Kabanata 17

169 8 1
                                    

Kabanata 17

In the Dark





“G-good Evening po M-Ma’am,” bati ko kay Tita Terry nang makapasok kami ni Lysander sa kanilang bahay.

Saglit kong inilibot ang paningin sa paligid ng bahay nila. Simple lang ang kabuuan no’n at hindi marangyang tignan.

May ikalawang palapag ang bahay nina Lysander. Nakaupo kami ngayon sa sala at may divider sa harapan namin, iyon ang naghahati sa sala at kusina nila.

Ngayon lamang kasi ako nakarating sa bahay nila dahil nahihiya akong pumunta kapag niyayaya niya ako.

Ngayon ko lang din nakilala ang Mama niya at talagang nakakahiya dahil matagal na pala niyang alam na nililigawan ako ni Lysander dati pero ngayon lang niya ako nakita.

“I heard na nag-away daw kayo ng Mother mo?” tanong niya. napakagat ako sa ibabang labi at napatingin kay Lysander na umupo sa tabi ko galing sa kusina.

Tumango ako, “O-opo,” sabi ko. Tumango lang siya at tinitigan lang ako.

“Ang ganda mo Hija, natural na natural ‘yang kulay mo. napakaswerte naman ng anak ko at sinagot mo siya?” natatawa niyang tanong. Ang kaba na kanina ko nararamdaman ay unti-unting nawawala habang nag-uusap kami ni Tita.

Alam ko mas lalong magagalit si Mama dahil sa ginawa ko. alam ko naman na hindi na nila ako kailangan sa bahay dahil mas masaya sila na wala ako doon.

Kayang kaya naman nang punan ni Michelle ang mga pagkukulang ko sa kanila. Halata naman na kapag nando’n ako, ako parati ang napagagalitan kahit wala naman akong ginagawang hindi maganda.

Lagi na lang si MIichelle, lagi na lang siya ang nakikita ni Mama. Hindi naman niya tunay na anak iyon pero kung alagaan niya ito, parang ako pa iyong anak ni papa sa una niyang nobya.

“P-pasensya na po at dito ako dumiretso, sorry po kung ngayon lang ako nagpakita,” sabi ko sa kaniya.

“Naku hija, wala iyon. Matagal na kitang gustong makita at sinasabi sa akin palagi nitong anak ko na nahihiya ka daw kaya sabi ko naman na baka hindi pa iyon ang tamang pagkakataon para makita kita.” Nilingon niya ang anak at bumaling sa akin.

“Who is she Mom?” sabay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Galing sa ikalawang palapag iyon at nakita ko ang isang batang babae na mukhang nagising galing sa pagkakatulog. Bukas ang pinto ng sa tingin ko’y kwarto niya.

Doon kasi siya nanggaling.

“Ay pasensya ka na, nagising si Apple,” sabi ni Tita at mabilis na tumayo upang puntahan ang bata.

“Kapatid mo?” may kung anong saya na yumakap sa puso ko nang tanungin ko si Lysander. Ngumiti siya bilang sagot at binalik ang tingin sa kapatid niyang ngayon ay buhat buhat na ni Tita.

“Hello! What’s your name?” tanong ko sa kaniya nang makababa na sila.

“Are you my Kuya’s Girlfriend?” napanganga ako nang marinig ang tanong niya sa akin. Pero hindi nagtagal ay natawa ako habang tumatango tango sa kaniya.

Kandong siya ni Tita habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi katulad ni Lysander, bahagyang singkit ang kapatid niya. Maputi at mahaba ang kaniyang buhok.

“What’s your name baby girl?” ngiting tanong ko.

“Apple,” sagot niya sa maliit na boses. Natawa ako at gusto kong pisilin ang magkabilang pisngi niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil baka magalit siya.

“Anak, tulungan mo na si Mia na ayusing ang gamit niya sa guestroom, patutulugin ko lang ulit ‘tong kapatid mo,” sabi ni Tita kay Lysander.

“Pahinga na kayo Anak,” aniya. Tumango lang ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa makarating sila sa second floor ng bahay.

Luminous Fall✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon