Chapter 1
"Zatchie, hurry up! We're late! " Sigaw ni Krishel sa akin.
Mabilis naman akong kumilos. Ngayong araw kasi ay babalik na kami sa dorm na tinutuluyan namin sa loob ng pinapasukan namin.
Isang bus ang sasakyan namin kasama ang iba pa naming schoolmates. Si Krishel lang ang kasama ko palagi dahil ayaw sa akin ng mga schoolmates namin.
They think I'm weird.
"Krishel, I'm scared. " Ani ko sabay nguso. "Can I just stay here? I don't wanna go back to school. " I said.
She stared at me worrying. "We need to go to school, Zatchie. " She said.
I nodded my head and continue to follow her. Maiingay at magugulo ang mga tao sa bus, pinag headset na lang ako ni Krishel para hindi na mainis pa.
Alam nya kasing ayoko sa magulo, ayoko sa maingay, ayoko sa mga tao sa paligid ko. I only want Miguel and I.
I promised Miguel that I'll marry him after my schooling. Natulog lang ako sa biyahe.
Gabi na ng makarating kami sa boarding school. Malayo kasi ito sa syudad. Puro puno, kagubatan, bangin ang makikita mo sa biyahe. Sadyang nakakatakot.
Mag kaiba kami ng dorm ni Krishel since mas bata siya sa akin. Maganda ang kapatid ko, maputi, payat, matangos ang ilong, maliit ang mukha, may makinis na balat at marami rin siyang talent. Isa siya sa SSG sa aming paaralan.
"Zatchie, can you promise me that. You'll behave now? " Nakangiti nyang ani.
Humimga ako ng malalim at sinabi sakanyang hindi na ako gagawa ng kung anuman.
"Good. I love you! " Malambing na wika ni Krishel.
"I love you, too. " Sagot ko naman saka nag paalam sakanya.
Wala na ang karoommates ko. Ang balibalita noong nakaraang linggo ay nag pakamatay ito sa banyo. Tumaas ang aking balahibo at halos mamutla ako ng maalala ang karumaldumal na nangyare sakanya.
Hindi ko lubos maisip na nag pakamatay siya. Mabait naman siya sa akin, palagi pa nga kaming nag kukwentuhan, ipinakita ko rin sakanya ang picture namin ng boyfriend ko. Nagwagwapuhan pa nga siya kay Miguel.
Huminga ako ng malalim saka tuluyang binuksan ang kwarto. Pag bukas ko roon ay bumungad sa akin ang malungkot na kwarto.
Tatlong kama ang naroroon tapos ako lang mag isa? I wish Miguel is here.
Ngumuso ako at pumasok na sa loob. Inayos ko lang ang mga gamit ko at binuksan ang bintana.
Saka nag tungo sa banyo para makaligo na.
Pag kaligo ko ay na gulat ako kung sino ang nakangiti sa akin. It's Miguel! Nandito siya!
Ngumiti pa siya ng malapad habang nakatitig sa akin.
"Hey, mahal. Miss me? " Nakangiti nyang tanong.
Hindi ko man lang naisip na towel lang ang nakatapis sa akin ng yumakap ako sakanya. Kamuntik ng malaglag ang towel sa lapag dahil sa aking ginawa.
Narinig ko ang halakhak ni Miguel sa aking tenga.
"Saan ka dumaan? Paano ka naka punta rito? " Nag tatakhang tanong ko.
Isang college students si Miguel. Anak mayaman tulad ko, may kompletong pamilya at maraming kaibigan.
Kaya nga sobrang swerte ko sakanya, eh.
He won't leave me, he's always there for me.