LYLLO'S POV
"6, 435 tickets po ang sa inyo, Sir..." Sabi ng babae kay Lyano.
Narito pa rin kami sa Tom's World at pumunta na kami sa counter para magpabilang ng tickets namin. Ako ang kulelat dahil 20 lang ang nakuha ko. Pero kinuha 'yon ni Lyano para idagdag sa kaniya kaya gano'n nalang ang tuwa ko dahil ang dami ng kaniya. Halos libutin ba naman niya ang mga games dito sa loob.
"Count his tickets.." Nahirapan ang mga staff na kunin ang tickets ni Rohan. Tahimik lang siyang natulong sa pag- aayos dahil nagkanda- buhol- buhol na 'yon.
Pinasok sa loob ng machine ang dulo ng tickets at mabilis na kinain 'yon ng machine. At medyo ilang minuto ang tinagal dahil ata nag loko ng machine. Narinig ko bungisngis ni Lyano.
"You ruled the Tom's World, kuya. Haha."
"Like I haven't done that before?!" Mayabang na tugon ni Rohan na nasa likod ko. Kinagat ko ang aking labi upang pigilan na tumawa rin.
"S- sir... 9, 306 po.. natagalan kasi nag loko 'yung machine."
Laglag ang panga ko habang naka tingin sa machine na halos kinukumbulsyon na pagloloko. Sana lahat ng nagloloko, kinukumbulsyon na talaga. Tsk tsk.
"I want that kulay maroon Dior shoulder bag..." Tinuro ni Lyano ang nakakaakit sa mga mata ko na bag. 'Yon 'yung limited edition noong last last month na hindi ko nabili dahil wala pa 'kong sweldo. Mahal 'yon kumpara sa mga purse na binili ko sa Gucci at Chanel.
4, 000 tickets ang katumbas no'n kaya naman nakuha niya nga ang shoulder bag. Hindi ko nga lang talaga expected na haharap sa'kin si Lyano upang ibigay 'yon.
"This is what you get when you're letting me missed you so damn much, ate." Nakangisi niyang inabot sa'kin ang Dior na bag. Halos kumislap ang paligid at na- focus ang mata ko sa bag na 'yon.
"Thank you, Lyan... I love it. I missed you, too!" Agad siyang umilag nang yayakapin ko sana siya. Napaismid nalang ako at tinitigan ang bag na bigay niya.
"Sir?" Bumaling ang babae kay Rohan na may tinitingnan sa loob ng babasagin na lalagyanan ng mga maliliit na prizes.
"What's this?" Tinuro ni Rohan ang dalawang papel na may pangalan ng Enchanted Kingdom sa dulo.
Sinilip ko rin 'yon at nabasa na ticket 'yon papunta sa EK, dalawa ang ticket na 'yon sa pagkakaalam ko.
"That's a promo of Enchanted Kingdom, sir. Entrance Voucher for two, trip to EK. Dalawa lang po ang gagamit ng voucher na 'to, sir. Until next month niyo pa po pwedeng magamit. That's equivalent to 8, 000 tickets."
Kinabahan ako nang lumingon si Rohan sa'kin at nakataas ang kaniyang kanang kilay na akala mo nanghahamon sa isang challenge. Umirap ako at tinaasan din siya ng kilay.
"I'll take it."
So gano'n nga ang nangyari, kinuha ni Rohan ang dalawang entrance voucher sa EK at tinabi niya 'yon sa kaniyang mamahaling leather wallet. Ngumisi siya at tumingin sa kawalan na akala mo'y may pinapalanong hindi maganda.
Ang mga natirang tickets ng dalawa ay pinagsama- sama at nakakuha ng dalawan CD para sa PS4 na bibilin ni Lyano, isang NBA 2k19 at isang League Of Legends. Dagdag na 'yon sa mga bibilin pa ni Lyan mamaya na mga bala.
Pagkatapos papirmahin si Rohan dahil sa voucher ay lumabas na kami ng marami ang bitbit. Kinuha ko na rin pala ang bulaklak sa staff. Dala ko 'yon at si Rohan naman ang may dala ng dalawang plushy na aso't pusa at ang Dior na shoulder bag na bigay ni Lyano sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/234363048-288-k263149.jpg)
BINABASA MO ANG
THE WILD'S DEEPEST AFFECTION | SILVERVILE
RomanceIn the wild, you must be prepared for the worse. Dapat palagi kang alisto, dapat alam mo kung anong hahantungan ng bawat hakbang mo. Hindi puwedeng hindi ka handa sa kahit ano. Pero paano kung pinili mo'ng daanan ang mapanganib na direksyon kaysa i...