Kabanata 13
Call of soul
“Oh my God Mia! Anong nangyari?!” hindi ko masagot si mama habang buhat buhat ni Lysander si
Michelle papunta sa Sofa.Sinundan namin sina Michelle kanina tulad ng sinabi ni Lysander. Kung wala lang talaga kaming pupuntahan at gagawin kanina ay baka todo puri ang matatanggap niya sa akin dahil kanina ko lang siya nakitang nagmaneho ng sasakyan.
Hindi ko talaga alam na marunong siyang mag drive ng kotse.
Pagdating namin kanina ay muntik na kaming hindi papasukin ng guard doon. Mabuti na lamang at napilit naming siya na may susunduin lang sa loob.
Nang makapasok na kami kanina ay bumungad sa amin ang sobrang lakas na tutugin habang may bandang nagpeperform sa gitna. May stage doon kaya kitang kita iyong banda.
Maliwanag sa loob na punong puno ng mga nag-iinuman. Hindi kami nahirapan ni Lysander na makita ang grupo nina Michelle dahil sila lang naman ang grupo roon na maiingay ta naka damit pa galing sa event.
Tiniis ko ang bawat pagpapahiya sa akin kanina ni Michelle. Gusto ko siyang sampalin dahil hindi maganda ang lumalabas sa bibig niya pero alam ko naman na nakainom siya at wala siya sa tamang pag-iisip niya.
Nakailang hila pa kami sa kaniya bago namin siya tuluyang maialis sa loob no’n.
Nagpupumiglas siya habang pinagtutulungan naming ni Lysander na maipasok sa loob ng ford ranger niy.
“Y-You think you have the right to touch me you ugly witch?!” napapikit ako nang maramdaman na she spit infront of my face.
Nakakuyom ang kamao at hindi napigilang hindi siya sampalin.
“W-what the?!” tila nahismasmasan siya nang maramdaman ang palad ko sa kanag pisngi niya. Kitang kita ang bakat sa doon ng kamay ko at kung hindi pa ako inawat ni Lysander ay baka naka isa pang sampal siya sa akin.
“Tama na Mia, lasing lang ‘yan kaya ganyan,” awat sa akin ni Lysander.
“Pasalamat ka at lasing ka, dahil kung hindi, hindi lang sampal ang mararamdaman mo!” giit ko at pinanaood siyang unti-unting dinadalaw ang antok.
May kung ano pa siyang sinasabi kanina pero hindi ko na iyon pinansin at sumakay na lang sa tabi ng drivers’ seat.
“Shh Mia, tahan na,” sabi ni Lysander at tinignan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
Hindi ko napigilang hindi mapaiyak dahil iyon ang unang beses na ipahiya niya sa harap ng maraming tao. Ito rin ang unang pagkakataong nanakit ako ng tao.
Humihikbi ako at mas lalong lumakas ang pag-iyak nang maramdaman ang malambing na paghagod ni Lysander sa likod ko.
“H-hindi ko lang kasi nakayanan iyong mga pinagsasasabi niya kanina Sander!” parang batang sumbong ko.
“Porke’t iba ang kulay niya kaysa sa akin ay gano’n na lang niya ako sabihan ng kung ano ano? Sinabihan ko na siya at alam naman niya na kay papa ako nagmana ng kulay ko! Pero hindi niya iyon maintindihan!” dagdag ko.
“I know Mia, just please, stop crying at kausapin mo na lang siya bukas,” aniya.
Hindi ako sumagot at nakaidlip sa loob ng sasakyan niya. Medyo malayo kasi ang Dagupan sa Lingayen at hindi rin pwedeng bilisan ni Lysander ang pagmamaneho dahil hindi lang ako ang kasama niya.
“SAGUTIN MO ako Mia!” sigaw ni mama sa akin. Napapikit ako at hindi napigilang matakot dahil sa tono ng boses niya.
“M-ma, sinubukan ko siyang pigilan kaso gusto talaga niyang sumama kanina,” sagot ko.
BINABASA MO ANG
Luminous Fall✔️
Teen Fiction(LINGAYEN SERIES 1) Astynomia has a dark skin and black curly hair, the reason why she is being ignored and bullied. A third year high school student who transfered and studies at Pangasinan National High School, leaving her childhood bestfriend in...