''Ate! Ate! Bilis nood tayo dito!" Anyaya sa'kin ng kapatid ko sa sala.
Pumunta naman ako at umupo sa tabi niya.
"Anong panonoodin natin?" Tanong ko sakanya.
"Dora ate! Maganda yon!" Hay yun nanaman? Hindi na siya nag sasawa don?
"O sige nga kahit oras oras ka ata nanonood non." Inilagay ko na ang CD at kumuha ako ng makakain namin.
Nasa gitna na kami ng panood. At ang senaryo ay nang gugulo doon si Swiper pilit niyang hinahabol sila dora.
"Ate ang bad ni swiper! Lagi niyang inaaway sila dora!" Ang laki naman ng galit ng batang ito.
"Alam mo bang may kuwento talaga sila Dora at Swiper?"
Nakuha ko naman ang atensiyon niya."Talaga ate! Siguro masama talaga si Swiper !"
"Alam mo bang wala lahat 'yang katotohan? Hindi masama si Swiper ngunit yung lagi ang pinalalabas ni Boots. Nilalason niya ang utak ni Dora. Mag kaibigan dati sila Boots at Swiper. Ngunit ng malaman ni Boots na may gusto din ito kay Dora nagalit si Boots. Pinag tabuyan niya ito at siniraan kay Dora. "
Nakita ko naman siyang naguguluhan. Pero gusto niya oa din makinig.
"Pinaikot niya si Dora na masama si Swiper. Na pahamak ang dala nito. Simula noon ay kapag nahahanap sila ni Swiper wala pa naman itong ginagawa ay pinalalayas na ni Dora. Dahil yun ang sabi sakanya ni Boots. Walang magawa si Swiper dahil ang mahal na niya ang tumataboy sakanya. Kahit masakit sakanya ay umaalis siya."Mahabang dagdag ko.
"At alam mo ba kung bakit siya lagi naka sunod sakanya? Dahil gusto niyang malaman kung ayos lang si Dora ngunit iba ang kinalalabasan non. Lagi silang galit sakanya. Ni hindi inaalam ang nararamdaman niya. Kaya ginagawa na lang niya ang pag sunod dahil kahit papaano ay nakikita niya si Dora. Kahit ipag tabuyan siya. Okay lang sakanya yon basta mabigyan lang siya ng kaunting atensiyon mula kay dora."
Nakita ko ang kapatid ko na umiiyak.
"At kung tutuusin hindi si Swiper ang masama. Nag mahal lang siya kahit alam niyang walang pag-asa.
Mali lang talaga ang tadhana sakanila. Mapanlinlang nga talaga ""Tinanaw nalang ni Swiper sila Dora habang papalayo. Kitang kita niya na masaya si Dora kay Boots. Habang siya ay nag durusa. "
—End