CHAERIN's POV:
Hindi nga ako nagkakamali!
nung araw ding yun, nawalan ako ng trabaho.
nakiusap ako ng husto kaso hindi talaga nila ako pinakinggan. sobrang dami ng customer ng araw na yun tapos wala ako. samantalang kokonti yung crew ng shop. so sino ba naman talagang hindi masisisante?kung hindi sana nangyari lahat ng to hindi ako mawawalan ng trabaho eh! magtatatlong araw na kong paikot ikot para maghanap ng panibagong trabaho. para makasurvive!
kaso wala pa kong natatanggap na emails at calls para sa interview.
kasalanan ko to lahat.napapaiyak nalang ako. paano na ako nito?
at kung kelan naman ako nawalan ng trabaho, saka naman
nagsidatingan itong mgs bills ko ng kuryente, ng internet at ng water bills at ilang araw nalang kailangan ko na din magbayad ng upa ko dito sa apartment ko. nakakainis!
patay na talaga ako nito."tanggapin mo na kasi yung offer ni torvas para masolve na yang problema mo!"
minsa'y sabi ni zendee sakin, nung magkita kaming dalawa at mag chill sa bahay ko. stressed ako sobra at sobrang kailangan ko ng beer at nitong bestfriend kong si zendee."ayoko nga sinabi, zen.. ilang ulit ko ba sasabihin yan? ayoko manloko ng tao."
sagot ko sabay inom sa beer na hawak ko. pangatlong bote ko na yun pero di ko alam bat di man lang ako tinatamaan. ni hindi din ako nahihilo. mahina ako sa beer, pero dala na siguro ng stress ko to. pag stress ako, hindi ako nalalasing agad. Good thing right? makakarami kami nito ni zendee.
pero ano nga bang good thing sa nawalan ng trabaho at broke na katulad ko?
"ang arte mo talaga chae bahala ka nga, sige nga, pano kana nyan?"
nagkibit balikat ako, "gagamitin ko nalang siguro muna yung ipon ko.."
nakita ko ang pag iling ni zendee. bakit ba kasi gustong gusto nya si torvas para sakin?
"sana talaga kase ako nalang ikaw eh, nako pag sakin nangyari yan matik wala pang tinatanong si torvas na kung pwede ba nya kong maging instant fiancé nako chaerin O-oo na ko agad talaga!"
napailing iling ako at napabuntong hininga. hindi naman kasi nya nakita kung anong ugali meron yung torvas na yun kaya di nya ko maiintindihan kung bakit ayoko. natatawa nalang talaga sya sakin. pero i missed her alot. kung di pa ata mangyayari to at kung di pa ako matatanggal sa trabaho ko, di pa kami magkakaroon ng chance magkita, at masaya ako ngayon. kasi kasama ko sya ulit.
"Ano bang ginusto nila dun at sobrang obsessed sila sa torvas na yun? alam ba nilang napaka suplado at napaka sungit non? ang sama sama ng ugali nun no!"
umiling iling si zendee, at tinapik ako sa balikat paraan para matawa ako ng bahagya. walangya lasing na ata to ah.
"Chae, tanginamo naman bulag kaba?"
natawa nalang ako. hayst okay sige. alam ko. okay? oo alam ko!
alam kong magandang lalaki si torvas, sikat, gwapo. hot. family oriented. may perpektong pamilya. lahat na nga ata nasakanya na.pero ang sama ng ugali nya.
"hindi mo ba sya tinitigan? torvas is a guy heather!"
"h..ha? ako tititig? hoy hindi ah! kahit ano pang itsura nyan bat ko sya tititigan?! wag mo kong matulad tulad sa ibang babaeng nahuhumaling sakanya kasi hindi. nakakainis sya! "
"sus!! totoo? mamatay? wag ako!"
"Okay sige, sabihin na nga nating ano, oo okay. oo napapatingin ako, pero onti lang. ONTI LANG!"
BINABASA MO ANG
That man named Torvas
RomancePara kay chaerin, ang pag punta nya sa amerika ang biggest achievement nya sa buhay nya. wala syang ibang goal sa mga oras na yun kundi mag focus sa pag tatrabaho nya para makaipon at maka survive mag-isa. okay naman ang lahat not until that man nam...