Kabanata 30

385 9 1
                                    

Kabanata 30

Wedding





“What’s happening here?” sa gitna ng ingay at tawanan ng mga taong nasa paligid namin, tanging ang boses lamang ni Acel ang narinig ko. Hindi ako makatingin sa kaniya.

Ayokong makita niya akong umiiyak ngayon lalo na’t nakakahiya sa mga bisita nila.

“What the fck did you do Yael?” ramdam ko ang gigil at galit sa kaniyang tono. Napakislot ang lalaking nagnangangalang Yael sa gilid ko.

“Sorry couz, I just showed her a video.” Hindi na muling nakapagtanong si Acel dahil mabilis kaming iniwan no’ng lalaking nangangalang Yael.

“What happened, Mia?” tanong niya. Ang dalawa niyang kamay ay may hawak hawak na dalawang malaking plato. He put it down on the table as he take his seat beside me.

Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iiyak. Paano nila ako nagawang lokohin ng gano’n? Gusto kong kausapin si Lysander ngayon. Marami akong tanong sa kaniya.

Kahit naman na ako ang nakipaghiwalay sa kaniya, gusto ko rin namang malinawan. Kailan pa nila ako nililoko? Kailan pa nangyari iyon?

“Is this about you Ex-boyfriend again?” narinig kong tanong niya sa akin. Suminghot ako at pinunasan ang luha sa mga mata. Ramdam kong nasira na nang bahagya ang make-up sa mukha ko pero ayos lang dahil hindi naman masyadong kilala rito.

“P-pasensiya na,” iyon ang tanging lumabas sa bibig ko. Gusto kong sabihin sa kaniya kung ano ang nakita ko. Gusto kong magsumbong sa kaniya. Gusto ko nang umalis dito dahil habang patagal ako nang patagal ay mas lalo akong nanghihina.

Pakiramdam ko may mali pero hindi ko alam kung ano iyon. Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Acel ngayon. Alam kong hinihintay niya ang sasabihin ko, alam kong hinihintay niya akong magsalita pero maski ako ay hindi alam kung papaano iyon sisimulan.

“It’s ok,” he muttered. Gumalaw ang katawan niya. Bumuntong hininga pala siya at pansin kong nakapako ang mata niya sa iisang direksyon.

Mugto ang mga mata ko kaya hindi ko masyadong maaninag kung sino ang tinitignan niya sa ‘di kalayuan.

Dumaan pa si Tita, may kasama siyang dalawang may edad na babae. Mukhang nagkwekwentuhan sila tungkol sa negosyo kung kaya’t hindi kami napansin.

“There is your Ex-boyfriend, Mia,” aniya. Natigilan ako. kumunot ang noo ko at nilingon siya. Gano’n pa rin. Nakatitig pa rin siya sa iisang direksyon. Mas lalo akon nagtaka dahil dilim lang naman ang nakikita ko ngunit maya maya’y may dalawang taong lumabas galing doon sa sulok.

Napasinghap ako nang makita ang dalawang taong nanloko sa akin. Ang naudlot kong pagluha kanina ay nagsimula nanaman sa pag-agos.

Mas dumoble ang sakit na naramdaman ko lalo na nang makitang masayang nakikipag-usap si Michelle sa mga taong nasa paligid nila. Kita ko ang pagkamangha sa kanilang mukha habang pinapasadahan ng tingin ang kapatid ko.

Hindi rin nakatakas sa akin ang pagpulupot ng braso ni Lysander sa kaniyang baywang.

“I forgot to tell you that he’s invited…too.”

“I-it’s ok.”

“Who’s the girl beside him?” napakagat ako sa ibabang labi. Hindi nga pala niya alam na may step-sister ako. Nilingon ko siya, ang kaniyang mga mata ako nakatitig nanaman sa akin. I saw fire on his eyes as he lips his lips.

Napasinghap ako at mabilis na iniwas ang mata sa kaniya.

“She’s Michelle. She’s my step-sister.”

Luminous Fall✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon