Chapter Eight
Christine's POV
Halos mag iisang buwan na simula ng naaksidente si andrea. Hanggang ngayon wala parin akong balita sa kanya.
Dalawang linggo lang sya sa hospital tapos lumipat na sila sa bahay nila para dun na mag pagaling.
At dalawang buwan nalang ay matatapos na ang school namin.Naglalakad-lakad ako, Hanggang sa nakita ko si andrea sa labas ng bahay nila. Hapon na rin kasi ako nakalabas.
Tinawag ko sya para kamustahin.
"Andrea.. Ang ate christine mo ito.. Kamusta kana. Halos isang buwan akong walang balita sayo..." Bungad ko ng may pag aalala
Pero ngumiti lamang sya, kaya lang ang pinag tataka ko, hindi sya nakatingin sa akin.
"Andrea? Nandito ako sa gilid mo.." Sambit ko ng may pag aalinlangan.
Hinanap nya ako at humarap sa akin at nag sorry. Pero nasa kabila ako?... dun ko napag dikit dikit ang lahat.
Nung nabasag ang salamin ng sasakyan nila ay natamaan ng mga bubog ang mga mata ni andrea na naging nanhi ng pag-ka bulag nya.
Iyon pala ang ikinakabahala ni tita nung araw na tinanong ko sya, nag aalalang baka tuluyan na mabulag si andrea pag walang nahanap na donor para sa kanya.
"Anak asan ka?" Pag hahanap ni tita.
Nag tago ako upang hindi ako makita. Dahil baka hindi pa sya handang sabihin sa akin ang lahat.
Inalalayan nya si andrea papasok sa kanilang bahay habang ako ay nag lalakad na papalayo. Hindi ko namalayan ang pag tulo ng luha sa aking mga mata.
Nakita ako ni tony sa kabilang kalsada habang umiiyak. Kaya naman nag punas agad ako para hindi sya mag alala. Pag hakbang ko para tumawid
Tony's POV
Pag hakbang nya para tumawid ay hindi nya nakita ang mabilis na taxi kaya naman nabangga sya nito. Sinubukan ko syang pigilan, saktong pag hakbang nya ay papatakbo naman ako sa kanya para ipalit ang sarili ko pero masyadong mabilis ang pangyayari.
Tumilapon sya at unti unting tumulo ang kanyang dugo mula sa kanya.
Tinakbo namin sya sa hospital at dali dali syang hiniga. May mga salita syang sinasabi.
"Pakisabi sa mama ko pinatawad ko na sya. Kahit hindi pasya humihingi ng tawad ay matagal ko na syang pinatawad."
Napalingon ako nang bigla kong napansin na may sumisilip na babae mula sa labas.
Nilapitan ko ito at tinanong
"sino ka po maam? Kung hindi po ako nag kakamali nandun kayo sa aksidente kaninan?"
"Oo." Sagot nya nang biglang umiyak.
"Bakit po kayo umiiyak?" Tanong ko.
"Ako..."
"Ako kasi ang mama nya." Tuluyan na syang humagulgol at napaluhod.
Nilapitan nya si christine at humingi ng tawad sa mga nagawa nya.
"Anak sorry..."
"Pasensya na sa lahat ng nagawa ko..."
"Hindi ko dapat ginawa yon. Edi sana hindi mo dinanas ang mga hirap na dinanas mo."
"Walang ibang dapat sisihin kundi ako. Wala akong kwentong ina."
"Anak lumaban ka anak ko.."
"Mama..."