C H A P T E R 12: Make it with you

38 2 0
                                    

CHAERIN's POV:

"NOW CHAERIN.. CHOOSE!"

kanina ko pa din talaga tinatanong sa sarili ko yang bagay na yan eh.

parehas silang nakahawak sa magkabilaang braso ko. humahangos sila at napapagitnaan nila ako. habang magkatama yung mga mata nilang parehas nagliliyab sa galit sa isat isa. jusko.. bakit naman humantong na sa ganito? gulong gulo na ko sa mga nangyayari.

una..
ang pagsulpot nitong asawa ko na nakahawak sa kanang braso ko na may matinding pasabog. sa loob ng dalawang linggong hindi namin pagkikita ngayon ay naging gangster na sya na tinatawag nilang SPAIN. gusto ko na ngang magmura sa sobrang pagkalito ko sa mga pasabog nya eh.  he said he's here for me. he came for me.

seryoso? ganito ba sya makipag ayos sakin? dudukutin nya ako? GAWAING KRIMINAL 'TO AH?! TALAGA NAMANG WALANGHIYA SYA! ANONG AKALA NYA SAAKIN? mas lalo lang syang nagmukhang walang  puso, atay at balunbalunan nyan specially w/ that signature look he's always wearing. his bored 'I dont care' face. and with his new look.. mas lalong nagmukhang nakakatakot ang asawa ko. mas lalo syang nagmukhang halimaw.

gwapong halimaw.

at pangalawa.. etong si cole na umamin ng feelings nya saakin kanina.. at nakahawak naman sa kanang braso ko.

habang may tama ng bala sa balikat. until now, nasa isip ko parin lahat ng mga sinabi nya sakin kanina. aagawin nya daw ako kay torvas.. at itatrato ng tama taliwas sa maling pagtrato sakin nito.

GULONG GULO AKO.

pa suggest suggest pa ko kay kyle na magpapagitna ako at titigilan sila. pero eto ko oh. nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawang to. kanina pa walang humpay ang kabang nararamdaman ko simula mag umpisa 'tong pag papang abot nila at natatakot ako sa pwedeng magawa nila para sa isa't isa. lalo na nitong si torvas. kahit matindi ang pagtatampong namamahay sa dibdib ko para sakanya, gustong gusto ko parin syang lapitan at pakalmahin sya dahil alam naman nating lahat na hindi nya nakokontrol palagi sarili nya..lalo na pag galit na galit sya. pero hindi ako makagalaw dito sa gitna nilang dalawa. hawak hawak nila ko sa magkabila kong kamay.

JUSKO. anong gagawin ko?

"ANO CHAERIN MAMILI KANA SAMING DALAWA TANGINA!" singhal saakin ni torvas paraan para mataranta nanaman ako.

"a..ano ba kayo?! bakit ba ayaw nyong tumigil?"

halos mapapiyok na ko sa tugon kong yan. umalingawngaw sa park yung boses ko.

"HINDI AKO TITIGIL HANGGAT DI MAPAPAHIYA SAKEN YANG PUTANGINANG LALAKENG YAN!"
dagdag pa ni torvas habang nang gigigel parin na nakatingin kay cole.

cole rolled his eyes on him and smirk.
"WAG MO KONG MANGITI NGITIAN TANGA. NAMUMURO KANA SAKIN!"

binabantaan nanaman nya si cole. kaya eto nanaman ako halos di mapakali. baka kung ano nanamang gawin nya dito.

"tama na kasi torvas.. cole? ano ba tama na..PLEASE LANG!"

nakaka ilang 'tama na' ba ako? walang nakikinig sakin talaga. akala mo mga bata tong dalawang tong may laruang pinag aagawan. ganyan na ganyan pakiramdam ko ngayon. naiinis na din talaga ako!

"ipinagmamalaki mo sakin kaninang ikaw ang mahal ni chaerin. na ikaw asawa ni chaerin.. tangina paano? bakit? sa ugaling meron ka sino nga ba namang hindi makukunsumisyon sayo?"

hindi naman kasi nahinto tong si cole sa mga salitaang ganyan eh! ayaw na ayaw ni torvas na pinagsasalitaan sya ng ganyan! lalong lalo na yung maapakan yung ego nya. paniguradong mayayari sakanya; si cole, ayaw talaga nyang huminto! dyos ko naman.. ang tapang tapang parin talaga nya! he's still chill yet determined. Ilang beses naba syang nasuntok non ni torvas ng dahil saakin? iyon yung unang beses sa bar. pero hindi sya gumanti dito. siguro nagtitimpi lang sya noon dito. pero ngayon, cole looks different from the first time I met him. he became much tougher.. mas determinado sa pinaglalaban nya ngayon..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That man named TorvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon