"Lola ! Lola ! Mag kuwento pa po kayo!" Tuwang tuwa ang mga apo ko habang tumatalon.
"O sige mga apo. Maupo na kayo at mag k-kuwento na ako." Agad naman silang nag si ayos ng upo.
"Ang kuwentong ito ay ang isang sireno at ang isang dalaga"
"Sireno? Lalaking serena po? E diba sabi nila salot daw sila?"
"Makinig kayo sa i k-kuwento ko."
"Noong unang panahon may isang napaka bait na sireno. Siya ang hari sakanila. Siya ay makapang yarihan sa lahat. Tumutulong siya sa mga tao. Mag kaibigan ang tao at mga sireno at sirena nung panahon na yon."
"Talag𝚊 po? E bakit lagi po sinasabi sa'kin ni mama na bad sila?"
"Noon ay mag kasundo sila. Isang araw habang nag papahinga ang hari sa dalampasigan. May nakita siyang napaka gandang dalaga. Nag pakilala siya at naging mag kaibigan silang dalawa."
"Talaga po? Nakakasama nila ang mga sireno at sirena?"
"Oo apo. Ilang buwan silang nagka mabutihan. Nag tapat ang hari ng kanyang pag ibig at sinuklian ito ng dalaga. Naging magka sintahan sila. Gustong gusto ng hari na makasama niya ang mahal niya. Ngunit siya ay isang sireno. Isang araw hindi naka sipot ang dalaga. Hanggang gabi nag hintay ang hari. Umaasa na dadating ang kanyang sinta."
Lahat sila ay nakikinig sa'kin at manghang mangha sa kinu-kuwento ko.
" 'Di nag tagal ay natanaw niya ang dalaga. Ngunit labis ang kanyang galit ng makita niya itong may kasamang ibang lalaki. Sa galit niya ay lumusong siya sa dagat at doon inilabas ang galit. Ilang araw ang lumipas at hindi nagpa kita ang dalaga. At sa mga araw na lumipas . Nag iba ang hari. Sinisira niya ang kabuhayan ng mga tao. Galit na siya sa mga ito. Nananakit na siya. Ibang iba sa haring dating hinahangaan ng iba. Simula din noon nag tanim na ng mga galit ang mga tao. Doon nag simula na tawaging silang salot. "
"Ngunit hindi pa tapos ang Hari sa kanyang pag hihiganti. Hinanap niya ang dalaga. At ginawa itong sirena. Ginamit niya ang kanyang kapanyarihan ulang pag palitin sila ng anyo. Siya bilang tao at ang dalaga bilang sirena"
"Sa mga oras na yon walang nagawa ang dalaga. Lalo na ng pag malupitan siya ng mga tao. Sinadya ng hari ng gumawa ng gulo sa mga tao. Para kapag mangyari ito. Ang babae ang mag durusa at hindi siya. Nag higanti ang lalaki dahil sa kaalamang nag taksil sakanya ang dalaga. Ngunit lingid sa kaalaman niya na kapatid lang nito ang kasama. At yun ang naging dahilan kung bakit galit ang mga tao sa mga sireno at sirena. Dahil sa panlilinlang ng hari"
"Hindi na po ba nakabalik yung dalaga lola!"
"Naka balik siya mga apo. Andito siya sa harap niyo. "
—End
@𝙰𝚍𝚘𝚛𝚊𝚋𝚕𝚎𝚋𝚒𝚊𝚝𝚌𝚑mention a user