M e a g a n
Another week passed. Dahil sa mga OA at supportive friendship ko hindi talaga nakalapit sa akin si Ajax. Ganoon din pauwi dahil minsan sumasakay na lang ako sa trike pag hindi ko kasabay si Abby. Feeling ko nasasanay na ako na ganoon kami. Hanggang titigan na lang. Minsan naawa na ko sa kanya dahil wala na siya sa sarili, magulo ang buhok. Lagi na lang nakamukmok sa upuan niya, pero minsan nakikita ko siyang nakikipagbiruan kay Lorence Earl kaya baka okay na siya.
“Guys! Malapit na ang tour natin!” nagulat akong nagtitili si Abby habang kumakain kami ng burger sa bench, malapit sa canteen. “Tabi-tabi tayo ha!” suhestiyon ni Lance.
“Sige pagkasyahin natin sa isang upuan ang mga sarili nating lima!” saad naman ni Jella. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa tour at nakikinig lang ako dahil balak ko ngang hindi sumama. Sana makausap ko na si Ajax peero hindi puwede dahil kukurutin ako ng mga lukaret na ’to. Thankful din naman ako sa kanila dahil dinadamayan nila ’ko sa lahat ng pagkakataon. Kulang na nga lang ay umuwi sila sa bahay namin para matawag ko na silang kapatid. Alam kong magiging okay rin ang lahat sa tamang pagkakataon.
Days passed, seems a normal day for them. Ang ibang student ay excited para sa tour bukas at masaya silang nagsiuwian ng hapon na iyon. Samantalang hindi maipinta ang mukha ni Ajax. ‘Gosh! I really miss him na... Miss ko na siyang kasama... Ilang araw pa kaming hindi magkaayod ay baka hindi ko na kayanin. This is really killing me.
“Meagan!” tawag ni Mama habang nanonood akong anime na palabas sa TV. Nakasalamapak sa upuan at may nginunguyang junk foods.
Ang pangalan ni Mama ay Andria Ortiz Medrano, 48 years old na siya, maganda siya at mabait pero kuripot lang minsan. “Ma, baket po?!” sigaw ko dahil nandoon siya sa may gate, nagdidilig ng kanyang mga halaman.
“Lumabas ka! May naghahanap saiyo!” sigaw rin ni Mama at hibdi ako interisado dahil sino naman kaya iyon?
“Sino po?” tanong ko habang sa palabas ng TV pa rin ang atensiyon ko.
“Classmates mo raw. Hihiram daw ng notes mo! Lumabas ka muna saglit.”
“Sino nga po Maaa..?! Pakisabi busy ako. Tour namin bukas e’ ano bang notes ang hihiramin niya?!” inis na sigaw ko kay Mama dahil baka nang-go-goodtime lang iyon.
Tamad na tamad akong tumayo kaya hindi ko pinansin ang pinagsasabi ni mama. Wala naman akong expected na guest ngayong hapon. Malalayo ang bahay ng mga kaibigan ko at si Abby naman ay hindi iyon nanghiram ng notes. Sino kaya? Doon biglang pumasok sa isip ko si Ajax, napatalon ako at nagkukumahog lumabas ng bahay ng nakayapak hanggang sa labas ng gate.
“Ma, nasaan na po siya?”
“Bata ka!” nagulat si Mama dahil sa pagsulpot ko sa kanyang likuran habang tinatanaw ang kabuuan ng kalsada. “Ma, pinaalis mo? Bakit hindi mo pinatuloy? Sino raw siya?” sunod-sunod na tanong ko.
“Classmate mong lalaki, iyong palagi mong kasama. Nagpaalam na, ayaw naman pumasok sa loob dahil nagmamadali raw. Ayaw mo naman lumabas, sabi ko nanonood ka ng Cartoons,”
“Palagi kong kasama?! Kailan Maaaa?” kinabahan ako, nakita niya kaming magkasama? “Anime po iyon hindi cartoons,” bulong ko na sinulyapan pa ang kalsada ngunit wala na siya. Tinalikuran na rin ako ni Mama at hindi sinagot ang tanong ko.
Stupid ka Meagan! Bakit hindi ako lumabas agad, sana sinabi ni Mama na siya iyon. Inis! Mabigat ang mga paa kong ihinakbang papasok sa kabahayan. Hindi ko naman siya matawagan para pabalikin dahil pahirapan huminging pangload. Hindi rin ako makahingi kay Ate Ariel dahil busy sa trabaho iyon. Si Kuya Jules naman, malamang walang pera dahil graduating pa lang siya sa College ngayong taon.
BINABASA MO ANG
Perfect Two CS 1 ( Self-Published Under F&L MediaHub )
RomanceCATENA SERIES 1 Ajax and Meagan were a perfect couple since high school; people said they were meant for each other. Many were envious of their love story; in short, "the world was jealous when they were together." But they broke up for unknown reas...