A j a x
They said: ‘Stop holding on to a person just because you have a history together’ then I ask them back: ‘How to move on to someone if she’s the reason why I still keep breathing?’
No. I don’t want to lost her. I don’t want to erase all of our memories in my head because I promised to her that I will love her forever. I love her and no one can replace her in my heart. I’m holding into it. I’m alive because her, I love her more than my life. Hindi ko siya puwedeng kalimutan na lang basta-basta dahil siya na lang ang dahilan kung bakit nabubuhay pa ako at nanatili akong humihinga. Paano ko siya makakalimutan kung pag-aari na niya ang puso ko noon pa man? Sa kanya rin umiikot ang mundo ko kaya mananatili lang siya sa puso ko kahit hindi na ako ang nagmamay-ari sa kanya.
I’d wake up everyday because of her. I waited her in my dreams almost every night. I know she’ll remember her promises that she will find me there. I made a stupid mistakes and I regretted it almost every seconds of my life. Hindi ko puwedeng kalimutan ang babaeng bumuo ng pagkatao ko dahil ikamamatay ko iyon. Ikakamatay ko kapag nawala siya sa puso ko. At kailangan kong pagdusahan ang masalimoot at masamang paniginip na iyon sa buhay ko.
I feel like a puppet in this house. Pagmulat ng aking mata ay balik na naman ako sa reyalidad ng buhay ko. Walang tao sa kuwarto namin ni Sette, kahit wala namang dahilan para magtrabaho ay kailangan ko pa ring bumangon at magpanggap na nabubuhay. Bumangon ako at diritso ng banyo para maligo, inayos ang sarili sa tapat ng salamin na halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Mabigat ang mga paang bumaba ng kusina para mag-almusal. Everyday was always the same. Nadatnan kong naghahain na si Sette ng almusal namin at umupo na ako sa mesa at mabilis na tinapos ang nakahaing pagkain para sa akin.
‘I wish she is Meagan,’ my mind sigh. Every morning when I wake-up, I’m desperately hoping na si Meagan ang makikita ko pero hindi. Still this nightmare.
Sinusubukan kong puntahan ang bahay at restaurant nila Meagan noon pero wala na sila doon. Lumipat agad sila ng maynila at nagtayo ng bagong restaurant. Sobrang nasaktan ko siya kaya inilayo siya sa akin ng kanyang pamilya. Last time ko siyang makita ay noong naghiwalay kami. Halos dalawang taon na ang nakalipas. Wala na akong balita tungkol sa kanya.
Two years, after force marriage and one sided love my feelings for Meagan was never change. And what happened between me and Sette was out of my plan. This is definitely ‘force marriage’ because I hate it! I don’t love Morissette and she really knows it. The only thing she had is my surname. And she’s obsessed with me that’s why she planned it all. That is selfishness.
Hindi ko man lang nakita ang sarili ko na siya ang makakasama ko habang buhay pero dahil pinagbantaan niya ako at si Meagan kapag iniwan ko si Sette ay wala na akong nagawa. I’m so stupid that time. I’m weak and immature. Kahit nahahalata ko noon si Sette na mayroong gusto sa akin ay binaliwala ko lang. Hanggat sa makagraduate ako ng kolehiyo ay todo iwas ako sa kanya. Pakiramdam ko hindi na siya iyong kaibigan ko noon na tinatakbuhan ko sa tuwing hindi ako makaporma kay Meagan. Siya ang pinagkatiwalaan ko noon sa babaeng gusto kong makamtan ngunit siya lang din pala ang sisira ng lahat.
Bago ang graduation noon ng college ay palaging nakikitulog sa bahay si Morisette at alam naman ni Meagan iyon. Kinuwento ko sa kanya ang lahat dahil iniingatan ko siya, ayokong masira ang matagal na naming iniingatang relasyon. Kaya halos sa kanya ako pumupunta sa tuwing nasa bahay si Sette. Hindi na kase nagbago ang mga magulang niya, halos araw-gabi ang pag-aaway nila, at nilalayasan ni Sette sa bahay nila.
Pero isang trahedya ang nagpahinto ng mundo ko at hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko pa rin. Pinagsisihan ko ang katangahan kong iyon sa bawat segundong dumadaan sa buhay ko. Dahil sa naaawa ako sa kaibigan ko ng gabing iyon ay napahamak ako. Ikinasal kami ni Morisette sa huwes at simula noon ay wala na akong alam sa mga nangyayari sa buhay ko. I broke up with Meagan kahit alam kong parehong guguho ang mundo namin. Kahit alam kon ikamamatay namin pareho. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko at ang relasyon namin ni Meagan dahil takot akong madamay siya sa gulong napasok ko.
Until now, I stuck in this place. I stuck with this woman, na hindi ko mahal at kahit kailan ay hindi ko kayang mahalin. Kahit anong gawin niya sa akin at hindi ko kayang ibaling sa kanya ang puso ko. Simula ng ikinasal kami ay nanatili na lang siya sa bahay na binili ng kanyang Ama. Naging mabait siya at pinagsilbihan ako pero alam niyang hindi mawawala ang galit ko sa kanya dahil hindi niya man lang ako ipinagtanggol sa mga magulang niya bilang nag-iisang kaibigan na nagmamahal sa kanya. She is really selfish, kahit alam niyang hindi ako magiging masaya sa kanya ay okay lang sa kanya basta ang mahalaga daw ay siya ang asawa ko, siya ang katabi ko at pag-aari niya ako.
Paano niya nakakayang makita akong malungkot araw-araw? Kung totoong mahal niya ako dapat sana pinakawalaan niya ako, dapat naging masaya siya para sa akin subalit hindi naman talaga pagmamahal ang nararamdaman niya kundi ang pagiging makasarili at obsession. Aware siya na si Meagan pa rin ang tinitibok ng puso ko. Paano siya nakakatulog tuwing gabi na alam niyang may nasira siyang relasyon? Kahit ngayon nagtataka ako dahil wala siyang pakialam kahit makita niya pa akong umiiyak at si Meagan ang dahilan. Ayaw niya pa rin akong isuko kahit alam niyang wala akong nararamdaman na pagmamahal sa kanya. Kahit ang titigan siya sa mata ay hindi ko magawa, kahit ang hawakan siya ay iniiwasan ko. Ayoko rin siyang kausap dahil sa tuwing magsasalita ako ay nasasaktan ko siya. Hanggang kailan siya magtitiis sa set-up naming ito? Hanggang kailan siya makikipaglaro sa sarili niyang damdamin?
“Do you remember the dreams I told you before? When we’re in highschool?” Paalis na sana ako ng mayroon akong maalala at gusto kong ikuwento sa kanya kahit hindi naman kailangan. Iniisip ko na lang na kaibigan ko pa rin siya at mayroon din siyang naitulong sa amin ni Meagan noon.
“Oo. That weird nightmares. What about it?” walang emosyong tanong niya.
“Hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang dumalaw sa panaginip ko. Her clothes was the same, rhe scenario was always the same; she’s walking in the aisle and I’m waiting for her,”
“Paulit-ulit lang? Impossibleng mangyari because you are already married,” matabang na sambit niya at kitang-kita ko ang tiim-bagang niya.
“I can’t see her face but I feel her inside me. I know she is waiting for me or she is searching for me.” Gusto kong sirain ang araw niya. Kahit iyon na lang dahil ako nga sinira niya ang buong buhay ko.
“Dreams are dreams. It will never turns into reality, just put down your hope. It is impossible and it will never be happen in this world. Fate isn’t accurate, so please stop torturing me and yourself.” Mabilis niyang nilisan ang kusina at lumabas sa bakuran pagkatapos niyang sabihin iyon.
I know she’s also suffering in pain but she’s weak to face her father. She’s weak to stand alone and she’s no one to lean on. And I can endure this situation. My life was about to end anyway, I have no dreams, no goals and nothing at all. My life was a waste since the day Meagan left. Wala na akong ibang hangad pa kundi ang mamatay na lang at sa kabilang buhay ko na lang hinhintayin ang babaeng pinakamamahal ko. Doon mayroon akong pag-asa na magkikita at makakasama ko ulit siya. Doon magiging masaya ulit ako habang siya ang katabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/235501336-288-k624115.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Two CS 1 ( Self-Published Under F&L MediaHub )
Любовные романыCATENA SERIES 1 Ajax and Meagan were a perfect couple since high school; people said they were meant for each other. Many were envious of their love story; in short, "the world was jealous when they were together." But they broke up for unknown reas...