Balisa ako nang bumaba galing sa aking kwarto. Nagluto si Mommy ng eggs, bacon at hotdog para sa agahan. Napagdesisyunan kong sabihin ngayong umaga kay Mommy ang plano ko sa kaso ni Daddy.
"Uh.. Mommy, I have something to tell you. I — I don't know if you'll agree with me but I just want to say na uhmm... Ano... Mommy... Would you...—"
"Ano ba 'yon Letizia? Spill it."
"I would like to re-open Dad's case." I nervously said.
Nanlaki ang mata niya.
"Ano? B....Bakit pa?"
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Mommy, parang may mali eh. Nararamdaman ko na hindi naaksidente si Daddy...na...may ibang dahilan ang pagkamatay niya."
"Ano bang sinasabi mo Letizia? Ha? Ang imbestigador na mismo ang nagsabi na car accident ang ikanamatay ng ama mo."
Umiling ako agad.
"I—I don't know. I know that their is something wrong about their investigation. It feels like there's a loophole. Mom...please."
"Anak, please naman. Sinusubukan kong bumangon muli para sa inyo ni Xavier dahil mahal na mahal ko kayo. Kapag ginawa natin 'to babalik lahat sa akin ang sakit. Babalik ulit sa lahat ang dati. I hate getting flashbacks from the things I don't wanna remember. Tama na...patay na ang Daddy mo. Tanggapin na natin 'yon anak. Huwag mo na pahirapan ang sarili mo." Diretsong sabi niya at pinunasan ang luha na tumulo sa kanyang pisngi.
Nataranta ako ng nakita ko ang luha ni Mommy. Her tears are my weakness. Ayokong nakikita siyang umiiyak. Ayokong nakikita siyang nasasaktan.
Masasaktan siya sa gagawin ko pero paano si Dad? Alam ko na may kulang eh. Alam ko na hindi 'yon ang totoo.
"Okay, Mom. Okay, please stop crying. I'm sorry. I shouldn't have said that."
Niyakap ko siya ng mahigpit.
I love my Mommy so much. She's a gift from God. I don't wanna see her again in so much pain. Pero kailangan ko rin makasiguro na car accident nga ang nangyari kay Daddy. Magpapatulong na lang ako nay Estella. We will find out what really happened. Sana pumayag siya. Siya lang ang makakatulong sakin. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko ng lubusan.
"Alright, Mommy. I'll go ahead! Baka malate pa ako sa school." Hinalikan ko ang pisngi niya at tumakbo na palabas ng bahay.
Hinatid ulit ako ng driver namin sa school. Nasa classroom na ako pero nagtaka ako ng wala pa si Estella. Five minutes na lang at dadating na ang adviser namin.
Pansin ko rin na wala pa si Lennox. Late kaya siya? Bakit? Baka naligaw na 'yon hindi pa naman niya kabisado ang daan papunta dito.
Teka bakit ako concern sa kanya eh sinabihan niya ako ng masasakit na salita kahapon. Galit ako sa kanya di ba? Oo galit ako.
Lumipas ang fifteen minutes at hindi pa rin dumarating si Stella. Nasaan na ba 'yon?
I tried to call her phone pero walang sumasagot. I called her twice but still no response.
Nagsimula nang mag-discuss ang adviser namin ng biglang dumating si Estella. She looks like a mess. Magulo ang kanyang buhok at maputla ang mukha.
"Sorry, sir late po ako. Late lang po nagising." Sabi niya at yumuko.
"Hay nako Ms. Abellana umpisa pa lang ng school year at late ka na agad. Sige na dumiretso ka na sa upuan mo." Saad ni sir.

BINABASA MO ANG
Sweet Scent of Success (Horizon Series #1)
RomanceLetizia Blair Abellana is a picture of a perfect girl. She has everything. She has the world. But when her father died, her light and perfect world became dark and broken until she met Lennox Blair Montañez. Will he be able to sweep all the darkness...