Chapter Six
Tony's POV
"Ok guys noche buena na..." Sigaw ko
Masaya kaming kumain habang na kukwentohan. Pag tapos namen kumain ay nag kantahan pa kami grabe ang saya saya ng araw na toh.
Hindi ko alam kung bakit pero ang sarap sa pakiramdam na malaya ka.
Habang tumutugtug ang karaoke ay sinimulan na namin ang pag bibigay ng regalo.Ang sakin ay para kay lesly, ang kay lesly ay para kay ren, ang kay ren ay para kay christine, ang kay christine ay para kay jane at ang pang huli para kay tony.
Binuksan namin ang mga regalo na natanggap namin. Talagang pinaghandaan nila ang mga regalo nila...
Lumipas ang mga normal na araw. Mas lalo kaming naging malapit sa isat isa.
"Guys last day na natin dito..." Malungkot na sambit ko.
"Oo nga eh. Pero hindi naman dito mapuputol pagiging mag kaibigan natin." Sagot ni jane.
"Oo, tama." Nakangiting pahabol ni christine.
"Tara na guys para maaga tayo makauwi at makapag pahinga."
Pauwi na kami at ilang oras din ang byahe namin. Pag pagod na ko mag drive nag papalitan kami ni ren. Good thing that he knows how to drive a car.
"Hatid ko na kayo guys para walang huscle."
"Sige magandang idea yan." Sagot nila.
Isa isa ko silang binaba sa mga bahay nila, Pinang huli ko si christine kasi madadaan ko ang bahay nya bago ako maka uwi sa condo ko..
Tahimik paden sya pero sasagot naman sya pag kinakausap. Hindi lang sya yung tipong nag sisimula ng conversation.
"Christine salamat ah..." Mahina kong sinabi.
"Huh para saan." Pag tataka nya.
"Para sa lahat. Lahat lahat." Nakangiti kong sinabi
Ngiti lng ang binigay nyang reply sa akin.
"Oo nga pala malapit na tayo noh?"
"Oo." sagot nya while looking at the morror of the car.
At bumaba na sya ng kotse.
"Salamat sa pag hatid tony."
Bumilis ang tibok ng puso ko. Grabe ang kaba ko.
"Wa.. Wala yun hahaha."
Nag bow sya at pumasok na sa bahay nila.
Grabe gusto ko lagi syang kasama. Ngayon sigurado na ko. Gusto ko nga sya. Pero pwede kaya yun. Na magustohan nya ako. Parang ang hirap paniwalaan. Tsaka baka hindi sya interesado. Pano kung... Teka ano ba tong iniisip ko. Nababaliw na ata ako. Pag iisip ko, Then I start the car
Jane's POV
Ang saya ko ngayon hahaha.
"Nandito na po ako mama."
"Ohh nanjan kana pala anak. Kamusta nag lakad nyo?"
"Mama subrang nag enjoy ako." Sabay yakap ko sa kanya.
"Buti naman kung ganun anak ko. Masaya ako para sayo. Oo nga pala kelan mo dadalhin ung kaibigan mo? Ung christina ba?"
"Christine mah..." natatawang sabi ko.
"Pag pumayag na po sya mama. Sige po mag papalit lang poko ng damit. Akyat na poko..."
"Sige anak."