Chapter 8

54 28 0
                                    

Tumagal ng two hours ang discussion ni Sir. Hindi pa talaga umpisa ng lessons pero inanunsyo niya lang ang mga kailangan namin gawin para sa taon na ito.

"That's all for today class! Wait for your next teacher!" Sambit ng adviser namin.

Busangot pa rin ang mukha ko nang lumabas sa classroom ang adviser namin.

"Hoy, Letizia! Ano yang mukha na yan? Problema mo? Kulang nalang sumubsob na yang bibig mo sa sahig."

Hindi ako nakasagot sa kanya kaya binatukan niya ako.

"What the fuck? Ano ba Estella!" Sigaw ko.

"Lumilipad na naman utak mo. Tinatanong kita kung bakit ganyan ang hitsura mo."

"Ah...eh kasi"

"Eh kasi ano? Umurong na ba dila mo?Natameme ka na?"

I rolled my eyes and shook my head, "Shut up! Dadating daw ba next teacher natin?"

"Huwag pa muna sana. First day of school pa lang at gusto na nila tayo agad mag-aral? Jusko! Mauubos agad ang brain cells ko neto."

"Arte mo. Dami reklamo."

"Hindi dadating next teacher natin guys! May emergency meeting raw sila sa faculty." Sigaw ng isang classmate ko.

"Yes! Tamang tama at hindi pa ready makipag-bakbakan ang utak ko sa araw na 'to." Untag ni Stella.

"Punta muna tayo ng Lib? You want?"

"Ha? Library? Anong gagawin natin doon?"

"Use your fucking head! Ano ba ang ginagawa sa Library? Kumakain? Nakikipag-landian? Hindi di ba? Mag-aaral tayo. We'll do advance reading."

"Gosh, Letizia! Kakasabi ko lang na hindi pa ready makipag-bakbakan ang utak ko tapos sa yayayain mo ako magpunta sa library? At ano? Mag-aaral na agad? Ayaw ko pa. Time-out muna ako."

Tinignan ko siya sa mukha ng may halong kaonting galit at irita sa galing sa aking mata.

Ngunit mas lalo lang akong nairita ng kinalabit ako ni Lennox pero hindi ko siya pinansin.

Kinalabit niya ulit ako ng dalawang beses.

"Hoy pansinin mo nga yung bago nating classmate! Napakasungit mo talaga. Red days, Blair? Ha?"

Sinulyapan ko si Lennox sa likod.

"Hi.. uhmm...well. Since wala pa naman tayong teacher pwede mo ba akong samahan sa..uhm.. cafeteria? Ang ingay kasi dito sa room. You're....Ikaw lang kasi ang kilala ko dito...You know...Is it okay?" Napalunok siya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Right! Blair rin pala name mo noh? Same kayo ng pinsan ko...ehem...I mean oo naman Blair sasamahan ka namin." She said while laughing.

Pinandilatan ko ng mata si Estella.

"But...wait! Magkakilala kayo, B?"

"Ah...eh...Uhm—Ano, we saw each other sa cemetery and sa cafeteria noong enrollment natin." Medyo nanginginig pa ang boses ko.

Wait! Why am I nervous? Why am I stuttering?

Tinitigan ako ni Estella na may mapang-asar na mukha. I nodded and looked away.

"Ah....Ganon ba? Ang galing naman. Same name, same school at mag-classmate pa kayo. It looks like destiny is trying to—"

Kinurot ko ang tagiliran niya para manahimik siya.

Sweet Scent of Success (Horizon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon