༼ つ ◕◡◕ ༽つ-------------------------------------------------------------->
"Buhaghag nanaman 'yang buhok mo! 'lika nga dito ayusin ko! " Pumunta naman agad ako sakanya habang dala ang cellphone ko. Umupo ako sa gitna ng hita niya at sinimulan niya akong talian.
Napansin ko na ang tagal niya mag tali. Saka ko lang nalaman na tinitirintasan niya ako.
"So natuto ka na mag ganyan ha? Kamusta panonood sa YouTube? HAHAHA!" -Aray! Ba't kailangan mang batok!
"Poknat ka talaga. Wala namang ibang gagawa sayo niyan at hindi mo kaya. Ka-babae mong tao e." Iningusan ko lang siya at nag cellphone nalang.
He's Kyle my boyfriend. Hindi nga lang halata at para lang kaming magkaibigan. Nag babatukan. Nag aasaran. Ala e ganyan kami e. Mas masaya naman kapag ganyan ang relasyon.
We've been together for almost 3 years. Marami mang problema ay hinaharap namin ng magkasama. Muntik pa nga siyang habulin ng itak ni papa noong nag balak siyang manligaw.
Babaero kase 'tong gagong to. Araw-araw ata may babae noon. Pero I gave him a chance. And he didn't waste it. Pinatunayan niya na magbabago na siya. Nanligaw siya sa'kin kahit maraming pag subok.
Andiyan na pinag tataga siya ni papa ng mga kahoy. Pinag iigib sa poso sa kabilang kanto pang paligo lang ni papa. Pero wala siyang reklamo. Pursigido talaga siya.
Kaya napaka swerte ko na siya ang boyfriend ko. Gago man noon. Mahal naman ako ngayon.'poknat 'wag diyan!'
'e hindi nga ako marunong!'
'Diyan ka na nga lang!'
'e ano gagawin ko dito tutunganga!'
'pumatay ka nalang ng Minions!'
'argh! Buset ka talaga alam mo namang hindi ako marunong!'
'Cancer! Cancer! Cancer!'
Gago talaga 'to malay ko ba sa pag m-ml?! Hanggang ngayon hindi ako maka alis sa warrior 3. Ayaw ako turuan. Tapos sasabihan akong cancer. Hmp bahala siya jan. Diyan siya sa ml niya!
Isang oras ata tinagal niya bago siya natapos. Kung hindi ko pa siya pinanlakihan ng mata nay balak pang mag rank.
"Eto nga bebe time na e." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Ako naman tampo-tampuhan.
"Ayaw mo'ko pansinin? Sige ka." Umalis siya at may kinuha. Pag balik niya ay inayos niya ako ng upo. Asa gitna ulit ako ng hita niya patalikod.
Gaya ng naka gawain niya at tinalian niya ako. Iba naman ang style nito paikot na. Araw-araw ata kase to nanonood sa youtube ng kung ano ano. Talagang pursigidong matuto.
Sa lahat ng mga lambing niya at ito ang pinaka paborito ko. Feeling ko dito ko nararamdaman na mahal niya talaga ko. Ito na ang nakasanayan ko. Hinding hindi na mawawala sa sistema ko 'to. Nasanay na ako ganito niyang kilos. Tinatalian ako. Inaayusan.
Hiling ko na sana hanggang dulo ganito pa rin. Kahit sa pag tanda namin ay ganito pa rin siya. Tatanda ngunit ang pag mamahalan namin ay hindi mag babago. Lalo na ang mga kilos niya't gawaing ganito.
Na hanggang dulo ay dadalhin ko.---------------->
Kay sarap sariwain ang aming mga ala-ala. Noong mga panahong nanligaw siya. Mga pag subok na hinarap namin na magka sama. Lahat ng 'yon ay nandito pa rin sa aking ala-ala. Hinding hindi 'to mawawala.
Tumanda man kami. Ay masaya ako kase siya ang kasama ko. Natupad ang hiling ko na kami pa rin talaga. Na hanggang dulo mag mahalan pa rin kami.
Nagka pamilya kami ng masaya. Hindi perpekto ngunit ayos na. May mga problemang kinaharap. Ngunit sabi ko nga ay magkasama namin' tong hinarap. Hindi kami bumitaw sa isa't isa. Tanging pagmamahalan pa rin namin ang nanaig.
"Hanggang ngayon ako pa rin ang nag tatali ng iyong buhok mahal ko." Tama higit sa lahat ng pinag papasalamat ko na hindi nawala sakanya ang nakagawiang ito. Ang pag silbihan ako,ayusan at talian ng buhok.
Hindi nawawala sa kanyang isipan na gawin 'to. Na sabi ko nga ay sana hanggang sa pag tanda ay ganito. Hindi ako nabigo kaya heto. Tinatalian niya ako. Pilit niyang inaalala ang mga nagawa niyang pag tatali noon. Hindi pa rin siya tumigil sa pag alam. Para lang sa ikasasaya ko.
"Andito ka naman mahal ko" Tinapos niya ang pag tatali at hinarap niya ako. At niyakap ng mahigpit. Walang salita ang namutawi sa amin. Dinadama lang ang pagmamahal ng isa't isa.
Sobrang saya ko na walang nag bago. Na lahat ng hiling ko ay totoo . Na kami pa rin hanggang dulo. Ngunit may dalawa pa rin akong hiling. Na sana sa aming huling hininga ay kami pa rin hanggang dulo.
Pangalawa ay para sa nag babasa. Hintayin mo ang taong para sayo. 'Wag mong mamadaliin dahil baka ang taong hindi mo inaasahan na makakasama mo ay yun pala ang pang habang buhay mo. Darating ng araw na darating siya. At siya ang unang yakap sayo, tatanggapin ka at higit sa lahat ay mamahalin ka ng sobra. Kaya 'Wag madaliin. Darating din 'yan. Sa tamang panahon ay makikilala mo ang isang tao na dadalhin mo sa altar at mag tatapos kayong magkasama sa kabilang buhay .
Thank you!💜
@Adorablebiatch