Chapter 2

3 1 0
                                    


Chapter 2



"Umakyat ako rito at pumasok sa binta mong naka bukas. " Nakangiti nyang saad.

Ngumuso ako at ngumiti sakanya. Nakalimutan ko na talaga na nakatowel lang ako ng halikan ako ni Miguel.


Humawak siya sa aking puwitan habang ang isang kamay naman ay nakaalalay sa aking ulo para mahalikan pa siya.


"Uhmmm... Uhmmm.. "

Ungol ko dahil sa intense ng halikan namin. Pinasok nya ang dila nya sa dila ko kaya naman napapaungol ako sa sarap.


Sa gabing iyon ay hindi na ako nakapag hapunan dahil sa binusog ako ni Miguel. Binusog nya ako ng pag mamahal. Kahit naman matagal na kami ni Miguel at binibigyan ko siya ng karapatan na gawin namin iyon ay hindi nya pa rin ako pinapatulan.


Inirerespeto nya raw ako.

Mahal nya ako.



Mahal ko rin naman siya.



Kinaumagahan ay maaga akong naligo para makababa na sa cafeteria. Nag suot ako ng isang jogging pants at hoodie. Tulog na tulog pa nga si Miguel ng iwanan ko siya. Mamaya mag dadala ako ng makakain para sakanya.

Bawal ang outsider kaya naman hindi dapat mag pagala gala si Miguel. Ayokong mahuli siya.


Nag lalakad ako ng biglang may nag hagis sa akin ng kung ano. Tumama ito sa ulo ko. Kasunod noon ay ang tawanan ng mga babae.


Angeline Roque. Ang number one na nambubully sa akin. Hindi ko alam kung bakit nya ako binubully, kung anong nagawa ko sakanya, hindi ko talaga alam kung bakit ba galit na galit siya sa akin.



"Stupid! Give me the ball! " Sigaw nya sa akin.


Varsity cheerleader, dancer, singer, model lahat 'yan ay si Angeline. Maraming nag kakagusto sakanya, maraming nag kakandarapa sakanya.

Marami siyang kaibigan at boyfriends.


Nakatulala lang ako sakanya habang sumisigaw siya. Nasa likuran nya ang mga kaibigan nyang nanonood lang sa amin at tinatawanan ako, habang nilalait din.




"Damn! Stupid tsk! " Sigaw sa akin ni Angeline sabay dura sa mukha ko.

Napapikit ako habang tumatawa naman ang mga kaibigan nya. Narinig kong tumawa rin si Angeline bago siya umalis.

Tumulo ang luha sa mga mata ko. Pinunasan ko ang dura nya sa mukha ko, pupunta na lang ako sa malapit na banyo para makapag hilamos.

Sanay na naman ako sa mga pambubully nya ngunit hindi ko lang talaga mapigilan ang umiyak.


Nag hilamos ako.

Bumukas ang pinto at nakita ko si Miguel, magulo ang kanyang buhok, at mukhang kagigising lang. Ang gwapo!



"Miguel! " Maligayang wika ko.

"Who's she's talking? "

"I don't know, she's crazy. "

"Mahal, I saw what that girl did to you. " Wika ni Miguel.

Nag sarado ang pintuan kaya dalawa na lang kami ni Miguel ngayon. Ngumisi siya sa akin, ako naman ay namumutla.

Ayoko sa ngisi ni Miguel. Ayokong may gawin na naman siyang masama dahil lang na bully ako.


"Miguel, don't hurt her. " Mangiyakngiyak kong ani.



"I won't, mahal. " Sagot naman niya.

Sinabi ko sakanya na bumalik na siya sa kwarto ko dahil pag may nakakita sakanya ay paniguradong mapapaalis siya. Pumayag naman siya at sinabing mag dala ako ng pagkain para sakanya.

March 13 2013, Happy 18th Birthday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon