Chapter 2 ~that's my girl~

813 123 12
                                    




Ajax Umali


Finally she is my girlfriend now! Halos dalawang taon rin ako nag-ipon ng lakas ng loob para masabi ko sa kanya na gusto ko siya. Ang taray-taray kase, hindi ko rin alam kung babae ba talaga siya o nagpapanggap lang dahil lalaki siya manamit. Hindi man lang naglalagay ng kolorete sa kanyang mukha or labi pero gandang-ganda ako sa kanya. Siya ang unang babaeng kumuha ng atensiyon ko.

Meagan Miranda was nice and pretty. Lalo pa sa tywing kasama niya ang kanyang mga kaibigan, talagang lumilitaw ang kanyang ganda. Siguro sobrang gusto ko lang siya kaya kakaibansiya sa paningin ko. Sa loob ng dalawang taon na pagmamasid at panliligaw ko sa kanya na hindi niya alam ay nakuha ko rin ang atensiyon niya lalo na noong maging partner kami sa prom at ang kababata ko pang si Morisette ang napag-utusan ko dahil takot ako mabasted e’ buti na lang sobrang bait ni Morisette kaya siya ang kumakausap kay Meagan para sa akin.

Hindi ko ikakaila na marami ang nagkakagusto sa akin, maraming nagbibigay ng sulat kasu hindi ko naman tinantanggap dahil nga loyal ako kay Meagan. At alam kong proud si Meagan na boyfriend niya ako dahil sa tuwong may okasyon sa school ay sobrang napaka-supportive niya. Kasali ako sa group of dancer sa school at kitang-kita ko siyang kinikilig sa tuwing sumasayaw ako sa taas ng entablado.

“Ano na naman ito?” mataray na tanong niya ng iabot ko ang isang nakayuping papel sa kanya. Curious ang mukhang kinuha niya sa kamay ko sabay lumipad ang ibaba ng  kanyang mahabang buhok at sumalampak sa smokey grass, nakaupo siya sa lilim ng malaking punong kahoy kasama ang kanyang mga kaibigan, ngunit kapag alam nilang palapit ako ay kusa silang umaalis para masolo ki Meagan. Supportive rin sila kasu matataray lang.

“Love letter na naman. May nagpapabigay raw sa akin,” Umupo naman ako sa tabi niya habang binibuklat niya ang sulat.

“Kanino galing?!” Kinabahan naman akong bigla dahil tumaas ang kanyang boses, alam kong naiinis na naman siya. Sana pala hindi ko na lang ibinigay baka awayan na naman. Medyo selosa siya at nakakatakot pero hindi niya naman ako masisi at wala naman akong magagawa kung habulin ako ng mga babae. Nakasimangot niyang binasa ang sulat, hanggang sa natapos at tiniklop, itinago sa bulsa ng kanyang palda.

“Proud ka?” Nakanguso niyang tanong habang umuusok ang tainga.

“Hindi, diba dapat nga ikaw ang proud,” balik ko sa tanong niya. Kailangan ko siyang pakalmahin dahil alam kong nagseselos na naman. “At baket? Dahil marami nagkakagusto sayo?” Taas ang kilay na ssaad niya.

“Parang ganoon na nga, tapos ikaw ang nasa tabi ko ngayon,” sagot ko at inakbayan ko siya para icomfort.

“Alisin mo nga yan!” Tinapon niya ang  kamay ko na nakapatong sa kanyang balikat.

“Ituro mo sa akin kung sino ang Elise na iyon?!” Nakakatakot na saad niya, medyo napalakas ng konte ang kanyang boses.

“Aawayin mo?” tanong ko at kinakabahan ako.

“Hindi. Gusto ko malaman kung karapat-dapat ko ba siyang pagselosan,” Umirap siya sa akin at matalim niya akong tinitigan.

“That’s my girl!” Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili ng babaeng mamahalin ko. Alam niya kung saan ilulugar ang kanyang selos. Minsan gusto ko na tuloy siyang ilagay sa knapsack ko at iuwi kay Mama. Pabago-bago ang kanyang mood pero okay lang, kaya ko namang pakalmahin. Ahead ako sa kanya ng dalawang taon kaya medyo naiintindihan ko ang tantrums niya at kahit masungit ay super sweet naman lalo na kapag kami lang dalawa.

“Saan ka pala mag-aaral ng College Megg?” Minsan tumambay kami sa coast na malapit rin naman sa school, mangilan-ilan ang mga tao doon. “Ewan ko. Undecided pa ako, bakit ikaw ba?”

Perfect Two CS 1 ( Self-Published Under F&L MediaHub )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon