Chapter Five
Tony's POV
Buti nalang at may sasakyan ako. Papunta kami sa isa sa mga resthouse namen. Wala namang tao doon, wala rin ang mga magulang ko dito dahil busy sila sa company namin sa canada.
"Guys malapit na tayo." Nakangiti kong sabi, At isa isa silang nagising.
"Wow ang ganda ng dagat. Ngayon nalang ulet ako nakakita ng dagat, Ikaw ba christine?" Tanong ni jane.
"Huh ahh oo maganda nga." Reply nya habang nakatingin sa bintana at pinag mamasdam ang karagatan.
Tanghali ngayon kaya kitang kita mo na kumikinang ang bawat pag agus ng alon.
"Ang ganda, ang ganda talaga" bulong ni christine.
"We just arrived guys, welcome and please enjoy your stay." Masaya kong sinabi habang papunta sa kusina.
"Oo nga pala guys talo lng ang kwarto dito, ung isa naka lock hindi pwede gamitin kaya dalawang kwarto lang gagamitin natin."
"Kami na lang ni ren ang mag kasama sa kwarto kayo na lang mga babae ang mag sama sama."
"Pero bago un mag linis muna tayo ng bahay para maging maganda ang pag stay natin dito."
"Kami na ni ren mag aayus ng kwarto na gagamitin natin."
"Kami na lang ni jane mag lilinis ng loob at labas ng bahay." Sagot ni lesly.
"Ikaw christine?" Pahabol nyang tanong.
Lahat kami ay nakatingin sa kanya.
"Huh ako?" Sagot nya na may pag turo sa sarili nya.
"Ako?? Ahmm haha ahh... Ahh.. Ako nalang ang mag luluto ng makakain natin?"
"Sige simulan na natin!!!"
Bedroom
"Sa tingin mo magiging ayus lang tayo dito tony? Hindi ba magagalit mga magulang mo? "Tanong ni ren na may pag aalala.
"Hindi pre ah, Ang totoo sakin toh. Regalo nila sakin nung birthday ko. Kaya wala kang dapat na ipag alala" pangiti kong sabi
"Si christine, ren ang inaalala ko.
Marunong ba sya mag luto?""Ang totoo hindi ko rin alam tony, Kasi nung nasa high school kami pinag luto nya ang mga naging kaibigan nya. Pero hindi sila natuwa ang panget daw ng lasa. Isa siguro yun na rason kung bakit sya iniwasan."
"Ahhh, kaya pala kanina kita ko sa mga mata nya ang pag aalala. Na para bang ang tagal na nyang hindi nag luluto o nangako sya na hindi na sya mag luluto, Hayst... sana ayus lang sya... Pag aalala ko kay christine.
Malapit na kami matapos sa pag aayus ng kwarto na gagamitin natin--- ng mag salita si ren.
"Gusto mo ba sya?"
"Huh? Ano bang sinasabi mo?"
"Sa kilos at pananalita mo gusto mo nga sya."
"Oo na.. Oo na. Pero hindi ako sigurado kaya nag hihintay pa ako at pinapakiramdaman ang sarili ko. Baka kasi infactuated lang kaya tinatago ko muna." bagsak balikat kong sinabi.
"Girls tapos na kami... Kayo kaya nyo pa ba?" Sigaw ko mula sa kwarto.
"Oo patapos na rin kami, grabe kwarto lang lininis nyo pero bakit ang tagal nyo!? Tanong ni jane na medyo naiinis.
"Ano ka ba inayus namin ang hihigaan natin, kumuha ng unan, kumut ung kisame, bintana yung---
"Hayst oo na oo na. Dami mo pang sinasabi..." Iritang sagot ni jane.