Chapter 3

5 2 0
                                    


Chapter 3




Bumili ako ng mga pagkain. Buti na lang wala pang masyadong tao rito sa cafeteria. Wala pa rin si Angeline at ang mga kaibigan nya.

Mabilis lang naman akong nakabili at bumalik na rin agad ako sa kwarto ko. Kada may nakakakita sa akin ay lumalayo, umiiwas, na iilang, at pinag kukwentuhan ako.



"'Di ba siya iyong dahilan kaya nag pakamatay si Marie? "

"Shhh... Stop gossiping, she may hear us. "



Umirap na lang ako dahil sa ang aga aga ay nag chichismisan sila. Nag madali na akong pumunta sa kwarto ko para makakain na kasama si Miguel.

Pag pasok ko sa kwarto ay nakita ko agad si Miguel na nakahiga roon. Bumalik siguro muli siya sa pag tulog.

Hindi ko alam kung hanggang kailan siya mag sstay dito, basta alam ko ay may gamit siya rito kaya kahit ilang araw ay maari siyang mag stay.

Ginising ko si Miguel para makakain na kaming dalawa. Ngumiti naman siya at sinabing susunod na lang siya. Pag tapos kong kumain ay nag basa naman ako baka kasi may iquiz mamaya.



"Mahal, lower your voice. " Saway sa akin ni Miguel.

Tumawa naman ako saka tumango sakanya. Mukhang antok na antok ang pinakamamahal kong boyfriend. Nag aral ako ng tahimik. Nang mag alarm ang clock ko ay naligo na ako. May pasok ako ng 1pm hanggang 8pm.



Sa pinakamalayong building pa naman ang pinapasukan ko. Mabuti na lang at hindi naman ako naiiwan mag isa sa classroom.

Tinext ako ni Krishel aniya ay na balitaan nya ang ginawa sa akin ni Angeline. Ngayon ay bibigyan nya ng parusa ang mga iyon ngunit sinabi ko naman na h'wag na dahil lalaki lang ang gulo.

Pumasok na ako ng mag 1pm.

Maraming nilecture ang guro namin. Mabuti na lang talaga at nag aral ako bago pumasok.

"Zatchie, pakopya naman ng assignment. Oh! " Ani Rocky.

Rocky Montenegros. Siya iyong nag iisang lalaki na pinapansin ako... Kapag may kailangan siya sa akin.

Tumango naman ako at pumayag.

I like helping people when they need me. I've learned this from Miguel. He's a selfless person. I just hate it when he's violent and want to hurt those who hurt me.

Puro kopya ang ginawa ni Rocky. Nang mag uwian na ay sumabay pa siya sa akin.


"Oy, basta a? Iyong quiz bukas! Penge answer. " Nakangiti nyang saad.

Tumawa maman ako. "Oo, ba! " Mayabang kong wika.

Ginulo ni Rocky ang buhok ko kaya naman ngumuso ako. Ayoko ng ginugulo ang buhok ko ngunit hindi ko naman kayang magalit kay Rocky.

He's kind and maybe someday we'll be a good friends.




"Who's that guy? " Galit na tanong ni Miguel pag pasok ko sa kwarto.

May pagkain sa lamesa na animo'y inayos nya para sa akin. Grrr! Kinikilig ako!

"Zatchie! " Sigaw ni Miguel.

Kunot noo ko naman siyang tinignan.

"You cooked for me? " Natutuwa kong tanong.

Hinampas nya ang lamesa kaya na patigil ako sa pag lapit sakanya

"Who's that fucking man!? " Sigaw nya.

Yumuko ako bago siya sinagot. "He's... Uhm... My classmate. " I answered.

March 13 2013, Happy 18th Birthday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon