Chapter 10Nasa battle field na kami ngayon. Hindi ko alam kung anong kakayanan nila. Hindi ko alam kung anong mangyayare sa akin. Hindi ako pumapatay ng walang dahilan.
"Rocky. " Tawag ko.
Sumugod na ang mga kalaban namin at panay na ang pakikipaglaban ng apat habang nakatingin naman ako kay Rocky.
"What? " Tanong ni Rocky.
"I can't fight. " Wika ko na iiyak na.
"You should! Mamamatay ka kung hindi. " Aniya.
Niyakap ako ni Rocky habang sinasabi na kailangan namin makaligtas at makapasok sa pangalawang palaro.
Ilang minuto pa bago ako sumang ayon sakanya. Papatayan ako para mabuhay! Papatay ako para mabuhay! Papatay ako para mabuhay! Paulit ulit kong iniisip iyon.
Pinag sasaksak ko ang mga humaharang sa akin. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdaman ako ng kasiyahan. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng masarap na pakiramdam.
"Wow! Ms. Zatchie, masyado ka naman atang mainit! " Natatawang wika ni Belue sabay paputok nya ng baril sa lalaking susugod sana sakanya.
Nag smirk lang ako bago sinaksak ang pang huling kalaban ko.
Kami ang nanalo.
Napatay namin lahat.
Ang totoo ay kokonti lang ang napatay namin. Dahil kanina ay marami ng namatay sa pakikipag laban.
Ang sabi ni prof bababyahe na kami ngayon din. Sa isang malayong bundok sa Luzon kami pupunta. Aniya ay siya ng bahalang mag excuse sa amin ni Rocky.
Sumakay kami sasasakyan. Nasa front seat ulit ako habang nasa likod naman sila. Maingay ang kambal dahil sa nag tatalo sila. Tahimik naman iyong Manuel at si Rocky at iyong si Yusue ay parehong tulog marahil sa pagod.
Buong biyahe ay hindi ako nakatulog kahit na sinabi nilang mag pahinga ako dahil mapapalaban kami.
Hindi naman ako pagod.
Bangin ang nasa gilid ng dinadaanan namin. Makikita ang lawak ng daigdig. Makikita ang lahat lahat. Hindi rin nag tagal ay nakatulog ako. Nagising na lang ako sa isang malambot na kama. Ayon kay Yusue ay kailangan na naming mag almusal dahil mag prapractice pa kami.
Marami silang nakain habang ako ay kukunti lang. Hindi ako palakain na tao. Dinala kami ni prof sa isang kwarto na puno ng mga weapons.
Agad kong pinuntahan iyong sa may mga kutsilyo. Iba't ibang gamit ang nandoon, may palakol, dagger, at iba't iba pa.
Natuwa ako at nag enjoy sa practice na ito. Magaling sa baril si Belue, he can easily shots. Habang si Manuel naman ay magaling sa pakikipag suntukan, hindi ko alam kung kaya nyang mag survive na gamit lang ang kamao nya.
Kung mag lalaban sila ni Belue paniguradong bago pa siya makasuntok ay napatay na siya ni Belue. Ang kakambal ni Belue ay magaling sa machine.
Si Yusue naman ay magaling sa pag mamagic, alam kong kaya nyang mag survive. Iba ang kanyang abilidad. Si Rocky ay halos lahat ay magaling siya ngunit bow and arrow ang kanyang pinag kaabalahan.
Isang linggong pag sasanay ang ginawa namin bago muling nag patuloy ang palahok. Ngayon alam kong hindi na lang bastang mahihinang nilalang ang aming makakalaban.
Alam kong may mas malalakas pa sa amin. Kung hindi kami magiging maingat ay mamamatay kami.