Chapter 18 Awakening

401 75 1
                                    




M e a g a n Medrano

Gabi na nang nakabalik kami ni Darren sa apartment, kanina pa siya nagtatanong kung bakit biglang nagbago ang mood ko pero hindi ako kumikibo, hindi niya ako makausap ng matino dahil kahit ako ay hindi ko alam kung bakit naging balisa ang isip ko. Hindi ko na rin na-enjoy ang paliligo sa dagat dahil apektado ako ng sinabi ni Najella sa akin kanina. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap sa sarili ko na tama ang kaibigan ko, ‘Sumuko agad ako’.   Wala ba akong kuwentang girlfriend? Hindi ako nagtiwala sa kanya, basta ko na lang siyang tinalikuran at hindi ko siya pinakinggan. Baka hindi totoo iyong pagmamahal ko sa kanya? “oh damn it! I really love him!” sigaw ng puso ko.

Mabilis akong nakarating sa kuwarto ko at agad na isinara dahil ayokong makita ng boyfriend ko ang mga luhang kakawala sa mga mata ko. Alam kong nahahalata ni Darren na kakaiba ang mga kilos ko pero hinayaan niya lang ako dahil naiintindihan niya naman na minsan talagang binabalot ako ng kalungkutan na hindi ko masabi kong saan nanggagaling. Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko kaya hinayaan niya akong mapag-isa muna.

At tuluyan na ngang namalisbis ang mga luha mula sa nag-iinit kong mga mata, gusto kong matulog at magpahinga. Ngunit ng tuluyan na akong pumikit ay malulungkot na mukha ni Ajax ang nakita ko. Nagsusumamo na huwag ko siyang iwanan habang nakayakap ng mahigpit sa aking mga binti. He is asking me to save him. He is asking me to trust him.

I never cheated on you, Meg. I will never, even once, but I did something stupid. Sobrang tanga ko, napakatanga ko. Sana hindi ko na lang siya hinatid sa bahay nila..”

“Trust me. I’ll never cheat on you. Not now, not ever,”

Dalawang taon na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin ang tagpong iyon. Hindi mabura sa isipan ko ang kanyang mukha na halos magmakaawa dahil sa kanyang nagawa. ‘Kumusta na kaya siya? Okay na ba siya? Nakabangon na ba siya? Gumuho rin ba ang mundo niya?’ Wala na akong balita sa kanya simula ng umalis ako ng Pilipinas, ngayon ko na lang ulit narinig ang kanyang pangalan.

“Her parents demand a wedding. I have nothing to do. I have no power to stop them--I have no---”

Masiyado pala akong naging makasarili nang mga oras na iyon. Naging tanga rin ako. Kailangan niya ako ng mga oras na iyon pero bakit mas pinairal ko ang galit kesa sa pagmamahal ko sa kanya? Hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataon para ayusin ang napasok niyang gusot. Mahal ko siya e’ dapat sinamahan ko siya sa kanyang problema siguro kong hindi ako umalis sa tabi niya baka nagawan namin ng paraan na hindi siya makuha ni Morisette.

“Shut up! Fine let’s break up! And marry her!”

Iyon ang huling nasabi ko sa kanya ng mga oras na iyon na dapat sana ay niyakap ko rin siya pabalik, dapat sana pinakalma ko siya at pinaramdam kong kakampi niya ako kahit anong mangyari. Dapat sana hindi ko siya tinakbuhan.

“Ang sakit-sakit na naman! Nasaan ka ba Ajax?! Bakit hindi ka man lang nagparamdam pagkatapos ng lahat!” Hindi na naman ako makahinga dahil sa napukaw na sama ng loob ko pero ngayon nag-iba na ang nararamdaman ko. May kasama ng guilty at pagkaawa sa kanya. “I-Im sorry.” Mabigat sa dibdib ang salitang namutawi mula sa bibig ko. Sobrang gulo na rin kase ng utak ko ng mga araw na iyon, nabigla ako sa mga pangyayari at hindi nakapag-isip ng maayos. I’m also young back then and immature.

Nakabaluktot ako sa higaan habang yakap-yakap ang malambot na unan. Bumalik na naman ulit ang sakit at lungkot na gusto kong alisin sa puso ko. Sa ngayon nakaramdam ako ng galit sa sarili ko dahil mayroon din akong pagkukulang sa kanya, sa relasyon namin. Sana ipinaglaban ko siya, sana gumawa ako ng paraan para hindi siya nakuha ng iba, sana masaya kami ngayon at magkasama..

Perfect Two CS 1 ( Self-Published Under F&L MediaHub )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon