Chapter 7Iniwan ko na si Nemelyn sa room na iyon at tinawagan ko si Krishel para iligpit ang bwiset na babae na iyon.
"Zatchie! You promise me, you'll behave! " Ngawa sa akin ni Krishel.
Umirap ako saka humithit sa yosi ko. Pampakalma at pamapawala ng pagod. Pagod sa pag tanggal ng balat ni Nemelyn.
"Shut up, Krishel! Just leave me alone. " Utos ko.
Umiyak ang kapatid ko sa aking harapan. Nag mamakaawa siya sa akin na tumigil na ako. Pangungulila, sakit, takot, kaba at pang hihinayang ang nakikita kong emosyon sakanya.
"Ate... " She called me!
She's my little sister! I see my little sister in her!
Naaalala ko kung paano siya nag dusa noong nawala si mommy at wala na rin si daddy. Pinag mamalupitan kami ng katulong na nag babantay sa amin. Ipinagkatiwala kami ng mga kamag anak namin sa ibang tao na walang awa kaming saktan.
Habang naninigarilyo iyong asawa ng katulong namin ay pinapaso nya kami gamit ang kanyang sigarilyo. Hinihipuan nya si Krishel. Hanggang sa isang araw galing ako sa school.
Nakita ko mismo na nakapatong iyong lalaki kay Krishel habang tulala ang kapatid ko. Umiiyak siya. Taimtim na humihingi ng tulong.
Tangina!
Ano bang ginawa sakanya ng kapatid ko? Bakit nya nagawa sa isang musmos na bata ang ganoon? Pinanood ko lang kung paano marape si Krishel. Sinubukan kong isumbong sa katulong namin ang nangyare pero kinampihan nya ang kanyang asawa.
Ingingudngod pa nga nya ako sa putikan sa garden. Araw araw impyerno ang buhat namin. Araw araw ay si Miguel ang naging lakas ko. Ikinukwento ko sakanya ang nangyayare sa amin. Sabi nya ay hahanapin nya ang mga kamag anak namin. Hihingi siya ng tulong para iligtas kami.
Araw araw panibagong latay sa katawan. Paso ng sigarilyo.
"Miguel, hindi ko na kaya. Gusto ko ng mamatay! " Sambit ko.
Niyakap naman ako ni Miguel. "Don't say that, once you turn eighteen I'll marry you. Will you, marry me? " Malambing nyang lintanya.
"Do you love me? "
"Of course, I love you! " Seryoso nyang wika.
"How about Nemelyn? You told me, you like her. " Mapait kong ani.
Ngumiti naman siya saka ako kinurot sa ilong. "Ikaw talaga! H'wag ka na mag selos, I like her before but I've never love her. " Aniya.
Naniwala ako kay Miguel dahil naniniwala siya sa akin. Pinararamdam nya sa akin kung paano mahalin, ibinibigay nya lahat. Itinatakas nya rin ako sa bahay para lang walang mangyare sa akin.
Habang nandyan si Miguel ay nakalimutan ko na si Krishel. Hanggang sa isang araw na balitaan ko na patay na si Miguel. Patay na siya! Maraming saksak sakanyang mukha.
Sobrang nabaliw ako noon.
Tanging si Krishel lang ang naging kasama ko ulit. Dalawa ulit kaming mag kakampi, wala na si Miguel! Iniwan na nya ako! Ibinigay sa akin ng mommy ni Miguel iyong mga love letters na galing kay Miguel.
Lahat ng efforts na gagawin sana ni Miguel para sa akin. Itinago ko lahat ng iyon.
Simula ng nawala sa buhay ko si Miguel, hindi ko na nakokontrol ang sarili ko. Wala na akong pake sa ibang tao. Pinatay ko ang asawa ng katulong namin, pinalakol ko ang ulo nya habang ginagahasa niya si Krishel na tulala pa rin.