C H A P T E R 1: "You're blockin' the way, miss"

89 4 0
                                    

Chaerin's POV:

Tandang tanda ko padin ang unang araw na may makilala akong lalakeng may pangalang Torvas.

at ang araw na yun? yun na din ata yung huling araw na naging matino ang takbo ng buhay ko!

so eto na nga..
April 20 2020. around 8pm. pauwi na ko galing sa pinag papart time-an ko sa isang coffee shop dito sa Evansville, indiana, USA.

bago makarating sa inuupahan kong apartment, mahaba muna yung nilalakad ko.

nagkataon na nung gabing yun, pagod na pagod na ako at gusto ko na makauwi agad kaya naisipan ko na mag shortcut sa isang eskinitang nadaanan ko

yung eskinitang yun napapagitnaan ng dalawang matataas na building na sa tingin ko mga apartment din na matagal ng nakatayo dun. luma na kasi ang mga yun at mga nagtatanggalan na yung ibang parte ng pintura kaya ko nasabing luma na.

actually, matagal ko nang alam na merong shortcut dun pero first time kong dadaan dun ng gabing yun dahil sa tindi ng pagod na nararamdaman ko.

lagi akong nag oovertime. kaya madalas akong umuuwing pagod.

wala na nga halos akong oras para sa sarili ko minsan. nasa magandang state ako ng indiana, maraming pwedeng pasyalan, maraming pwedeng maka date at maging boyfriend or maging kaibigan pero dahil ako nalang mag isa, ako nalang sumusustento para sa sarili ko, kailangan ko unahing kumayod. kailangan kong maka survive dito.

kahit naman nung nasa pilipinas ako, ako lang mag isa. 19 lang ako nung naulila ako ng lubusan. namatay sa car crash ang tatay ko. ang nanay ko naman, limang buwan palang ako nung iwanan na nya kami ng tatay. ayoko ng isipin pa yun, pinipilit kong ibaon na sa limot yung ginawa ng nanay samin, para hindi ko maramdamang sa mundo ko, ako nalang talaga mag isa. pero, ewan ko ba. bakit sa tuwing naglalakad ako gabi gabi pauwi galing sa trabaho naaalala ko pa yung malungkot na pangyayaring yun. kaya madalas tuloy akong nalulungkot eh.

kung tatanungin nyo ako kung nakakalungkot bang mamuhay mag isa sa states?
Oo. 110 percent.

nakakalungkot mag isa. pero sa buong 7 years kong nabuhay ng ganito, unti unti na din naman akong nasasanay.

minadali ko na yung paglalakad ko. napaka lamig na ng paligid ng mga oras na yun. nakakapagtaka dahil hindi naman winter pero bigla nalang lumamig yung simoy ng hangin.

konting lakad pa bago ako makarating sa street ko ng bigla nalang may umultaw na lalaki sa bandang dulo ng eskinita, susuray suray.

"AY KABAYO KALABAW!" naisigaw ko sabay napa takip sa bibig ko. umalingawngaw yung tili ko sa buong eskinita.

muntik na nga akong mapatalon sa gulat kasi bigla bigla nalang yung pagsulpot nya eh.

mukhang lasing na lasing yung lalaking yun kaya siguro ganun maglakad. nagewang gewang at napapakapit sa mga pader na pumapagitan sa maliit na eskinitang yun.

nagulat lang talaga ako sa biglaang pagsulpot nya kasi sino ba namang hindi?! kaya nga medyo natigilan tuloy ako. parang napako yung paa ko bigla sa kinatatayuan ko. hindi ako nakagalaw.

sumuray suray sya ng lakad papalapit sakin. medyo napaatras ako ng lakad at napalunok sa kaba. my eyes are stucked to him at yung dibdib ko sobrang lakas ng kabog. hindi ko alam kung pati ba sya narinig yung lakas ng pagtibok ng puso ko sa kaba lalo na nung nasa harapan ko na sya.

ibinaba nya yung tingin nya sakin at sinalubong yung mga tingin ko.

I tried to stood still while looking at the man infront of me.

"you're blockin' the way, miss.."

he said, in a whisper. dahil ang lapit nya sakin, naamoy ko yung naghalong alak at kung anong mabangong amoy sa hininga nya.

That man named TorvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon