Kabanata 10
Visitor
Gaano ba talaga ka unfair ang mundo? At parang palagi akong sinasampal nito?
Napailing ako sa isip habang pinagmamasdan ng palihim ang kapatid ko. Buti pa siya, makakapasok sa SPA, Samantalang noong ako ang nagpupumilit last year na pumasok sa SPA dahil hobby ko talaga ang pagkanta ay hindi nila ako pinayagan dahil puno na raw ang bilang ng mga student in every section.
Tumango ako at nginitian si Ma’am bago tumalikod. Nakasunod lang siya sa akin at walang sinasabi. Nakalabas kami sa Registrars’ office at bumungad ang tahimik na pasilyo.
Boses at pagdidisscuss lang ng teacher ang naririnig namin habang naglalakad. May iilang mga estudyante ang nakakasalubong namin at halos lahat ng tingin nila ay nakapako lamang sa taong nasa gilid ko.
“I think you should go home Michelle. As you heard what Ma’am Bernice told us earlier, you have nothing to worry about. You’re one of a lucky one Michelle,” I said. She didn’t answered kaya nanahimik na ako.
Naglalakad pa rin kami ng biglang nag-vibrate ang phone ko sa bag. Tumigil ako saglit at kinuha iyon sa loob. Bumungad sa akin ang pangalan at number ni Lysander.
Natigilan ako. himala at tumatawag siya ngayon? ano naman kayang kailangan niya? o baka nalaman niyang hindi ako pumasok sa klase?
Kahit labag sa loob kong sagutin ang tawag niya, hindi ko siya natiis at nakita na lamang ang sarili kong inilalagay ang mobile phone sa aking tainga.
Nilingon ko si Michelle na nasa gilid ko at sinenyasang magpatuloy ulit sa paglalakad.
“Where are you, Mia?” iyon agad ang narinig ko sa kaniya nang sagutin ang tawag. Wala sa sariling inikot ko ang mata kahit hindi naman niya nakikita.
Wala man lang Hi? Hello? or Good morning Mia? Iyon agad? Really Lysander?
“I’m with someone, may inaasikaso ako,” sagot ko sa kaniya sa kabilang linya.
Magsasalita na sana siya nang bigla siyang napatigil. Hindi ko alam kung anong dahilan pero natigilan ako nang makita siya sa aking harapan.
Nakaawang ang labi niya at mabilis na naibaba ang cellphone mula sa kaniyang tainga.
“Mia…” tawag niya sa hinihingal na boses.
“Who Is she?” dagdag niya bago pa ako makapagsalita. Nanatili ang titig niya sa kapatid ko. Hindi ko alam kung hanggang saan pa ang pasensya na kaya kong ibigay lalo na nang magpakita pa si Michelle na kanina’y nasa likod ko habang kinakausap si Lysander sa tawag.
Hindi ko napigilang ang hindi siya irapan. Ayokong nagsasayang ng oras lalo na’t kailangan ko pang ihati itong kapatid ko pauwi.
“Saka na tayo mag-usap Lysander, “ sagot ko at mabilis siyang nilagpasan, ngunit nakaiilang hakbang pa lang ako ay pansin kong wala nang sumusunod sa akin.
Lumingon ako at nakita kong naroon pa rin sa kinatatayuan niya si Michelle habang kinakausap ni Lysander.
What the hell?
“Michelle!” tawag ko at doon siya lumingon sa akin. Nginitian niya pa ang boyfriend ko bago ito lagpasan.
Tinignan ko si Lysander na walang emosyon ang mukha. Hindi ko na siya pinansin at hinila ang kapatid papunta sa main gate.
“Manong, paki hatid siya rito sa address na ito,” sabi ko at pinakita ang papel na naglalaman ng address ng bahay namin.”, “ Heto na rin ang bayad niya,” dagdag ko sa tricycle driver na nasa gilid ng main gate. Sakto lang ang dating namin doon dahil siya ang una naming nakita.
BINABASA MO ANG
Luminous Fall✔️
Teen Fiction(LINGAYEN SERIES 1) Astynomia has a dark skin and black curly hair, the reason why she is being ignored and bullied. A third year high school student who transfered and studies at Pangasinan National High School, leaving her childhood bestfriend in...