Chapter 12
Nagising ako ng may tubig na tumapon sa mukha ko. Mukha ng kapatid ko ang siyang tumambad sa akin, umiiyak siya habang pinupunasan ang mukha ko.
"Zatchie! " Hagulgol nya.
Nakatali ang mga kamay ko. Lumuha ako dahil wala akong magawa para patahanin ang kapatid ko.
"Zatchie! I'm sorry! " Umiiyak nyang ani.
Wala naman siyang galos hindi rin naman nakatali ang mga kamay nya. Walang mababakas na sinaktan siya kaya naman naging maayos ang pakiramdam ko.
I saw Miguel!
He's saying something I can't understand.
I can't hear you my love.
"Zatchie! " Sigaw ni Manuel ang siyang narinig ko.
"Zatchie, you should drink this. " Ani ng kapatid ko sabay pakita ng isang capsule.
"Zatchie! Don't! Don't drink that fuck! " Sigaw ni Manuel.
Napatingin ako sakanya. Frustration ang makikita sakanyang mukha.
"Ate... " Tawag ng kapatid ko. "Ate, drink this. You need to survive. " Ani ng kapatid ko.
Tumango ako, iinumin ko na sana ng biglang mag salitang muli si Manuel.
"SIYA ANG PUMATAY SA KAPATID KO! KAY MIGUEL! SA TAONG MAHAL MO! SA TAONG TOTOONG MAY PAKE SAYO! ZATCHIE! GUMISING KA! MASASAYANG LAHAT NG GINAWA NG KUYA KO KUNG IINUMIN MO 'YAN! " Sigaw ni Manuel.
Kunot noo ko siyang tinitigan. Nang ilipat ko ang tingin ko sa kapatid ko ay wala ng emosyon ang mababakas sa mukha nya.
Hanggang sa tumayo siya at sinampal si Manuel.
"Panira talaga kayo ng kapatid mo, eh no! Hindi ka ba na tatakot na baka gawin ko rin sayo ang ginawa ko sa kapatid mo? " Tanong ng kapatid ko kay Manuel.
Natulala ako sa sinabi ni Krishel. Na alala ko iyong mga panahong nalaman kong namatay si Miguel. Sinabi ni Krishel na ako ang pumatay kay Miguel.
"Ate! Ikaw ang pumatay sakanya! Kasi nakita mong rarapin nya ako! " Sigaw ni Krishel.
Umiyak ako. Sinisi ko ang sarili ko, naniwala ako na ako ang pumatay sa taong mahal ko. Sa taong nag mamahal sa akin ng lubos. Naniwala ako! All this time I believed it!
"Ate, walang makakaalam ng nangyare. " Aniya sabay yakap sa akin.
Tumulo ang luha ko ng maalala ko kung gaano ako na bulag.
Kung gaano ako katanga.
"Aaaaaah! " Sigaw ni Manuel ang nag pagising sa akin sa realidad.
"Krishel! That's enough. "
Napatingin ako sa bagong dating na panauhin. Siya iyong pumatay kay daddy! Siya iyong hayop na bumaboy kay mommy! Iyong kabit ni mommy!
"Prof Linton. " Wika ko.
Bakit hindi ko man lang nakita ito? Bakit hindi ko man lang siya nakilala? Bakit ako nag paloko? Bakit ako nag pagamit?
Tumawa si Krishel.
"Yes, my kawawang sister! He's my dad. Mr. Linton. " Ani Krishel.
Umiyak ako. Anong ibig sabihin ng kapatid ko? Na babaliw na siya! Ang daddy namin ay si daddy! Hindi si Mr. Linton. Hindi siya ang daddy namin! Niloloko ng lalaking ito ang kapatid ko, ginagamit nya si Krishel! Damn!
Paanong naniwala sakanya si Krishel? Paanong nagawa akong traydurin ng sarili kong kapatid ko? Kami ang tunay na mag kadugo, kami ang tunay na mag kamag anak anong pumasok sa isip nya para mag pauto?