C H A P T E R 5: Being inlove with you seems like a really bad idea

47 1 0
                                    

Chaerin's POV:

It's been weeks since bumalik na si torvas sa trabaho nya. medyo nakasanayan ko na ngang bumangon ng maaga para mag asikaso sakanya tuwing umaga eh. hindi din naman kasi mahirap sakin magising ng 7am ng umaga kase nasanay ako noon bumangon ng mas maaga pa dun nung nagtatrabaho pa ko sa coffee shop.

ang nahihirapan lang naman sa paggising ng ganun ka aga eh yung lalakeng nakadapa sa kama ngayon, humihilik pa habang balot na balot ng comforter.

napamewang ako, ilang linggo na kong hirap sa tuwing gigisingin ko sya! kung hindi sya maninigaw, magagalit naman sya. hanggang pag bangon nya at makaalis hindi ko na magagawang maiayos pa yung mood nya. PAMBIHIRA LANG DIBA!?

NAKAKAINIS!

mag aalas otso na. kailangan ko na talagang gawin to!

ginising ko sya sa pamamagitan ng pagtapik sa balikat nya. "hindi kapaba babangon?"

"tsk!" naiinis nyang sabi, umungot
at nagbago ng pwesto ng higa. NANG PADABOG.

"hayst!" naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko. eto nanaman sya eh!

"TORVAS BANGON NA KASI!"

"GUMISING KANA PAOLO!"

"ANO BA TORVAS TAS AKO NANAMAN SISISIHIN MO PAG NALATE KA!"

"HUY ANO BAAAA!!!"

"HIRAP MO NAMANG GISINGIN BWISET KA!"

"HALA MAY MGA ALIEN SA LABAS! PAOLO BANGON!!"

Lahat na ata ng pagtawag at paggising ginawa ko na, pero matigas talaga ang isang to, ako nalang talaga susuko eh! napakahirap gisingin! bwiset bahala nga sya!

bumaba nalang ako at dumiretso sa kitchen.
nagpakabusy nalang ako sa pag aasikaso ng breakfast namin.

nagluto ako ng fried rice, fried eggs, bacons. kape at orange juice.

nope, hindi ko ugaling magsabay ng malamig at mainit sa umaga. but torvas does. kaya may orange juice at kape.

kumpara sa dati kong apartment, mas madali kumilos sa apartment nya.

kumpleto, malaki, maluwag at maganda. everything is aesthetically good and on mood.

and speaking of my apartment, pagkauwi namin galing sa beach resort, binitawan ko na yun saka lumipat dito. na naaayon sa usapan naming dalawa.

sinilip ko simula sa bintana ng kitchen na yun ang dati kong apartment na nasa tapat na kalye lang, hindi ko maiwasang hindi mamiss yung dati.
yung panahong sa coffee shop lang umiikot yung buhay ko. at kay zendee.
yung mga panahong pag iipon lang ang ginagawa ko sa buhay at pag iisip paano ako makakasurvive ng mag isa. nakakamiss lang.

mag dadalawang buwan na din pala halos simula makasama ko si torvas, at aaminin kong mas lalo akong nahirapan. pero kahit mahirap, nandun parin yung saya ko, kasi kasama ko sya.

at habang magkasama kami, mas lalo lang din akong nasasanay sakanya.

nandyan yung minsan ginagabi na sya ng paguwi galing sa trabaho. minsan naman maaga, minsan naman lalabas sya para mag gym, or makipag hang out sa mga kaibigan nya.

pero kadalasan, nandito lang sya sa bahay pagtapos ng trabaho nya. dito din sila ng mga kaibigan nya mag iinuman at mag hahang out. and  hindi pwedeng hindi naman ako sasali sakanila, kasi nagagalit si torvas, gusto daw nya na kahit papaano, nakaka get along ako sa mga bestfriends nya, some of them are nice, pero may ibang nakaka offend at makulit minsan, or nakakainis.

at sa relasyon naming dalawa?

ganun padin. madalas parin kaming nagkakapikunan. pero magbabati din bago matapos yung araw. tampuhan lang naman kasi yun madalas--mga bagay na hindi mawawala saming dalawa. sa buhay mag asawa. at lalo na sa ganung klaseng asawa.

That man named TorvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon