AJAX UMALI
Our misunderstanding finally settled and I’ll never allow ‘my girl’ broke up with me again dahil mas mahihirapan ako sa mga kaibigan niya. Mas malala sila sa bodyguard ng isang artista. I will never try to give attention to those girl who’s obviously into me. I can’t resist a day na hindi ko siya nakakausap what more pa kung maghiwalay kami? Kaya iiwasan kong gumawa ng dahilan na ikakagalit ni Meagan, kahit ang tumingin sa mukha ng ibang babae ay hindi ko na ginagawa.
“You’re so snob Ajax!” pagtataray ni Najella sa akin.
“Anong snob? Sinagot ko naman ang tanong mo.”
“Oo! But you are talking to a chair not me,” reklamo ni Najella. Nagtanong kase siya kung bakit hindi pumasok si Meagan kahapon. Sagot ko dahil masama ang pakiramdam.
“I’m sorry ayoko na kaseng magalit si Meg kaya hindi na ako puwede tumingin sa mukaha ng ibang babae,” seryosong sabi ko.
“Ang lufet! Korne mo Ajax!” Hagalpak naman ang tawa si Lainerry dahil nasa likuran pala namin siya.
“Wala kang kuwenta kausap! D’yan kana nga!” inis si Najella at nagmartsa palabas ng room.
‘Anong problema ng mga babaeng cheetah na ’yon. Bahala nga sila! Kitang-kita ko si Lainerry na tawa ng tawa habang nagkukuwento sa iba pa nilang kaibigan, hindi ko na lang sila pinansin buong maghapon kahit panay ang pang-asar nila sa akin.
After school ay narealize kong nasa harapan ako ng bahay nila Meagan at kumakatok sa gate nila, “Tao po! Tao po?” bahala na kung anong kahitnan basta kailangan kong malaman ang kalagayan ni Meagan.
Kahit nagkalat ang daga sa dibdib ko ay lakas-loob akong kumatok. “Ikaw pala iho, hinahanap mo si Meagan?” naging tuod ako ng biglang lumabas ang Mama ni Meagan, nakangiti siya sa akin kaya pinakawalan ko ang mga alaga kong daga.
“Opo, ako po si Ajax, Kumusta po? At si Meagan?” Nagmano ako sa kanya.
“Buti napadaan ka. Tuloy ka na, naroon siya sa sala puntahan mo at ako’y aalis muna pupuntang grocery at pharmacy. Bibili ng gamot niya at mga kailangan sa kusina,” litanya ng Mama niya.
“Pero dadaan lang po ako at aalis ag--”
“Sige na wala siyang kasama. Saglit lang ako.” Hindi na ako nakatanggi pa. Pinapasok ako sa loob ng gate at agad na isinara ito, “Sige po,” sabi ko na lang.
Nag-aalinlangan akong pumasok kahit medyo nahihiya pero gusto kong makita si Meagan kaya tumuloy na ako sa sala. “Ma, may nakalimutan ka? Gusto ko pala ng yakult at Mangga--Ajax!?” Natigilan siya ng makita ako. Hindi agad nakapagsalita kaya lumapit ako sa kanya at sinalat ko ang kanyang noo habang nakatitig sa akin, nadatnan ko siyang nakahiga habang nakataas ang isang paa sa sandalan ng upuan at nanonood ng T.V.
“A-Anong ginagawa mo rito? P-Paano ka nakapasok?!” Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ako. Maya-maya napagtanto niya ang kanyang itsura kaya agad na inayos ang sarili at naupo ng matino.
“Dinadalaw ka.” Umupo ako sa tabi niya.
“Baka madatnan ka ni mama! Lagot ako, umalis ka na.”
“Pinilit niya akong samahan ka dahil aalis siya saglit.” Namilog ang kanyang mata dahil sa narinig.
“Seryoso?! Pinapasok ka ni mama?” Tanong ulit.
“Oo.”
“Sige. Paki-on naman ako ng electric fan dahil ang init,” inutusan ako ni Meagan pero nakapajama naman siya. Sinunod ko na lang pero nakita niyang sa damit niya ko nakatingin. “Saglit lang, palit lang ako shirt dahil naiinitan talaga ko.” Inilang lakad niya lang ang kuwarto niya at pumasok sa loob. Naiwan ako sa sala ngunit napasilip ako sa labas dahil may narinig akong bumubukas ng gate.
BINABASA MO ANG
Perfect Two CS 1 ( Self-Published Under F&L MediaHub )
RomanceCATENA SERIES 1 Ajax and Meagan were a perfect couple since high school; people said they were meant for each other. Many were envious of their love story; in short, "the world was jealous when they were together." But they broke up for unknown reas...