Kabanata 18

161 8 1
                                    

Kabanata 18

Picture





“Malamang pagagalitan ka nanaman ni Tita, Mia.” Nilingon ko si Lysander. Kaharap ko siya at kumakain kami ng almusal.

Nauna nang kumain sina Tita at si Apple kanina at ngayon ay nasa kwarto sila dahil gusto raw maglaro ng kapatid niya.

“Ayos lang,” sagot ko. Wala na akong pakialam kahit pagalitan niya ulit ako. Sana din naisip niya na nasasaktan rin naman ako sa mga napapansin na pagbabago sa bahay.

Kagabi kasi, matapos nang pag-uusap namin ni mama at mabilis kong nilagay sa bag ko ang ilan sa mga damit ko. Tinawagan ko siya kaya mabilis akong nakaalis ng bahay nang walang nakakapansin.

“Mia…” kumunot ang noo ko. Alam ko ang tono ng boses niyang iyon. Heto nanaman tayo. Alam ko rin naman na nag-aalala siya sa akin pero ano pang saysay? Nangyari na eh. Nakaalis na ako sa bahay so ano pa bang ipag-aalala niya.

“Oh? Umagang umaga may bisita ka Lysander?” natigil ako sa pagkain at mabilis na nilingon ang kung sinong nagsalita.

Nakita ko ang isang lalaking kamukha ni Lysander. Nag-iwas ako ng tingin nang bumungad sa akin ang itaas na bahagi ng katawan niyang walang saplot samantalang manipis na short lang ang suot niya.

“K-kuya,” umawang ang labi ko nang marealized kung sino ang nasa harapan namin ngayon. Pinanood ko siyang naghila ng harapan sa dulong bahagi ng mesa. Hindi naman iyon malayo sa amin ni Lysander dahil hindi naman gaanong mahaba ang Dining table nila.

“Girlfriend mo?” tanong niya. Magulo ang buhok nito at parang puyat na puyat. Inabot niya ang sliced bread na nasa harapan ko at nilagyan iyon ng palaman.

“O-opo,” nauutal kong tanong at mabilis na iniwas ang tingin nang mahuli niyang nakatingin ako sa kaniya.

“Ang aga mo namang bumisita?” tanong niya ulit. Umawang ang labi ko at nilingon si Lysander. Napakamot siya ng ulo at binalingan ng tingin ang kapatid.

“Actually kuya, dito siya natulog.” Natigil ang kuya niya sa pagsubo ng tinapay nang marinig ang sinabi ni Lysander sa kaniya. Kunot noo niya kaming binalingang dalawa.

“Ano?!” iniwas ko ang tingin ko at pinako si pagkaing nasa harapan.

“Hoy Lysander, alam ba ‘to ni Mama?” tanong niya kay Lysander.

“Oo kuya, ito naman kung maka-react,” sagot naman niya rito.

“Eh gago? Nag-iisip ka ba?”

“Alam ba ‘to ng magulang mo? bakit ka umalis sa inyo?” sunod sunod niyang tanong sa akin.

“Kuya…” narinig kong pagpigil sa kaniya ni Lysander.

“Manahimik ka.”

“H-hindi po,” sagot ko sa kaniya. Mas nakakatakot ang kuya niya kaysa kay Tita. Napakagat ako sa ibabang labi at hindi siya tinapunan ng tingin.

“Nag-iisip ba kayong dalawa? Maghahanap ka nanaman ng ikasasakit ng ulo ni Mama, Lysander!” ramdam ko ang galit niya sa aming dalawa kaya hindi na ako umimik.

Mukhang hindi maganda ang gising ng kapatid niya tapos ito pa ang bumungad ngayon sa kaniya.

“Hayaan mo si Kuya, mainit lang ulo no’n. Naghiwalay kasi sila ng girlfriend niya,” ngiting sabi niya sa akin. Tumango ako at pilit siyang nginitian.

“Mia?” binitawan ko ang kutsara’t tinidor at nilingon si Tita.

“Bakit po Tita?” tanong ko. Sa kanan niya ay si Apple na walang emosyong nakatingin lang sa akin.

Luminous Fall✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon