itinapon.
Wala syang damit at punit punit ang pang ibaba.
Ang dami nya ring pasa at sugat, ginilitan din sya. Tumakbo si tita papalapit kay jane habang umiiyak."Anak ko....anako ko.... "
"Maam hindi po kayo pwede dito." Sabi ng police.
"Sir anak ko po sya, papasukin nyo ako. Anak ko..."
Wala kaming nagawa kundi mag pakatatag pero si Christine napaluhod at nanghihina dahil sa nakita nya.
Dinala na sya sa morge habang kami ay parang hindi pa natatauhan sa nangyari.
Pinuntahan namin sya sa morge, walang tigil sa kakaiyak si tita dahil ang panganay nya ay wala na.
Ganun din si christine walang tigil ang pag tulo ng tuha mula sa mga mata nito.
"Tita umuwi na po tayo." Sabi ni christine na pinipigilan ang pag hagulgul.
"Sige.. Mag papaalam lang ako sa anak ko." habang nag pupunas ng luha.
"Mauuna na po kami sa labas. Doon nalang po namin kayo hihintayin."
"Maraming salamat." sagot nya.
Hinatid na namin si tita at umuwi na rin sa aming kanya kanyang bahay.
Pero si christine ang inaalala ko. Kanina pa sya bulong ng bulong. Pero hindi ko marinig kung ano yung sinasabi nya.Kinabukasan
Ito ang unang araw ng burol ni jane. At lahat kami hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala na wala na si jane.
At ngayong araw din ang dating ng kapatid at papa nya mula sa korea.
Babae rin ang kapatid nya at 2 years ang tanda ng ate nya sa kanya.Lahat ay hindi makapaniwala sa nangyari kay jane. Napaka brutal daw ng nangyari sa kanya.
Araw araw din namin syang binibisita. Lalong lalo na si christine.
"Kasalan ko ito. Kasalanan ko ito."
Paulet ulet nyang binubulong sa sarili nya.
Lumipas ang mga araw, walang palya sa pag bisita. Si christine para kay jane.Bukas na ang huling araw ng burol ni jane. At halos lahat ng schoolmate namin ay dumalaw.
"Tita pasensya na po..." Sabi ni christine habang hawak ang kamay ni tita.
"Bakit naman?" Tanong nya.
"Kasi po kung hindi dahil sakin kasama po parin natin sya hanggang ngayon. Sorry po tita sorry po." Sagot nya habang umiiyak.
Ang mga mata nya. Ibang iba talaga ang mga mata nya. Sabi ko sa isip ko habang tinitingnan nila.
"Wala kang kasalanan Christine. Wala kang kasalanan ha." Sagot nya habang pinupunasan ang mga luha ni christine.
"Ginawa nya yun dahil gusto nya. Dahil kaibigan ka nya. Kaya wala kang kasalanan."
Mula nung araw na nalibing si jane, dito na rin nanirahan ang papa at kapatid nya.
Mag iisang buwan na ring simula nang pumanaw si jane, simula noon parang nag babago na rin si christine. Bumabalik na ang dating sya.
Hindi na sya sumasama samin pag nasa school. Ayaw na nya rin ng may kasabay sya sapagkain. At bihira na rin sya mag salita bukod pa doon, bumalik na ang mga mata nya. Ang walang nararamdaman na mukha at walang imosyon na mga mata.
