PULUTIN MO

475 4 0
                                    

---------------------->
"Hoy tukmol dalian mo jan! Ang bagal mo nanaman!" Bakit ba kase ang kupad nito?

"Eto na po! Nag sisintas lang!" Hmp ang init kaya! Ang tagal tagal!

Nang makarating siya dito sa garahe ay agad ko siyang sinamaaan ng tingin.

"Sayo muna 'tong bata ihing ihi na ako!" Nag madali akong ibinigay sakanya si Caleb at pumunta sa cr.

Pagkatapos kong mag cr ay dumeretso na ako sa CR. Kinuha so Caleb at pumunta na sa front seat.

"Babe sa mall tayo." Puna ko sa atensyon niya.

"No mahal sa Carnival tayo." Carnival? Isip bata?

"Seriously Kaleb? Carnival talaga? Ano ka bata?"

"Eh kase naman mahal e hindi pa ako nakaka punta don." Nag pagawa effect pa siya! Akala mo naman bagay sakanya.

Wala na akong nagawa at siya naman ang may hawak ng manibela. Wala ka talagang magagawa kung isip bata ang asawa mo -,-

Minsan napapa sabunot nalang ako sa buhok ko sa kakulitan niya. Daig pa niya minsan yung anak niya sa pagiging isip bata. Bakit ko nga ba 'to pinakasalan?

Mahal ko pala -,-
Kaya minsan hindi ko rin matiis pangungulit niya e.

Nandito na kami sa Carnival. Napag desisyonan namin na mag libot libot muna. Naka ilang ikot kami at sumakay sa bungguan ng mga sasakyan.

"Awieee bungguin natin si Mommy baby! Boogsh!" Hindi ko alam kung mas nag e-enjoy pa si si Kaleb kesa sa anak niya. Tuwang tuwa e. Akala mo talaga bata -,-

Pinag bigyan ko nalang siyang maging isip bata. Ngayon lang naman 'to. Hahayaan ko na.

Bumili kami ng iba mga gamit. Kumain ng mga nakita namin. At yung isa busog na busog naman.
Hawak ko si Caleb habang nag lalakad.

"Mahal sa carousel tayo! Yay hindi pa ako nakaka sakay doon!" Pilit niya akong hinihitak pero ayaw ko sumama.

"Ano ba Kaleb mamaya na. Pahinga muna. Mamaya ka na mag isip bata!" Pero ang gago ayaw pa rin tumigil hinihitak pa rin ako!

Sa hindi inaasahan ay dumulas sa akin ang mag dadalawa naming anak na si Caleb.
Sa sobrang gulat ko ay hindi ako naka galaw.
Tinignan ko siya at hindi naman umiyak. Si Kaleb ay na estatwa rin.

"Kaleb pulutin mo si Caleb." Sabi ko na may diin sa boses.

"Eh mahal gusto ko mag carousel e. Ikaw na."  Akmang aalis siya ng binato ko siya ng tsinelas ko.

"Isa pulutin mo si Caleb at kung hindi. Hindi tayo mag c-carousel." Nakita ko naman si Caleb na naka dapa at tumatawa pa habang dahang dahan umuupo.

"Mahal naman e ikaw naaaa." Ngungu nguso niyang sabi habang nag p-padyak.

"Isa Kaleb pag tatalunan pa ba natin to? Umiral nanaman pagka isip bata mo!"

Wala na siyang nagawa at p-padyak- padyak na kinuha si Caleb. Pinag pagan niya si Caleb at nag tatakbo agad papuntang carousel.

Napa punas nalang ako sa pawis ko dahil sa stress. Magka roon ka nga ba naman ng asawang isip bata. Hindi ka pa pag pagpapawisan? Pasalamat 'to at mahal ko siya.

Pinulot ko yung mga gamit namin. At nakita kong naka tingin sa'kin yung mga tao. Hindi ko nalang pinansin at pumunta sa asawa ko na iniitsa- itsa si Caleb habang naka upo at nasa carousel.

Hay maloloka ata ako ng maaga dito kay Kaleb. Ang daming hindi alam sa mundo. Akala mong kapapanganak pa lang -,-

-END-

@Adorablebiatch

// Hi! Hope you like it!

One Shots Stories and PoetriesWhere stories live. Discover now