Dalawang araw ng hindi umuuwi si torvas.
dalawang araw na din na nandito si zendee, pagka alis ni torvas nung araw na nalaman nya na yung patungkol sa pakikipagkita ko kay radj, sya namang pagpunta nya dito.
kinwento nya din saakin yung nangyari sa convenient store. nung makita nya palang si torvas na puro sugat sa mukha, nag alala na sya agad saming dalawa kaya naman pag ka alis palang nito, sumunod na sya agad.kinwento nya din kung gaano nagalit si torvas nung araw na yun, halos magwala na to sa convenient store at hinabol pa ng mga pulis sa parking lot.
nagpaliwanag ako kay zendee.
nung una, nagalit sya sakin.
dahil binanggit ko na din sakanya yung pambablack mail sakin ni radj.
lahat ng nangyari..hindi daw dapat ako nagpadala sa takot, at dapat lang na sinabi ko kay torvas agad lahat ng tungkol dun para mapa blotter agad namin sa mga pulis si radj.
as simple as that. pero hindi ko nagawa yun.wala na eh. masyado akong nagpadala sa takot ko. si torvas lang ang inisip ko nun. at ayokong may masamang mangyari sakanya ng dahil saakin.
nadala lang ako ng takot at pag aalala.
"Dapat sa radj alvarado na yan pinakukulong na! krimen na yung ginagawa nya chaerin! DAPAT LANG TALAGA NA HINDI MO PINIGILAN SI TORVAS SA GUSTO NYANG GAWIN KAY RADJ. LALAKE YUN EH. KAYA NYA YUN! ASAWA MO PABA?"
nung araw na yun ay sabi ni zendee sakin, habang ako naman tong nakayakap lang sakanya at iyak ng iyak.
"kahit na zen.. ayokong masaktan si torvas.." hagulgol ko. narinig kong napabuntong hininga si zendee.
"kahit mas malakas pa si torvas sakanya, kilala ko si radj. hindi sya lalaban ng patas" dagdag ko pa.
buti nalang at laging nandito para sakin si zendee. buti nalang din hindi sya sakin nagalit. imbes nandito pa nga sya oh, dinadamayan nya ako. kung wala sya, baka kung mapano na ako dito.
sya nag asikaso sakin ng buong araw na yun, sya nagluto ng makakain namin, at ini cold compress nya din itong pisngi ko, maga padin yun pagtapos masampal ni torvas. at ilang mga pasa sa braso ko.para sakin, masyado ng matagal yung 2 days. hindi ko na alam ano pang kailangan kong gawing pagmamaka awa sakanya para bumalik lang sya dito. para makipag ayos sya sakin. hindi ko alam kung nasaan sya ngayon at ano nabang nangyayari. nag aalala na ako.
wala akong nagawa kundi magmukmok at umiyak kay zendee.
"baka naman na kina kyle lang?"
tanong sakin ni zendee, habang hinahagod yung likod ko, walang tigil padin ako nun sa kakaiyak."diba nga sabi mo dun lang naman lagi yun nagpupunta? lalo na kapag magka away kayo?"
Baka nga nandun lang.. sana nga. pero paano ko makakasigurado? hindi din naman ako nirereplayan ni kyle sa IG eh. mukhang galit na din ata yun sakin..
hindi ko na alam.
"Galit lang siguro talaga yung tao, chae. ikaw na nagsabing may anger issues si torvas, sa sobrang galit at selos nya kaya nya siguro nasabi yung divorce. wag kanalang muna mag isip ng hindi maganda, tama nga yung di muna kayo magkita sa ngayon para makapag isip isip kayo eh. hayaan mo nalang muna sya..sinasabi ko to para kumalma ka ha. hindi dahil tinotolerate ko sya sa ginawa nya. mali pa ding umalis sya. mali parin ginawa nya, so pabayaan mo muna sya. baka nag iisip isip yan"
sa dalawang araw na wala sya dito, nagpapasalamat din ako kasi maiging hindi pa ulit naiisipan ng pamilya nyang bumisita dito. dahil kung nagkataon, malalaman pa nila tong pag aaway namin na 'to. mahirap na..
BINABASA MO ANG
That man named Torvas
RomancePara kay chaerin, ang pag punta nya sa amerika ang biggest achievement nya sa buhay nya. wala syang ibang goal sa mga oras na yun kundi mag focus sa pag tatrabaho nya para makaipon at maka survive mag-isa. okay naman ang lahat not until that man nam...