Chapter 3 ~break-up~

677 123 19
                                    



Meagan Medrano

I’m so lucky to have them. My friends. Mabuti na lang nakita nila si Ajax na may kinakausap na ibang babae. Dahil kung hindi nila nakita baka patuloy niya lang akong lulukuhin. Lahat sila supportive at protective sa bawat isa. Kahit ako ayokong nakikita na nasasaktan ang mga kaibigan ko.

Aurry Keith Fabion was silent type of person, minsan sa sobrang tahimik niya ay hindi na namin napapansin na kasama namin siya. Nakaupo siya sa pinakagilid na upuan sa may bintana at minsan tulala, minsan nakatitig sa orasan sa unahan. Nagmamadaling umuwi sa bahay nila. Siya ang laging nauuna sa tuwing uwian na. Pakiramdam ko may tinatago siyang sekreto, hindi ko lang sigurado kung family issue--kaya naghihintay lang kami na lumapit siya sa amin para sabihin kung ano mang pinagdadaanan niya.

Si Lainerry Escamilla ang galante naming kaibigan, she is rich but not obvious because she is so humble. Dapat sa private siya nag-aaral kasu tinanggihan niya ang mga magulang niya dahil ayaw niya ng marangyang buhay. She had everything, may hatid-sundo siyang sasakyan pero naiinis siya dahil gusto niyang mag-commute lang. Ang gusto niya lang ay kalayaan at maging masaya bilang isang normal na estudyante. Mabuti na lang mayroon siyang Kuya na palaging nagtatanggol sa kanya at iniisip palagi ang kanyang karapatan at kasiyahan. Minsan na naming nakilala si Kuya Lander at sobrang bait kahit nakakaangat sila sa buhay.

Siya naman ang pinakamataray naming kaibigan, si Janella Contessa. Siya ang over protective at mabait. Medyo malihim rin siya dahil napapansin palagi naming nagtitigan sila ni Lorence Earl Morales, ang classmate naming kaibigan rin ni Ajax. Hindi namin alam kung anong mayroon sa kanilang dalawa pero kung ano man iyon ay malalaman din namin agad dahil bawal ang sekreto sa aming magkakaibigan. Nasabi niya sa amin na sobrang taas ng pangarap niya at uunahin niyang matupad iyon bago siya magboyfriend kaya hindi namin alam kung may something na ba sa kanila ni Earl.

Lavelle Dela mare was a kind of girl who enjoying to be alone with natures. Simpleng buhay lang ang gusto niya kasama ang kanyang Mama na mag-isang bumubuhay sa kanilang magkakapatid. Mas gusto niya pang sa kabayo sumakay kesa sa kotse. Kung tutuusin ay may kaya sila sa buhay dahil malawak ang kanilang hacienda at farms. May mga alagang mga hayop at tatlong pamilya ang nag-aasikaso ng malawak nilang lupain na iniwan sa kanila ng namayapang Amerikanong Ama. Half American si Lavelle kaya maganda ang mukha niya at matangos ang ilong. She’s always the muse.

Lahat kami ay may kanya-kanyang buhay pero nagkakasundo kami at nangakong walang iwanan kahit kailan. Tulad ng nangyari ng nakaraang araw. Hindi nila ako iniwan at pinabayaan.

“Meagan ayaw mo sumama?” tanong ni Keith habang nakayuko ako sa armchair. Pupunta sila sa labas ng campus at doon bibili ng meryenda.

“Hindi muna, kayo na lang dahil masama talaga ang pakiramdam ko,” sagot ko.

“May ipapabili ka? Ano gusto mo kainin? Bibili na rin kami ng gamot mo,” si Lance naman. Magtatanong pa e' kahit naman wala akong ipapabili ay kung anu-ano ang bibilhin niya. “Wala po,” mahinang saad ko.

Gusto ko lang manatili sa upuan ko dahil naiinis kase ako kay Ajax! Ayoko ipahalata sa kanila dahil aawayin na naman nila. Nakita ko na naman kase na may lumalanding babae sa kanya noong papasok siya sa gate at nakita kong nginitian ni Ajax ang babae. Hindi ko nakilala ang babae dahil tumalikod agad ako.

“Meagan!” ilang segundo lang ang nakalipas at nakabalik agad sila. Niyuyugyog ni Najella ang balikat ko na mukhang emergency kaya iniangat ko na ang ulo ko. Hindi niya kasama sila Lance at Keith, pero si Abby ay nasa likod niya na mukhang may gustong sabihin.

“Oh bakit? Anong nangyari? Nasaan ang dalawa?” kinabahan naman ako sa kilos ni Jella.

“Tumayo ka d’yan, dalian mo!. May pupuntahan tayo.” Hindi na ako makatanggi dahil hatak-hatak na ako ni Najella palabas ng classroom. Sabog ang buhok ko kaya pilit inaayos ng isang kamay ko. “Teka naman, madapa tayo. Ano ba kaseng nangyayari?” reklamo ko at sabay tanong sa dalawa na walang imikan. Kinaladkad lang ako sa kung saan.

Perfect Two CS 1 ( Self-Published Under F&L MediaHub )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon