Chapter 11Ang unang lalaban ay kami. Anim laban sa sampo. Malalakas ang mga makakalaban namin, hindi sila basta basta lang.
Ngumiti ng matamis si Belue. Aniya ay magiging exciting ang pag laban namin. Isang malaking battle field ang pag lalabanan namin.
"Zatchie kay Belue ka sasama. " Ani Rocky.
Sumang ayon naman ako roon. Tamang tama lang dahil kahit hindi ako kumilos ay kaya na ni Belue patayin ang mga kalaban.
Naging boring para sa akin ang unang pag laban namin. Nihindi man lang ako gumalaw.
"Easy! " Mayabang na ngisi ni Belue.
"Yeah. " Pag sang ayon ko.
Tahimik naman si Yusue. Mukhang nag iisip siya.
"Do you saw something, Yusue? " Tanong naman ni Manuel kay Yusue.
Tumango naman si Yusue. Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila ngunit nag mumura na silang pareho. Nagulat ako ng lumapit sa amin ang sugatang si Rocky.
Agad namin siyang dinaluhan. Kailangan magamot ang mga sugat nya! Kung tuloy tuloy ang labanan hindi na makakayanan lumaban ni Rocky.
"I tried to kill him. " Wika ni Rocky.
"Rocky! " Sabay sabay nilang ani.
Ngumisi naman si Rocky. "We're all victims here. I'll just want to save Zatchie. " Aniya.
Hindi ako umimik, inayos ko lang ang mga sugat nya. Mabuti at may dalang pang gamot si Manuel na hindi ko alam kung saan nya kinuha.
"You can't do that! " Sigaw naman ni Beltro.
"He's a powerful! And your girlfriend will be mad at you! " Wika naman ni Yusue.
May girlfriend si Rocky? Saka anong sinasabi nyang biktima rin sila? Ano bang pinag sasabi nila? Nababaliw na ba sila?
Isang masamang tingin at tumigil na sila sa diskusyon. Wika ni Manuel ay kailangan namin mag tago, mag hanap ng maaring pag taguan gayong nanganganib na kami dahil sa ginawa ni Rocky.
"Belue, ano bang nangyayare? " Tanong ko sakanya habang nandito kami sa pinag tataguan namin.
"Ang kapatid mo ang girlfriend ni Rocky. " Aniya na nag pagulat sa akin.
Fuck!?
Hindi ako naniniwala sakanya! Hindi ko na kinausap pa si Belue ganoon din naman siya. Ilang sandali lang ay may mga sumabog na naman. Kinailangan namin tumakbong muli kundi ay mamamatay kami. Wala ng bala si Belue, Wala na ring lakas si Rocky.
Nang makahanap muli kami ng ligtas na lugar ay iniwan namin sila Belue at Rocky doon. Hahanapin namin ang mga kalaban para patayin sila. Si Manuel ang kasama ko habang si Yusue at Beltro ang mag kasama. Mag hahanap sila ng lagusan palabas sa lugar na ito.
Ang buong akala ko ay walang gamit na ano mang sandata si Manuel. Ngunit meron pala!
Mabilis nyang napatay ang iilang nakalaban namin. Nakapatay na rin ako, hanggang sa parang hindi sila na uubos. Pagod na kaming pareho, gutom at wala ng lakas.
Ang sabi ni Manuel ay kailangan na namin bumalik sa kung nasaan sila Rocky.
Hindi rin nag tagal ay may pumukpok sa ulo ko dahilan ng pag dilim ng paligid.
Ito na ba ang katapusan ko?