38

2 0 0
                                    


-

"Uno! Male-late ka na!"


I heard my mom still shouting outside my room. She's nagging to me since I woke up. Nabibingi na nga ako. I combed my hair, side to side. I really love styling my hair. I'm always concious to how it looks. Sabi ni Dade, ito raw ang nagpapagwapo sa lalaki.


"Uno!" she's getting impatient now.


Tumingin ako sa salamin para tantyahin kung ayos na ba ang itsura ko. Napangiti ako.


"Gwapo mo, self," papuri ko sa sarili at nagpogi-sign muna bago dinampot ang bag na nasa ibabaw ng kama at lumabas na ng kwarto.


Bumungad sa'kin ang aking ina na may nakasabit na bag sa braso habang nasa cellphone ang atensiyon. She's well dressed, siguro papasok na sila sa trabaho.


"Sorry, Mame. Inayos ko pa ang buhok ko," I showed him my hair that I had wax.


She kept her phone inside her red bag.


"You're too slow, honey. Almost 7 am na," she checked the time from her wristwatch. "Let's go, I'll drive you to school," she held my hand and dragged me along her steps.


"Si Dade po?" tanong ko, nagtataka.


Palagi kasi silang sabay na pumasok ni Mame at siya rin ang nagmamaneho para maidaan muna ako sa school bago sila magtuloy sa company.


"He is busy with your tito Max," sagot niya na nagpalaki ng mata ko. Binitawan niya naman ang kamay ko dahil may biglang tumawag. "Get in the car, Uno. May kakausapin lang si Mame, okay?" she pinched my left cheek.


"Okay,"


Pumunta na siya sa garden. Habang ako, imbes na pumunta na sa garahe at sumakay na sa kotse, umakyat ako pabalik sa itaas dahil sigurado akong nasa opisina ni Dade ngayon si tito Max.


"Balita ko marami raw kayong kliyente nitong mga nakaraang buwan," it's Dade's voice.


Hindi nakalock ang pinto kaya nakasilip ako agad. Wala sila sa tanggapan ni Dade, nasa coffee table sila at may dalawang baso ng kape sa harapan. They were sitting parallel to each other.


"Sinuswerte lang siguro ngayong magpapasko na," tito Max laughed a bit.


Hindi naman siya ang ipinunta ko rito. I went back here to check if he's with his daughter. Madalas dito si tito Max, discussing some business matter with mom and dad. They told me that dad and tito are best of friends ever since they were in highschool.


Sa pagpunta-punta niya rito, he seldom bring his daughter, for I am not mistaken, her name is Bri. Hindi ako sigurado kung anong full name niya pero she is cute. Crush ko siya. Kaya nga nalulungkot ako dahil mukhang hindi siya kasama ngayon ng ama.


"Pa, what is this?"


Bigla siyang lumabas mula sa sulok. Nandoon pala siya sa shelf. Dinala niya ang chess board na nakuha roon at pinakita sa kay na tito Max na natatawa sa kainosentehan niya.


As far as I know I was just one year ahead of her. Pero kung kumilos siya, para siyang mas bata sa'kin ng tatlong taon. I'm 6 so she is probably 5 now. I looked to her pink dress nd pink flat sandals. Para siyang manika.


"Uno!"


I panicked when mom called me. Tumingin sa gawi ko sina Dade pati siya. She looked clueless about me. I can't blame her. We're not friends. We didn't talk, didn't play even for once. Gusto ko nga sana pero ang sungit niyang tingnan.


Running After The Wind(Manila Encounter Series 1)Where stories live. Discover now