-"May lakad kayo ni Uno sa Sunday?"
Nakatungo si Nicia to make sure na hindi siya mahuhuli ng prof namin na nagdidiscuss sa una. I was busy scribbling my name while listening a bit.
"Oo. Gym,"
Tumango siya at tumingin sa'kin nang makahulugan.
"Sumama ka. H'wag kang imagine nang imagine," I glared.
"Nako! Hindi na! Ang ganda kong third wheel,"
Sinipa ko ang binti niya para patahimikan siya. Tumingin na kasi kanina sa banda namin si prof. We might get caught because of her! Ininda niya ang sakit ng sipa ko.
"Gym lang 'yon, Nicia. Besides, p'ede ka naman sumama, e. Wag kang OA,"
She shrugged and shifted her eyes in front. I could still see her side profile grinning. Sinipa ko ulit siya at saka pa lamang matiwasay na nakinig sa discussion.
It was third week since day one, and all I can say is that we're getting busier day by day. Sometimes, I come to think of a thought regards to why did I really chose this mechanical engineering? Pakiramdam ko minsan sana ay itinuloy ko na lang ang una kong pangarap na maging lawyer.
"Pahiram highlighter,"
Inabot ko kay Steff ang set ko at nagpatuloy sa ginagawa. They say June is the best class month kasi madali lang. But when it comes to us, college students, I really don't think so.
"Kain muna tayo," yaya ni Maxine, gutom na gutom na.
"Let's go!" Nicia agreed so fast.
So we ambled to the cafeteria to take our late lunch. Inuna pa kasi namin ang mga gawain sa Linear Algebra. Sandamakmak ba naman!?
"Sandwich lang at tubig," I mentioned my order.
Si Nicia naman ang pumunta sa counter. I'm always like that every lunch time. Gutom ako and sometimes I feel like I want to consume proper meal, including rice precisely, but I don't know! Siguro nga ay nasanay na ako sa diet ko.
"Buti hindi ka namamayat," nanunuya si Maxine.
Nagkibit-balikat ako. I doubt that. Nagtetake naman ako ng small amount of rice and make it part of my breakfast since nagstart na ang klase. Kaunti lang pero sapat na 'yon para sa'kin. Yet, I mostly prefer yogurt and plain bread.
Wala kaming imikan. We're probably stressed out from so much things to deal with. Hanggang sa dumating ang pagkain ay tahimik lang kami. Kung maguusap ay tungkol pa sa mga subject na susunod, at mga papers na kailangang isubmit.
"Chat n'yo ko, ah!" Maxine yelled out of the room.
She's seeing us through the classroom window. Nauna silang lumabas ni Steff, kami ni Nicia ay nasa loob pa. Actually, I'm just waiting for her. Nag-aayos pa kasi siya.
"Message mo si Steff kasi nasa kaniya yung details," sabi ko.
Nagthumbs up siya at nagpaalam na para mauna sa'min. I groaned when I saw that her retouching session wasn't yet over.
"Tangina, meses! May fashion show ka ba?"
She just laughed. Umirap ako dahil sobrang naiinip na. I get a buzzed from Uno. I inhaled and exhaled before I opened the message.
YOU ARE READING
Running After The Wind(Manila Encounter Series 1)
Romance"You're like a wind. You always go with no definite direction." Bridgett Aloha Ortiz earns to bolster her living. Though, kaya naman ng mga magulang niyang suportahan siya, she's still intended to do so. She was once betrayed by her own father...