Chapter 8 Unexplained Dreams

542 98 14
                                    




Meagan Medrano

“Ma?! kanina pa kayo?” natanong ko siya dahil sa gulat ko.

“Bakit? May pinag-uusapan ba kayong hindi ko dapat marinig?”

“Wala naman po, Tita,” si Ajax ang sumagot.

“Sige na Meagan, ihatid mo na siya sa labas. Mag-iingat ka, Iho.”

“Salamat po, Tita.” Mabilis na tumayo si Ajax, kinuha ang knapsack at lumabas sa k’warto, sinundan ko siya hanggang sa gate.

“Ingat pauwi, goodnight.”

“Pumasok ka na. See you, bukas,” saad ni Ajax bago umalis.

Mabilis akong nakabalik sa kuwarto at amoy ni Ajax ang sumalubong sa akin, agad akong nahiga dahil kanina pa ako antok. Alas onse pasado na. Parang sasabog ang puso ko dahil naalala ko ang kanyang mga sinabi, ‘Soon to be Mrs. Umali’ super kilig ako! At patutunayan niyang nakatadhana kami? ‘Sure! I’ll wait.

Pero totoo kaya ang sinasabi niyang panaginip?Ini-imagine ko na tuloy ang sarili kong nakasuot ng bridal gown at dahan-dahang naglalakad papunta kay Ajax--but we’re so young to get married but this dream was surreal. I am dreaming too?

~~~

Iminulat ko ang aking mga mata dahil kakaibang klima ang aking nararamdaman, malamig at mapresko ang hangin. I smell the yellow green forest, the odor of a dry woodlands. While walking barefoot, I feel the softness of decaying leaves on the ground. I slowly open my eyes, “Wow! Nasaan ba ako?” bulalas ko habang ipinaikot ang paningin sa paligid. Tama nga, nandirito ako sa hindi pamilyar na lugar and I’m wearing a white dress that full of laces and raffles. I feel like a plain lady in this dream.

I’m not supposed to be here. Parang kanina lang ay kausap ko si Ajax sa k’warto ko pero ngayon nandirito ako sa malapalaisong lugar. Natagpuan ko ang sarili ko na nasa kalagitnaan nang paglalakad sa kagubatan na ito, “I’ll never get tired walking in this kind of scenery,” saad ko dahil sobra akong humahanga sa lugar na ito. I’m enjoying catching falling leaves while continue roaming. No one around until I reached the dead end of pathway, I saw a small cabin near in the clear stream.

“Sa wakas, nagpakita kana sa akin,” isang boses ang aking narinig at agad akong lumingon sa pinanggalingan niyon. Nagtatago ang nagmamay-ari ng boses sa likod ng malaking puno. Kunot-noo ako dahil hindi rin pamilyar ang boses na iyon at dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya.

Isang imahe ng lalaki na nakasandal sa punong-kahoy ang nakita ng aking mga mata, isa siyang estranghero sa paningin ko, “Puwede kang magpahinga rito dahil alam kong malayo ang nilakbay mo,” saad ng lalaki na halatang nag-aalala ang boses. May kataasan ito, moreno, makisig at mayroong guwapong mukha. Sa tantiya ko ay nasa trenta na ang kaniyang edad. Wala siyang kahawig sa totoong mundo, singkit ang kanyang mata at mayroong matangos na ilong. Walang senyales na malungkot siya sa buhay dahil palaging nakangiti.

Tinitigan ko siya dahil nagtataka talaga ako sa pagtatagpo namin ng estrangherong lalaking ito. Nagtagpo ang mga mata namin at hindi man lang siya umiwas sa mga titig ko. Kung umasta siya ay  parang kilalang-kilala niya ako. “Magpapahinga? Ako ba ang kinakausap mo?” Sabay turo ko pa sa sarili ko.

“Oo ikaw nga, wala namang ibang tao rito kundi tayo lang dalawa,” saad niya na biglang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Natakot at kinabahan ako dahil sa nalaman ko. “Mahabang panahon akong naghintay saiyo,” dagdag niya pa. Ano bang pinagsasabi niya? Hindi ko maintindihan dahil alam kong ngayon pa lang kami nagkita. Baliw ba siya? Bakit niya ako hihintayin ng mahabang panahon? Wala akong maalala na kahit anong memorya kasama ang lalaking ito.

Perfect Two CS 1 ( Self-Published Under F&L MediaHub )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon